-----------------------------------------
4 and a half years later...
(Julia's POV)
Tumakbo ako pababa ng kusina para kumuha ng tubig.
"SIIIIIIIS!" sigaw ni Kiray mula sa kwarto nya. "TEKA LANG!" sigaw ko pabalik habang nagpo-pour ng tubig sa isang baso. Pagkatapos umakyat agad ako at inabot ito kay Kiray. Pinapaypayan nya ang kanyang sarili gamit ang kanyang kamay na parang banas na banas kahit naka-max na yung aircon. Ininom nya yung tubig tapos nag-pace back and forth.
"Kalma lang, Kiray..." sabi ko sa kanya comfortingly. Kinuha ko yung braso nya at dinala sya sa isang upuan. "Paano pag hindi siya mag-show up?! I'll be the beautiful bride left at the altar!" Inayos ko yung palda ng wedding dress nya dahil natatapakan nya ito. "Wag kang OA. Mahal na mahal ka ni EJ," pag-rereassure ko sa kanya. Huminga sya nang malalim at mukha kumalma na.
Nginitian namin ang isa't isa. "Salamat ulit, sis for being my Maid of Honor," kinuha ni Kiray yung kamay ko at pinisil ito affectionately. "Ano ka ba. Wala yun..." nag-bend down ako para yakapin siya. Sobrang saya ko para kayna EJ at Kiray. Akala ko nagbibiro lang sila nung sinabi nilang magpapakasal sila pagkatapos na pagkatapos nila grumaduate pero tinotoo ng mga baliw. Last week lang sila grumaduate eh.
Akala ko mahihirapan kami sa preparations pero di naman masyado. Wala pang 100 yung guests kaya tulong-tulong kaming hinand-deliver ito sa kanila at natapos ng isang araw. Nakakuha agad sila ng pari since may tito si EJ na ganun habang si Kiray naman ay may pinsang willing na willing mag-cater para sa reception.
Tumingin ako sa orasan at nakitang may 15 minutes na lang kami bago magsimula. "Tara na, baka ma-traffic pa tayo." aya ko kay Kiray. Kinuha ko yung bag ko tapos bumaba na kami. Naghihintay sa baba yung mga magulang ni Kiray at tuwang-tuwa silang makita ang anak nila. Sama-sama kaming pumasok sa puting mini limo at nagpunta na sa venue.
Tama ako. May konting traffic. Pero nakarating kami just in time. Kinuha ni Kiray yung braso ng Daddy nya tapos ako naman yung pumwesto sa likod para alalayan yung mahabang buntot ng gown nya. Pumasok kami sa loob ng hacienda ng lolo at lola ni EJ dahil nasa bakuran yung ceremony. Nakapasok na lahat ng mga abay at mga ninong at ninang. Nag-play yung Wedding March at bago kami lumabas, lumingon sa akin si Kiray at ngumiti.
FAST FORWARD >>
"I now pronounce you husband and wife!"
Nagpalakpakan kaming lahat. Tumingin yung pari kay EJ at nag-motion kay Kiray, "You may now kiss the bride." Linapitan ni EJ si Kiray at hinalikan nang matagal. Nagsigawan at nagsipulan ang mga tao. Then, tinaas nila ang kanilang mga kamay at nakisigaw din. Naglakad sila down the aisle habang nambabato ng bigas yung mga tao.
Pumunta kami sa reception area na nasa isang tabi lang. Ang laki kaya nung bakuran. Grabe. Nag-play yung DJ ng mga lively songs habang kumakain yung mga tao. Medyo dumidilim na pero sobrang nag-eenjoy yung mga bisita. After ng kainan, nag-first dance sina Mr. and Mrs. Jallorina to "At Last" by Etta James.
Then, kinuha nila ang mic at in-announce na dahil sa isang special request, kailangang lahat ay magsuot ng maskara. May mga lalaking lumabas mula sa bahay at may hawak silang mga box na linalaman ng iba't ibang maskara. Kumuha ako ng isa at sinuot. Mga kaartehan ni Kiray. Grabe. HAHAHA
Nagpuntahan yung mga tao sa dance floor pero ako'y kumuha na lang ng drink. Tiningnan ko ang aking phone to check kung minemessage ako ni DJ o ano pero wala naman.
After 4 long years, siya pa rin yung mahal ko. Kahit sobrang miss na miss ko siya, nag-wowork naman yung relationship namin. Natuto na ako sa mga nangyari sa amin dati kaya di na ako agad-agad sumusuko sa mga problemang dumadating sa amin. Tumatag talaga kami. Distance makes the heart grow fonder, di nga ba?
BINABASA MO ANG
We Belong Together (JulNiel)
FanfictionKung papipiliin mo si Julia kung anong salita ang nag-dedescribe sa kanya, agad nyang sasabihin ay "tanga." Bakit? Kasi ano pa nga ba ang tawag sa mga taong nahuhulog para sa best friend nilang may syota na?