Weather No. 12 *Poll of the Day*

113K 1.4K 285
                                    

READ. VOTE LANG NANG VOTE. COMMENT LANG KAYO NG BONGGA. PA-FAN NA RIN.

THANKS

Weather No. 12

((-Cloud's POV-))

*BUGSH! *BLAG! *PAK!

Powtek! May mga humarang sa aming mga lalaki ni Sunny habang pauwi na kami.

*BAGSH! *BUGSH!

Ni hindi ko man lang siya maipagtanggol dahil armado sila ng baril! Buti na lang at dumating yung mayabang na si Rolex ata yun at naagaw niya ang atensyon ng mga unggoy.

*KABLAM!

Nasipa ko ang baril njla at pinag-uupakan ang isa dahil tinira ng suntok ni Slex (kung yun man ang pangalan niya) yung isa pa. Kasalukuyan kong binubugbog itong weak na kalaban ko nang...

*WAPAK!!!

"Sh*t! Tang* ka!!" nakita kong nasuntok ng mangmang na si Golex si Sunny at napahandusay siya sa kalsada. Tumakbo ako agad sa tabi ni Sunny, niyakap ko siya at marahang tinapik ang pisngi. "Sunny, Sunny. Sunny!" pero wala nang malay si Sunny. "Sh*t!"

Tumawag ako ng mga pulis bago pa matauhan ang mga lalaking nangharang sa amin saka ko binuhat si Sunny at ipinasok sa kotse. Lalong nag-init ang dugo ko dahil yung labi niya eh may sugat at dumudugo.

"Gunggong ka!!" malakas na isinuntok ko sa mukha ni Polarex ang kamao ko. Malas! Bakit ang bilis niyang umiwas! Napasadsad ako sa kalsada dahil nawalan ako ng balanse. Oy! Di ako mahina. Ano lang ako. Ano....basta! Basta hindi ako mahina!! Mabilis lang siya umiwas.

"Manahimik ka nga!! Dalhin na natin siya sa ospital!" sigaw niya sa akin saka niya inihilamos ang mga palad niya sa mukha niya. Tumakbo siya patungong kotse at sinilip si Sunny. Sinundan ko siya at itinulak palayo roon. "Umalis ka na dito. Bago pa kita masapak." Sabi ko sa nagngangalit na ngipin.

Okay fine! Eh ano naman kung hindi ko siya nasapak kanina? Basta magbabanta pa rin ako, lumayo lang siya kay Sunny. Ayokong nakikita siyang lumalapit kay Sunny. Nagseselo...Na-iinis ako! Biruin niyo? Isang shonga at mayabang na mangmang, magsasama?! Hindi bagay! Tsss.

Masama muna ang tingin niya sa akin bago siya tumalikod. "Hindi mo ako nasuntok at hindi mo ako masusuntok. Hindi mo rin ako mapapalayo kay Sunny kahit anong gawin mo." Sabi niya at nagpunta sa kanyang motor.

Pumasok na rin ako sa loob ng kotse at hinaplos ang noo ni Sunny. "Sunny, I'm sorry." Tsaka ako nagmaneho patungong condo. Mas malapit ang condo ko kaysa sa ospital. Tutal may first aid kit ako doon at marunong akong magnurse ng ganitong cases.

Sa daan nakita ko yung mayabang na sumusunod sa akin. Powtek naman oh! Hanggang kailan ba siya susunod!

Nakarating na kami sa condo at binuhat ko si Sunny. Nakatingin sa amin lahat ng tao pero desidido akong iakyat siya. "Sir, do you need assistance?" magalang na tanong nung receptionist sa akin. Bigla namang may sumulpot sa likuran ko.

"No, he doesn't need any. Andito ako. Kasama niya ako." Sabi nung Yolex na mayabang sa receptionist. Kinuha niya ang room key at nagtungo sa tapat ng elevator.

"Hoy, ano sa tingin mo ang ginagawa mo hah?"

"Gusto ko lang mai-sure na ligtas na talaga si Sunny." Sabi niya sa akin sa desididong mukha.

"Tss." Pagbibigyan kita pero ngayon lang. Kailangan ko din ng utusan eh. "Buksan mo ang elevator. 10th floor."

Binuksan niya naman. Nadala ko si Sunny sa loob ng condo ko. Papasok sana si Flex pero sinarhan ko siya ng pinto. Abuso na siya ano! Dyan siya sa labas. Umuwi siya kung gusto niya basta bawal siya dito.

Ms. Sunny Meets Dark PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon