Chamie's Note: READ.COMMENT.VOTE.LIKE.BE A FAN.ADD TO READING LIST
~Wushing! Sige na please ^__^ Mehehe, enjoy reading!!
Weather No. 9
((-Cloud's POV-))
Ang sama-sama ng loob ko kaya nagpakalunod ako sa alak kagabi. Ang natatandaan ko lang, uminom ako ng sangkatutak na alak at ang mga sumusunod na pangyayari ay...
(Please wait...)
(Loading...50%)
(Loading...80%)
(Loading...100% complete!)
Ah! Napunta ako dito sa condo ko na kasama si Shemmy. Nagising ako na nasa kama habang siya naman, parang uod sa sofa. Nakakaawa naman tignan kaya kahit medyo lasing pa ako, binuhat ko siya papunta sa kama. Pasakit kaya ang pagbuhat sa kanya noh! Ang bigat-bigat pero payat naman ang katawan. Lumulon siguro siya ng bato. Grabe!
Pagkatapos nun, naaalala ko pang tinitigan ko yung peaceful niyang mukha habang natutulog sa tabi ko. Hinaplos ko yung pisngi niya tapos...tapos..
Awww. Masakit ang ulo ko! Ano bang nangyari nun. Ah, nga pala. Hinaplos ko ang pisngi niya at hinalikan ko siya sa labi..
O________O
Na naman!!! Tss. Bakit ko ba siya hinahalikan habang natutulog siya? Siguro kasi hindi niya ako masasapak?? Ang adik ko nemen. (=_____=) Hindi ako mapagsamantala. Hindi ako makokonsensya nuh. Dala lang yun ng alak. Pramis. Diba? Kasalanan lang yun ng pagkalasing. HINDI AKO MAKOKONSENSYA. Anak ng patis!
Okay, nahiga ako sa tabi niya nun at.. *SAPAK! *TADYAK! *SAMPAL! *KUROT!
Huhuhu. Gusto ko na matulog pero nabugbog pa ako. Brutal na babae. Dapat dito pinapatulog sa kulungan eh. Parang nagsisisi akong dinala ko siya dito. Hmpf!
"Ikaw, babae ka. May naisip na akong paraan! *evil laugh" Tumabi ako sa kama at iniyakap ang mga braso ko sa bewang niya at idinantay ang mga hita ko sa legs niya. Huh! Tignan ko lang kung makapalag ka pa.
Nakatulog nga ako pero, I had the weirdest dreams ever. Puro boses ang naririnig ko na nagsasabing... "Sunny...Sunny...Sunny." Tapos biglang lilitaw ang mukha niya. Ayun..kaya siguro paggising ko, natandaan ko na rin sa wakas ang pangalan niya.
Ang sarap niyang asarin kasi masyado siyang pikon. Nakakainis nga lang madalas kasi napakashonga. Ang lakas pa ng boses. Ang aga-aga, pinagsisisigawan ako agad. Pssh. Buti at lumayas na. Pupunta daw ng school? Tama yun, para madagdagan ang laman ng coconut shell niya.
Natulog pa ako ng konti. Masakit talaga ang ulo ko kaya uminom ako ng kape at binigyan ng pagkain si Garfield. "Uy, Garfield. Hindi ka man lang ba magda-diet? Nakakadalawang cans ka na ng catfood ah." Tsaka hinaplos ko ang ulo niya.
"~Nyaaah." Ngiyaw ni Garfield sa akin. Nang maubos niya ang pagkain niya, pumunta siya sa sulok ng sink at nagtago. Nung problema kaya ng pusang yun. Usually hihilata lang siya sa carpet kapag tapos na kumain. Parang hindi mapakali yung pusa. Ah, baka nagsawa lang siya sa dati niyang pwesto. Tama na nga ang pagpansin kay Garfield. Makapasok na nga sa school. Baka may maabutan pa ako.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------
=Chantelise Academy=
BINABASA MO ANG
Ms. Sunny Meets Dark Prince
RomanceSunny says: "Bakit bigla kitang naging boyfriend?!" Cloud says: "Ayaw naman kitang maging girlfriend!" Will their story turns out a sunny happy ending or a cloudy sad one? Find out!-- Cheesiness alert. Disclaimer: This story was written when I was 1...