Weather No. 16 *Oh My! Shemey!*

110K 1.3K 322
                                    

A/N: Take a glimpse at the right side picture of Shemey and Cloud. Pasensiya na po at bitin ang bawat UD. Para isipin niyo kung anong susunod. ^_____^

READ.COMMENT.COMMENT.COMMENT.VOTE.VOTE.LIKE

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

Weather No. 16

((-Cloud's POV-))

"Ano ba 'to! Nangangati ako! Tss." Gudgod ako ng gudgod ng kili-kili ko. Pati tyan ko at braso, mas lalo na ang mukha. Kung pwede nga lang kamutin eh!

"Hayaan mo lang! Act like a fine girl. Hinaan mo din yung boses mo at imodulate mo sa tamang hina at hinhin. Lagi kang nakasigaw eh." Saway sa akin ni Cupcake. Sa hindi ko nga kaya eh! Parang naipit na palaka ang boses ko kapag nagtry ako. (=___=)

"Akala ko naman, pagkabrilliant-brilliant ng idea mo, yun pala gagawin mo lang akong katawa-tawa." May hinanakit ako. Pramis. Gawin ba namang akong babae para lang sa plano niya. Hmpf.

"Grabe ka. Ikaw na nga tinutulungan eh."  (=_____=)

Andito kami ngayon sa isang restaurant kung saan magkikita sila Alex at Sunny para sa date nila. Balak lang namin sila guluhin. Hindi ko kasi matiis na ide-date si Sunny ng mayabang na iyon kaya pumayag na din ako. Kung may iba nga lang na paraan. Wala naman ako maisip na iba kundi  pasabugin ko itong restaurant na ito. Bad daw yun.

Nakita kong dumating na si Yabang at umupo sa reserved table nila. Ang panget niya! Nakakasuka ang taste niya sa damit! Hindi marunong pumorma!! Pwe!!

Habang kakamot-kamot ako ng pwet (super katiii) at nilalait sa isip ko ang Alex na yun, minutes later dumating na rin si Sunny. Ayan na naman. Naiinis na naman ako. Bakit ang ganda-ganda niya?! Nagpaganda pa siya dahil sa Alex na iyan? Bakit sa akin kapag nagpapakita siya, para siyang tatambay lang sa kanto o kaya bibili lang ng barbeque sa daan? Ni hindi man lang nag-eeffort na magsuklay ng buhok o magpulbo sa mukha. Tss.

*toink~ *toink~

Tinusok ni Cupcake ang tagiliran ko. "Wehehe. Selos ka noh?"

"Duh?! Hindi ah!" pinitik ko yung daliri niya.

*toink~ *toink~ Tinusok niya na naman tagiliran ko. "Weh?? Amin ka na Kuya. Ayeeeee!~"

"Kasi naman eh! Shupi nga yang daliri mo! OO NA NAGSESELOS NA AKO!" napalakas ata ang sigaw ko at napalingon sa amin sila Alex at Sunny. Napayuko na lang ako.

*gulp

Sana hindi nila ako makilala. Itong si Cupcake imbes na hindi na nga kami mapapansin pa masyado eh nag-hi pa sa kanilang dalawa. Powtek! Katabi lang namin ang mesa nila. Kanina pa nga ako nagtatakip ng menu sa mukha tapos itong Cupcake na ito. (¬___¬) "Papansin."

"Hi Sunny!! Hi Alex!!" dalawang kamay ni Cupcake ang winewave niya.   (=_____=)

"Uy, Cupcake hi. Andyan ka rin pala Josh?" tanong ni Sunny. Oo. Kanina pa namin kasama si Josh. Tahimik lang kasi masyado ang mundo niya at titig lang siya nang titig sa mukha ni Cupcake. Buti nga hindi ipinaglihi si Cupcake sa icecream o sa chocolate---> lusaw na iyan kanina pa.

"Double date eh." (^______^) "kaso yung date nung kasama namin, hindi sumipot." Sagot ni baliw. Nakita tuloy ako ni Sunny.

*bugsh!

Sa ilalim ng mesa sinipa ako ni Cupcake at nilakihan ako ng mata. She mouthed: "Nakabukaka ka!"

Ms. Sunny Meets Dark PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon