Weather No. 2 *A Friend*

133K 1.4K 172
  • Dedicated kay Ronnalyn Ramos
                                    

Si Herbert Josh nasa gilid po yung picture niya  ^____^

Weather No. 2

((-Sunny's POV-))

HOLOOO!     (=___=)

San ako ngayon pupunta nito?! Ni hindi man lang ako kinalabit, itinulak o binatukan nung kumag na yun nung paalis na siya.

Badtrep!

Tapos wala din siyang sinabi tungkol sa kung anong subject namin ngayon. WTH!! Di ko nga alam kung anong inenroll niyang course ko dito eeh! Hunyangoy na Cloud.

Hindi ako manghuhula!!

Eh ano pa bang magagawa ko dito kundi...mamasyal.

Yeeeeeeey!!

Wuhuu!          \(*o*)/

Tutal iniwan ako ni Cloud, ako na lang ang magkukusang iligaw ang sarili ko.

Lakad-lakad lang ako hanggang sa may nakasalubong akong gwaponess na fafaness. Parang si Cloud pero ibang level. Galeng ko nemen! May category pa talaga si Dark Prince sa akin ah.

Tinitigan ko siya at napansin niya ako...

(¬_____¬)     "Ikaw babaeng mukhang abno. Don't stare at me or I'll kill you." Sabi niya sa akin.

*gulp

O_____O           Totoo yun?! Baka hinde. Schucks! Pano kung totoo?!

Sunny evaporate! Evaporate! Tumakbo ako palayo. "Pasalamat ako at hindi ganun kabrutal si Cloud." Pssh.

(Author's note: Nakasalubong ni Sunny si Yue Anthony. Monster na galing sa "Love Tunes ~Symphonies". Epal lang siya dito at hindi kasama sa cast.  (n_n)v  UNFORTUNATELY, binura ko na ang LOVE TUNES novel ko. I'm planning to post it soon.)

Sa kakatakbo ko nakabangga ko yung isang babae.

*SPLASH!

"Awsh*t!! My uniform!" tili nung babaeng gumamit ata ng pintura sa mukha. Aish. Kapal ng make up oh.

"Sorry miss. Di ko sinasadya." Eh hindi kita nakita. Sorry naman daw.

"Sorry your face! Napakatanga mo!" sigaw nung bruha. Sasapakin ko na 'to eh. Accident ang nangyari hindi man lang makaintindi.

"Maca! What's happening?" Ahahaha. Natatawa ako. Ano yung pangalan niya? Maka? Kasama ng manok, mamoy at mambing?? Moooo!

Biglang may sumulpot na tatlo pang babae sa likuran niya.

"Eto kasing stupid na babaeng to, tinapunan ng coffee yung damit ko! Look it's so kadiri na!" sumbong nung Baka.

"What?!" lumapit yung isa sa akin tapos hinaplos yung buhok ko. "Alam mo, ang ganda ng buhok mo."

 Yung haplos niya naging sabunot!!  "OUCH!" ang sakit! Leshe kang unggoy ka! Babawi ako! Jinombag ko siya sa mukha. Nahilo ang unggoy kaso tumulong naman yung ibang monkey girls. Unfair ang laban!! One versus four. Di na kaya ng powers ko!!

 May nananabunot, may sumasampal, may namimingot at may humihila ng damit ko.

(TT___TT)  Somebody help meh!

"BITIWAN NIYO SYA!" biglang may sumigaw sa di kalayuan.

(Sound effect: Angels singing; Light effect: Almost blinding light)

Yes! Thank You po. Dininig Nyo ang kahilingan ko.    TT_TT

Paglingon namin lahat.

(~__~)    Dyosmio Marimar! Maililigtas ba ako ng payatot na nerd na 'to?? Okay, hindi sa pang-aalipusta sa aking kapwa kaso... Naman eh!! Sa dami ng sasaklolo sana yung macho man lang. Tss.

Nagtawanan yung mga bruhita. "Ikaw? Baka gusto mong madamay sa mga casualties dito??!!" pananakot ni Baka. Si payatot naman hindi nasindak. Tinignan nya yung nananahimik na board sa tabi niya.

~WATATA!

Chinop nya yun into two pieces gamit lang ang kamay niya!! ASTEG! Binabawi ko na lahat ng pang-iinsulto ko. Sabi nga nila, don't judge the book by its pabalat ya'know.

"Ano? Sino ngayon ang gustong maging unang casualty?" *smirk Sabi ni Yatot. (Di ko pa siya kilala kaya iyan muna name niya ah.) O____O

"WAAAAH!!" nagtatakbuhan yung mga unggoy palayo. Ahaha! Humagalpak ako ng tawa. "Mga unggoy!!" Binalingan ko si Yatot.

 O___O

"Wuuuuuh!! Medics! Ansakit ng kamay koooh! Nadurog ata ng board!!" tatalon-talon siya habang nasa pagitan ng legs niya yung kamay niyang pinang-chop sa board.

"Hala! Nu nangyari sa'yo?" Nilapitan ko siya. Siraulo din 'to eh. "Bakit kasi chinop mo yung board??"

"Eh hindi ko naman balak na i-chop yung board eh! Gusto ko lang ibato sa kanila. Mali yung pagkakatama ng kamay ko."    TT____TT

"Pfffft. Ahahaha. Nyahahaha!! Adik ka din ah!"---Sunny.

"Can't you at least say thank you?" sabi ni Yatot.

"Ahaha. So-Wahaha.Sorry. Ahaha. T-Thank you ah. Kyahaha!" Hindi ko mabigkas. Nakakatawa talaga siya eh. (Ang babaw ko. Sensya.) Tinusok niya ako sa ilong.

"Awsh! Ang shaket!"   (>_____<)

"Ilong mo. May sugat. Wagas kung dumugo." Sabi ni Yatot tapos pinakita nga sa'akin yung dugo. Pinisil ko yung kamay niya.

 (>_____<)

"Awts! Masakit!!" daing ni Yatot.

"Kamay mo. May sugat. Bongga kung dumugo." Bawi ko.

"Ahahaha!" Para kaming mga eng-eng. Tawa kami ng tawa sa sarili namen.

"Pangalan mo?" tanong ko.

"Bert." Sabi niya sa pagitan ng super silver na brace ng ngipin niya saka niya inayos yung makapal na salamin niya sa mata.

"Ay? Pang matanda? Parang Berting lang eh." Pansin niyo?

"Oy hindi ah. Herbert Josh buong name ko." Ahy, toroy din pala ng name eh.

"Oh eh di Josh nalang para mas maganda ang dating. Diba Josh?" mas bata pakinggan.

"Oo nga noh! Kaw, nu name mo?"

"Anica Jean pero Sunny nalang"    ^__^

"Baket? Ang layu naman nun sa Anica Jean??" tanong ni Berting a.k.a. Josh

SECRET. "Basta. Mas sanay ako sa Sunny eh."

"Kaw bahala."  Sabi ni niya. Sabay kaming nagpunta sa clinic. Oh yeah, may friend na din ako!

(n____n)

Sa clinic........

Nagtatawanan kami ni Josh at nakikipagbiruan sa school nurse nang biglang.

Bumukas ang pinto.

(Dumilim ang kalangitan! Kumulog at kumidlat!!)

May isang pares ng matang masama kung makatingin ang iniluwa ng pinto.

"Hoy Zenny!"

                                             To be continued.....

Ms. Sunny Meets Dark PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon