HINDI KO PO ALAM KUNG TATAPUSIN KO NA ANG KWENTO NILA SUNNY AT CLOUD. PLEASE HELP ME. LEAVE A COMMENT OR REACTION.
READ.COMMENT.VOTE.LIKE.BE A FAN.
Thank you.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Weather No. 33
((-Sunny's POV-))
"Sunny, you seem very sad?" puna ni mama Gemma sa akin. Naabutan niya ako sa terrace. Kakalabas niya ng lang sa ospital at nakawheelchair pa siya pero ang likut-likot. Tingnan mo, gala nang gala.
"Ma, gabi na. Tulog ka na." lingon ko sa kanya.
Lumapit siya "Hindi mo naman sinagot yung tanong ko eh. I know there's something wrong. Tell me. Anak kita eh." Tapos hinagod niya ang likod ko.
*sigh
Si mama talaga. Okay na nga. Sige po, sasabihin ko na. "Makikipagkita po kasi dapat ako ngayon sa mother ni...kay Mrs. Buenavista po. Hindi ko alam kung pupunta ba ako o hindi."
"Bakit nagdadalawang isip ka pa? Pumunta ka na. Hindi mo pa nalalaman ang totoo sa nangyari diba?"
"Ma, alam mo?!" hindi ko pa naman sina yung nangyari sa kasal ah?
"Oo. Kaya punta ka na. Alamin mo." Tapos humikab si mama. Nagpahatid na siya sa kama niya at natulog.
Tinitigan ko ang mukha ko sa salamin.
Aalis ako. Pupuntahan ko na si Mrs. Buenavista pero andun pa kaya siya? It's almost an hour simula nung tumawag siya sa akin at ipaalam na nasa Pesto Restaurant siya.
Kinakabahan ako. Parang tumatalon ang puso ko sa lalamunan ko eh. Tss. Baka lait-laitin niya na naman ako katulad ng dati.
Huh! Subukan niya, papatulan ko na siya. Isusubsob ko siya sa aspalto ng kalsada sabay pasasagasa ko siya sa mga mabibilis na sasakyan dito sa America.
Dumating ako sa restaurant. I half expected her here. Siya may kailangan eh. Siya din unang tumawag kaya talagang expected ko na kahit na abutin siya ng umaga, andito pa siya.. Chos lang~
"Good evening." Sabi kong walang kagana-gana at umupo sa silyang katapat niya. "Bakit gusto niyo akong makausap?"
"What an attitude. Hindi ka man lang ba magso-sorry dahil nalate ka? You really have a low profile." Sabi niya sa akin saka sumimsim ng wine niya.
"Oh eh di sorry. Pwede bang sabihin mo na agad ang pakay mo?" bastos na kung bastos. Binabalik ko din yung treatment na narecieve ko noon sa kanya. Hindi na ako papaapi.
"Mayaman ka na ngayon diba?" tanong niya sa akin. Lumilibot yung paningin niya sa suot kong damit. Wala naman kasi akong jewelry. Hindi ako mahilig dun.
"O, ano naman po ngayon?" Tataray-taray din ako.
"Simple lang naman. Pwede mo nang pakasalan si Cloud." Tapos tinitigan niya ako sa mukha.
PUTIK LANG! AGAIN!? Ano bang alam ni'tong mama ni...mama niya?! Dahil nalaman niyang mayaman ang pamilya ko, pwede na kami ulit? Ganun lang yun kadali? Psh. Hanep din 'to.
Napatayo ako at hinatak ko ang bag ko. "ISAKSAK NIYO SA BAGA NIYO ANG ANAK NIYO! KAHIT ITAGO NIYO DYAN SA MAITIM NIYONG BALUNBALUNAN SI...SI CLOUD, INYONG-INYO NA! HINDI KO NA SIYA PAKIKIALAMAN! KAHIT KELAN!" Walk-out.
BINABASA MO ANG
Ms. Sunny Meets Dark Prince
RomanceSunny says: "Bakit bigla kitang naging boyfriend?!" Cloud says: "Ayaw naman kitang maging girlfriend!" Will their story turns out a sunny happy ending or a cloudy sad one? Find out!-- Cheesiness alert. Disclaimer: This story was written when I was 1...