Weather No. 26 *My Plans*

89.8K 966 204
                                    

A/N: Ayan, huhu, na-late ang update ko. Nasira kasi yung flash drive na pinaglagyan ko ng mga chapters (take note: chapterSSS) ng MSMDP. So inulit ko. Pati yung mga in-edit kong mga pictures nawala and animated gifs. Tsk, tsk. Kainis lang. Pagpasensyahan niyo ang nagawa kong UD ngayon. Tira-tira na lang yan kumbaga ng mga natatandaan kong parts.

 

PATI PALA YUNG PDF FILE KASAMA. Sayang. Tinatamad na tuloy ako gumawa ng panibagong pdf file nun. Psh. Nakakainis   >___< Naiinis ako sa sarili ko! Haaay buhay! Parang life!

 

Lesson I've learned: Ang juice ay hindi para sa flashdrive dahil hindi naman pala ito nauuhaw. XD Bangenge.

 

Nga pala, this UD will clear something.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

 

Weather No. 26


 

 

((-Violet's POV-))

"Aaah! Ang hadpi! Shemay!" paypay ako ng paypay sa damit ko katulong ko si Sunny. Binuhusan ni Cloud ng ramen and dibdib ko! Psh. Ito na nga eh, aamin na ako. Masama talaga yung ginawa ko kaninang pagtulak kay Sunny. Malay ko ba noh?! May pa-head-head injury pa kasing nalalaman.

Ibinuwis-buhay ko ang isa sa yummylicious na ramen ng buhay ko para i-offer sa kanya tapos matatapon lang?! Eh sa hindi ko nga rin alam na matatapilok ako nung iaabot ko na yung noodles. Hmp. Nabuhusan pa si fafa hawt hawt Cloud ko.

Pati ako tinapunan niya! Ang sungit niya sa akin. Gusto ko lang naman na mapansin niya ako eh. Gusto kong ako na lang. Tss. Lalo tuloy ako nade-depress. Sayang ang kagandahan!

"Cloud! Bakit mo ginawa yun?! Ano bang problema mo hah?!" Sigaw ni Sunny sa kanya.

"Wala. Siya ang may problema." Tumingin sa akin si Cloud ng masama bago umalis. Saglit na sinundan siya ng tingin ni Sunny tapos bumaling naman sa akin. "Violet, sorry sa inasal ni Cloud. Hindi ko alam kung bakit mainit ang dugo niya sa'yo. Pero sorry talaga ah." Pinaypayan niya yung damit ko.

Plastic lang ba 'to o sincere? Kung ka-plastic-kan ang ipinapakita niya, ang galing niya umarte ah. Havey. On the other side, parang mas nakakalamang ang sincerity sa image nya. Bagay.

*sigh

Bumabait na ako. "Sunny, akyat na muna ako hah." Kailangan ko lang mag-isip-isip.

Umakyat ako sa kwarto at nagshower. Nagpalit na din ako ng damit. Humiga ako sa kama. Ano ba yan.. Alam kong totoo yung pinakalat kong contract nila Sunny at Cloud. Tinawag pa ngang "boss" ni Sunny si Cloud sa Chantelise Academy noon. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit masyadong concerned itong si Cloud kay Sunny tapos ang sweet pa nila??

Naiinis lang ako. Masama ba talagang babae si Sunny? Bakit siya pumayag sa contract?

*sigh

"Itutuloy ko pa kaya ang kasal?"

 

Isip ako ng isip nung gabing iyon. In the end, nakatulog din ako sa desisyong, I will observe them both at depende na rin sa kalagayan ko...sa condition ko.

Ms. Sunny Meets Dark PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon