Weather No. 17 *The Princess*

110K 1.4K 281
                                    

A/N: Pasensiya na kung ang chappy na ito ay hindi kasing humurous ng mga nauna. I just had an idea kung paano magiging mas romantic ang pagtatapat ni Cloud kaya ito ang isinulat ko. Anyway, enjoy reading!!

READ.COMMENT.COMMENT.COMMENT.VOTE.VOTE.LIKE

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

Weather No. 17

((-Sunny's POV-))

KYAAAAAH~!! Ang girlalush ni Cloud ngayon! Medyo naiilang tuloy ako habang nakikipagsayaw sa kanya. Feeling ko kasayaw ko talaga ang isang babae sa gitna ng malakas na ulan. Anlakas ng trip niya.

Siguro kung ipipikit ko ang mga mata ko, baka sakaling bumalik siya sa tunay niyang anyo.

1...2...3..

Pumikit nga ako. Nag-imagine ako na si Cloud at hindi si Shemey ang kasayaw ko. Yung masungit niyang mukha kapag naaasar siya sa akin, yung ngiti niya at tawa kapag nilalapastangan niya ang naivety ko at kapag nagseseryoso na siya. I draw a picture of him inside my mind. Effective!!

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Tinatalbugan niya pa ang ingay ng patak ng ulan. Nalilito tuloy ako kung anong ibig niyang sabihin. Nag-iinit na ako at nahihilo. Para ngang nababahing na rin ako eh.

Inihiwalay ako ni Cloud sa kanya. Tinitigan niya ako sa mga mata. Ewan ko, halu-halong emosyon ang nararamdaman ko. Kinikilig, kasi alam kong hahalikan niya ako. Naiiyak, kasi malay ko ba?? Naiilang, para kasi akong makikipaghalikan sa babae at natatawa ako kasi naman, kalat-kalat na yung make-up niya sa mukha. Yung mata niya parang inulingan lang ng bongga. May kahawig siya...Uhmm. Isa sa mga 101 dalmatians, I guess. Ang kaibahan lang, ang spot niya nasa mata at hindi sa katawan.

Pero ang ganda slash gwapo niya pa rin sa paningin ko.

"Ha-choo!!" Ayun, bago pa man din maglapat ang mga labi namin, natuluyan na ang sneeze ko. Akala ko itutuloy pa ni Cloud yung paghalik niya sa akin pero tumuloy na kami sa shed. Sumilong kami doon. Tinitigan ko ang magkahawak naming mga kamay. Lumipat ang tingin sa mukha niya. Napapangiti ako. Ay! Ang landi-landi ko ngayon! "Ha-choo!!" *singhot *singhot Sisipunin na ata ako ah.

Huhu, sabi na nga ba at magkakasakit agad ako. "Ha-choo!!" tinignan ko ulit si Cloud. Kahit na pala nagkasakit ako ngayon. At least, andito siya.

Naramdaman kong mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "Sunny...may itatanong ulit ako." Sabi niya sa akin.

"Ano yun?" tapos pinahid ko ang tumutulo kong sipon. Grabe, nahihilo na ako. Nanghihina na ang katawan ko. Ang lamig-lamig naman!

Parang narinig ni Cloud ang iniisip ko dahil hinatak niya ako palapit sa kanya at niyakap niya ako nang mas mahigpit. Napasiksik ako sa dibdib niya kaya naririnig ko ang heartbeat niya. Pansin kong lumalim ang hinga niya. Naaantok ako.

Para akong hinehele. Tss. Alam kong mataas na agad ang lagnat ko. Mahina ako sa ulan diba? *singhot *singhot.

Ayan, bumagsak agad ang mga mata ko. Goodnight Cloud.. Sweetdreams sa akin.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

*beep! *beep! *beep!

"SHEMEY!!" Hanubeyen! Ang lakas ng alarm clock ko! Napabalikwas ako ng bangon. Andito na ako sa bahay. Hinatid siguro ako ni Cloud kagabi. Napansin ko sa bedside table nakapatong ang isang basin ng tubig. Nakatulog pala ako sa shed habang yakap ni Cloud.

Ms. Sunny Meets Dark PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon