Weather No. 34 *Why?*

83.9K 996 172
                                    

A/N: Still undecided...

READ.VOTE.COMMENT.LIKE.BE A FAN.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Weather No. 34

 

 

 

 ((-Cloud's POV-))

 

 

 

 

"H-Hindi mo kami kilala?" tanong ni Josh kay Sunny na nakaupo sa kama.

"Hindi." Iling niya sa aming lahat. Sana maalog utak niya kakailing. Baka sakaling maalala niya kami pero    (=______=")    meron bang ganun? Tss. Humuhopia lang ako. (Hoping)

Lumapit sa kanya si Cupcake. "Si Tita Gemma, hindi mo  rin maalala?"

Umiling na naman si Sunny. "Miss, alam mo ang ganda mo. Pwede kang artista." Tapos ngiti na naman si Sunny.

Napabuntong hininga na lang kaming lahat. Kanina, niyakap ko siya pero sininghot niya lang ako tapos tinitigan sa mukha na para bang nakakita ng mumu. Marahang itinulak niya ako palayo saka nagtanong kung sino daw ako.

Kinakausap ni Tita Gemma yung doctor. Mamaya siguro maliliwananagn kami kung anong tunay na kondisyon niya.

"Cloud, pakibantayan muna si Sunny, susundan lang namin si Mama." Sabi sa akin ni Josh. Tumango agad ako.

Dalawa na lang kami ngayon nitong ulyaning babaeng shonga sa harap ko....pero mahal na mahal ko iyan. Nahihirapan tuloy ako. Hindi niya kasi ako maalala.

"Manong, wala pang nakakasagot kung bakit ako nandito. Nasaan ba kasi ako?" nagtanong siya pero hindi ko din nasagot. Para bang...para bang napapasayaw ako ng On The Floor.

*BOOM!

Bigla akong sumayaw ng On the Floor kahit walang music sa kwarto. Sana maalala niya yung ginawa ko noon sa hospital.

Giling  dito, giling doon. Oh yeah, oh yeah.

(O_____O)

Pawisan ako pero hataw pa rin kahit na alam kong parang pinuputol na kawayan ang dating ko. Psh. Bakit kasi hindi na lang folk dance yung sinayaw ko noon eh.

(O_____O)--------(O_____O)-------(>_____<)

*TADA!

Nagpose pa ako sa dulo na hingal na hingal sa pagsayaw habang diretsong nakatitig kay Sunny.

Interval one>>> ako nakafocus sa mukha niya.

Interval two>>> siya nakafocus sa akin at anu yun, gulat ba yung nasa mukha niya?

Interval three>>> may tatlong tao pala sa pinto na naestatwa dahil sa mala-award winning na performance ko bilang pinakamagaling na kawayang sumasayaw.

Tapos nun...

"WAHAHAHAHAHAHHA, WAHAHAHA,BWUAHAHAHA! HAHAHA!, AHAHAHA!" Si Sunny na nasa kama, halos mahulog kakatawa na nakahawak pa sa tyan.

Yung si Josh sa pinto, humawak sa pinto habang humahalakhak. Pati si Cupcake sumali, parang hindi dalaga. Hagalpak eh no? Wala nang bukas? Wala na? Agad? Agad, agad?

Si Tita Gemma....nemen eh. Nakita niya ako. Nakakahiya. Pasimpleng tumatawa na natakip sa mukha yung kamay.

(=_______=")   sige tawa.

Hinihintay ko silang matapos tumawa.

Antagal matapos. Kurutin ko kaya silang lahat.

Tawa pa.

After mga 5 minutes natapos din sila at naluluha na.

Unang nagsalita si Cupcake. "Kuya Cloud, that was epic." Sobrang pula ko na. Parang inaapoy ako ng lagnat sa sobrang hiya. Tss!

"Sunny, naalala mo ba yun?" tanong na naman ni Josh kay Sunny na nasa mga mata pa rin ang pagkaenjoy.

Pinunasan muna ni Sunny yung mata niyang naluluha. "H-Hindi eh. Pero Manong, last na yun ah. Wag mo na ulitin. Ansakit sa mata eh." Tapos tawa na naman silang lahat.

Aish, ayoko na nga! KAHIT KELAN HINDI NA AKO SASAYAW NG GANUN! TAPOS TINAWAG NIYA PA AKONG MANONG~NANG DALAWANG BESES. Hmpf.

Hindi ko sila kinibo.

Naiinis ako. Bakit hindi ko kasi naisipang i-lock yung pinto.

"Uy, manong. Bakit hindi ka na naimik?" Tanong ni Sunny.

"Eh kasi, hindi naman yan sumasayaw eh. Sa harap mo lang tsaka sa harap ng camera tapos ipopost sa youtube." sabat ni Cupcake.

"Sheesh! Wag ka ngang maingay." Saway ko sa baliw kong kababata.

Lumabas ako sa room ni Sunny. Mamaya na ako babalik.

Asar eh. Pinagtatawanan ako. Sa gusto ko ngang maalala agad. Maling idea naman. Aaaaah! Asar.

Pahangin-hangin muna ako sa bench.

Nakinig ako ng music sa phone. Pinakinggan ko yung mga relaxing music  na magpapakalma sa akin.

Hindi ko namalayan na dumidilim na pala. Napagpasyahan kong bumalik na sa loob. Grabe kasi ang lamig dito. Umuusok na yung bibig ko dahil sa ginaw.

Naabutan kong tulog ang lahat.

Ngayon lang kasi sila nagkaroon ng pagkakataon, ngayong, nagising na si Sunny at malamang okay. Yun nga lang, hindi niya kami maalala.

There will be some examinations to test if her amnesia will be temporary or permanent. Lord, don't let Sunny suffer from permanent amnesia.

Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kama ni Sunny.

Akala ko tulog na siya pero...hindi.

"Uy, bakit ka umiiyak dyan?" tanong ko kaagad. Sobrang nakakapag-alala naman siya.

"K-Kasi, sila Josh tsaka si Tita Gemma, tunay ko palang pamilya." Pinunasan niya yung mga mata niya at umupo. "Diba dapat masaya ako kasi hindi na ako nag-iisa? Bakit ganun? Parang may masakit sa dibdib ko. Parang may nang betray sa akin."

Hindi ako nakakibo. Niyakap ko na lang siya. This time, hindi niya na ako niresist.

Nagbubulungan lang kaming nag-uusap. Ayaw kasi naming magising ang lahat.

Humiwalay ako sa kanya. "Bakit ikaw, Cloud, ayaw nilang sabihin kung sino ka sa buhay ko?" hinaplos niya ang pisngi ko nang hindi niya sinasadya. Halata ko iyon kasi napansin kong nagulat siya sa ginawa niya. Pinunasan niya ulit yung luha niya. "M-Matutulog na ako." Tapos humiga na siya at ipinikit ang mga mata.

"Cloud, pwede wag ka dito? Naiilang kasi ako. Hindi ako makakatulog." Sabi nya sa akin na nakapikit pa rin.

Umalis ako doon at umupo sa couch.

Hinintay ko siyang magrelax at makatulog.

Lumapit ulit ako sa kama niya at pinagmasdan ang mukha niya. Muntik na akong mapalundag sa gulat kasi nagsleep talk siya.

 

"Cloud....bakit...bakit, ayaw mo sabihin?" murmur niya.

Akala ko gising siya pero base sa paghinga niya ng malalim at relax na hitsura, tulog talaga siya. Naisip kong sagutin ang tanong niya kahit na hindi niya ako naririnig.

"Kasi gusto kong matandaan mo ako gamit ang puso mo. Let your heart know me."

 

                                                    To be continued....

Ms. Sunny Meets Dark PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon