Weather No. 7 *I Still Love You*

124K 1.3K 109
  • Dedicated kay Michelle de Vera
                                    

Para sa Momsie kuuuu... (^____^)  Aabangan ko ang kwento ni ate YUI at kuya HIRO.

Weather No. 7

((-Sunny's POV-))

"Achoo! Achoo! Ha-choo!" pulang pula na ilong ko. Mukha na siyang kamatis. Andito na ako sa bahay at hinahanap ang medicine box ko. "Badtrep ah, pati medicine box, iniinis ako. Asan na ba yun at bakit ayaw magpakita!?" Ayan, kakayakap ko sa pusa ni Cloud eh ito yung nangyari sa akin. "Achoo! Achoo!" bumongga ang bahing ko dahil sa allergy.

"Ah! Bahala na! Kung nasaan ka mang medicie box ka, lagot ka sa akin kapag nakita kita." Mukhang pinagtataguan ako nun. Psh.  Napabulagta ako sa kama. Naiisip ko kung anong gagawin ko bukas. Nakapangako ako kay Berting para sa makeover agenda para sa kanya bukas eh tapos ito namang Prinsipe ng Kadilaman, naghain na naman ng isang utos para sundin ko. Mukha akong alila imbes na girlfriend.

Naikawag-kawag ko ang kamay at paa ko sa ere tapos bulagta na naman sa kama. "WAAAAAH! HENDEKOLAM GAGAWINKU! Achoo!" Unfair naman kasi kapag sasabihin kong hindi tuloy yung gagawin namin ni Josh bukas. Nauna pa naman siyang magsabi sa akin. Buset kasi 'tong si Cloud.

~ting! (light bulb with matching fireworks and sparkles all over) hehe, taray ng effects Nagmadali akong nagpalit ng walking shorts at t-shirt. Pupunta ako sa tindahan para makitawag sa landline.

"Hello? Berting?"

"Sinong Berting?! Siguro babae ka ng kabit ng asawa ko no?!"

Hanu daw yun?!   "P-Po??"

"Susaan!! Walanyang babae ka! Sinasabi na nga ba at may kalaguyo kang iba!!" sigaw nung nasa kabilang linya.

"Ahmm.. Hindi ko po kilala yung.." Wala. Hindi ako pinakinggan. Bilang background sa kabilang linya, may nababasag na mga gamit at umuulan ng bad words. Ay, nu ba yan? Bahay ba ito nila Josh?? Tinignan ko yung number na inilista ko sa papel. Holoooo. May isang number na nagkamali ako ng pindot. "Manong, hello?? Sorry po. Wrong number ako." Sabay baba ng telepono.

Lagoooot.  /(~___~)\ Nanggulo ako ng bahay nang may bahay. Isa akong home wrecker. Ahuhuhu. Chos! OA ko na. OA din sila. Hmm. Tatawagan ko na nga lang si Josh. 

*ring

"Good evening, this is the Lorenzo mansion. How may I help you?" sabi ng isang babaeng pang call center ang boses.

"Hello? Good evening din po, pwede po kay Berti--  I mean, Josh? This is Sunny. Friend niya po."

"Please wait a second Ma'am Sunny. I will transfer your call to Sir Josh."

~tenenen ~tenenen

Nyahaha, ancute naman ng music para sa call waiting. Parang sa icecream lang eh.

"Hello Sunny! Bakit napatawag ka? Siguro hindi ka makatulog kasi iniisip mo na ime-makeover mo ko bukas ano?"

"Sira! Baka ikaw yun noh. Pssh. Anyway, tumawag ako kasi bukas may pupuntahan ako eh."

"Ahhhhhy... Ganun ba?" dissapointed na siya. Halata.

"Oo, pero pwede pa naman natin ituloy bukas eh basta ganito ang gagawin mo." At sinabi ko na nga sa kanya ang napakabrilliant idea ko. Mehehehe.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

Kinabukasan sa condo ni Cloud

Ms. Sunny Meets Dark PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon