READ.COMMENT.COMMENT.COMMENT.VOTE.VOTE.LIKE.
((-ENJOY!-))
-------------------------------------------------------------------------------------------
Weather No. 14
((-Cloud's POV-))
"SUNLEX!!"
Naghiyawan ang mga estudyante. Tengene! Bakit sila ang nanalo?!?! Dapat kaming dalawa ni Sunny!
Mas lalo kong hinawakan nang mahigpit ang kamay niya. "Shonga ka talagang babae ka. Bakit ka kasi pumirma." Sinabi ko sa kanya na nakatingin sa direksyon ni Alex na kinakamayan ni Bubby. Oo, natandaan ko na ang pangalan ng mafeeling na yon. Kung bakit? Ewan! Malay ko! Basta ang alam ko, nainis ako nung tinawag ni Sunny ang pangalan niya kanina sa stage. Psh. Buset talaga!
"Ah..ano eh. Akala ko para lang sa fieldtrip yun. Pasensya na." biglang nagbago yung tono ng boses niya sa akin. Parang naging mas suplada. "Akala ko ba, susundan mo yung Claire mo?! Dapat sinundan mo na siya. Bakit ka pa nandito!? Go, takbo! Alis!"
Tss. Tapos pinapaalis niya na ako ngayon. Ni hindi niya nga alam ang ginawa kong desisyon kanina.
"Halika nga!!" hinila ko na siya talaga pababa ng stage.
"Hey, girlash!! Bukas na ng gabi ang date niyo! Don't forget hah!! Susunduin ka na lang sa bahay niyo ng 7 pm, owkei! Umattend ka o gusto mo maexpel. Ganun lang yun!! Babush!!" narinig kong pahabol na bilin ni Bubby kay Sunny tapos nun, diretso lang kami sa paglalakad.
Pakonti nang pakonti ang nakakasalubong naming tao. Namalayan ko na lang na andito na kami sa loob ng audio visual room kung saan kami lang ang tao.
Walang may gustong magsalita. Andami kong gustong sabihin sa kanya pero hindi ko alam kung saan uumpisahan eh. Nakaupo si Sunny sa bakanteng upuan at tatlong upuan ang pagitan namin.
"Cloud, alis na tayo dito. Mamaya maabutan tayo ng faculty, masita pa tayo." Iwas-tinging request ni Sunny.
Umusog ako ng isang upuan palapit sa kanya. "Hindi pa pwede. May sasabihin pa ako sa'yo."
"Ano naman yun? Na wala akong pakialam sa mga desisyon mo dahil binabayaran mo lang ako ganon??" tumingin siya sa aking may hinanakit sa mata.
"Hindi yon. Wag ka kasing masyadong excited. Sinabi ko bang ikaw ang magsasabi? Diba ako?" Grabe, ang advance niya.
She rolled her eyes. "Fine, your highness."
Umusog pa ako ng isa pang upuan. "Sorry kanina kasi nasigawan kita. Mah..." *sigh "M-Mahal ko pa din kasi si Claire kaya I acted like that. Ayoko lang isipin na she's rejecting me."
"Eh bakit pinagpanggap mo pa ako kung mahal mo siya?" bumaba ang boses niya.
"Totoo yung sinabi kong ayoko maipakasal sa babaeng mukhang unggoy pero mostly ang dahilan ko, para pagselosin si Claire." Naihilamos ko ang aking palad sa mukha ko. Nare-realize ko lang kasi kung gaano ako kapathetic. "But when she saw you with me on her engagement party, she congratulated me afterwards. Ni hindi man lang siya naapektuhan."
Tapos nun, katahimikan ulit. Ang ginawa ko lumipat pa ako ng isang upuan palapit sa kanya para magkatabi na kami.
"Kanina, alam mo bang mas pinili kita kaysa sa kanya? Mas pinili kita kay Claire." baling ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ms. Sunny Meets Dark Prince
Storie d'amoreSunny says: "Bakit bigla kitang naging boyfriend?!" Cloud says: "Ayaw naman kitang maging girlfriend!" Will their story turns out a sunny happy ending or a cloudy sad one? Find out!-- Cheesiness alert. Disclaimer: This story was written when I was 1...