PLEASE COMMENT. READ. VOTE.
Sa mga nagtatanong kung merong book two, malamang meron po. PERO... pagkatapos na ng ibang novels ko. Soft copy not available.
WEDDING PHOTO: Credits to Ms.
Lara Francine Navarro Llamas
----------------------------------------------------------------------------------------------
Weather No. 43
((-Sunny's POV-))
"Lorenzo, Helina Jenna F." Matamlay akong umakyat sa stage para kunin ang diploma ko. Graduate na ako. Dapat sana, pati siya graduate na rin kung hindi lang..
Pinigil kong kumawala ang hikbi sa bibig ko.
Niyakap ako ni Kuya Josh, ni Bluenica, ni Alex, ni Claire at ni Ethan. Si mommy Gemma, hindi makauwi ng Pilipinas kasi hindi daw pwede sabi ng doctor. But she greeted me through internet.
Tipid akong ngumiti sa camera kasama nilang lahat. Yes, I'm living but since the day Cloud died, I've been dead inside.
Naalala ko na rin lahat-lahat...kung kailan huli na at wala na siya.
Lumapit sa akin si Cupcake. Akala ko may maanghang na salita na naman siya para sa akin but instead, she hugged me. "It's alright. Kahit papaano tanggap ko na. Kung nasaan man si Cloud. I'm sure magagalit siya kapag nagkaroon pa ako ng hinanakit sa'yo Sunny. I realized na na-hurt ka rin sa nangyari. I'm so sorry for the things I've said before. Will you forgive me?"
Tumango ako ng marahan at malungkot na ngumiti. Deserve ko ang lahat ng ginawa niya. Oo, mapapatawad ko si Cupcake. Pero ang sarili ko, hinding- hindi.
Sa sobrang sama ng loob ko at galit sa sarili, pinagbawalan kong makita ang burol at libing ni Cloud. Wala akong karapatan dahil kung tutuusin, ako ang nagtulak sa kanya sa kamatayan.
"Spongebob Ethan, present here!" may mabigat na kamay na umakbay sa akin. Nilingon ko si Ethan na naniningkit ang mga mata dahil sa pagngiti. Unti-unti niya akong nilayo kay Cupcake.
"Baliw, bakit ka na naman nandito?" maangas na tanong ni Bluenica.
"Ikaw naman Nica, graduation ko din 'to noh. Hehe, hindi niyo alam na dito din ako nag-aaral ever since na nagtransfer kayong dalawa ni Alex. Trip ko lang magsuot ng ibang uniforn. Actually, lagi ko nga kayong nakikita eh." *kindat
Halatang nagulat ang lahat. "Mokong na 'to, may pasikreto pang nalalaman." Sabi ni Alex.
Hindi iyon pinansin ni Ethan. Mas hinigpitan niya ang pagkakaakbay sa akin sabay lingon sa mga kasama ko. "May gagawin ba kayo pagkatapos nito?"
Umiling si Kuya Josh. "Wala naman. Bakit?"
Bigla-bigla na lang akong binuhat ni Ethan at itinakbo. Napasigaw ako at napayakap sa leeg niya.
"Pahiram muna siya sandali hah! ~Wushing!"
Nagkikikisay ako sa bisig niya pero matindi ang buhat niya sa akin.
"Oy Ethan! Ibalik mo si Helina!" Utos nila Alex. Humahabol pala sila sa amin.
Tumakbo lang nang tumakbo si Ethan. Ibinaba niya ako sandali sa tabi nung manong na nagtitinda ng icecream. "Manong, pahiram ng bike. Sandali lang. Palit muna tayo ng sasakyan."
"Hah?" Yun lang ang nasabi ni manong sorbetero kay Ethan dahil hinagis niya na kay manong ang susi ng hightech na kotse niyang sa tingin ko nagkakahalaga ng milyon. O.O
BINABASA MO ANG
Ms. Sunny Meets Dark Prince
RomanceSunny says: "Bakit bigla kitang naging boyfriend?!" Cloud says: "Ayaw naman kitang maging girlfriend!" Will their story turns out a sunny happy ending or a cloudy sad one? Find out!-- Cheesiness alert. Disclaimer: This story was written when I was 1...