READ.VOTE.COMMENT.LIKE.BE A FAN.
Nyahaha, masyadong demanding eh no? :) kahit 3 lang sa nabanggit ang gawin niyo. You'll make my day happy. ENJOY READING. ^O^
Weather No. 8
((-Sunny's POV-))
"Anshaket, shaket Shichi!"
"Sunny." (¬___¬)
"Ah! Putek lang eh. Anshaket! Ang gung-gong ko Ishtephie!"
"Sunny." (¬___¬)
Tss. Kanina pa kami ganito. Kinakausap niya ako tungkol sa "sakit" niyang iyan at ako naman, walang tigil sa kaka-correct ng pangalan ko.
Andito kami ngayon sa isang bar. Nakakainis no? Sabi niya tara inuman daw kami tapos magpapakalasing siya. Ang galeng! Wala pa nga akong sinasabing oo, pinaharurot niya na ang sasakyan palayo. Wala naman akong ibang choice kung hindi sumama. Hindi ko alam ang daan pauwi. Nakatulog ako sa byahe. Nagising na lang ako nung andito na kami. At kung alam ko man ang daan pauwi, ang tanong: May pera ba ako?? Wala.
Umorder si Cloud ng sangkatutak na alak. Nagtry akong tumikhim pero nailuwa ko din lang ulit sa baso. Ang pait eh. Ignorante ako dyan kaya wag niyo akong pagbintangang lasinggera hah.
Nag-enjoy na lang ako makinig sa bandang Tear Here na tumutugtog. Ang astig nga nila eh. Isang all girls band na sikat sa bansa ngayon. Hehe, mamaya magpapa-autograph ako sa kanila. Medyo hindi na rin ako nagsisi na sumama ako dito dahil nakita ko ng personal ang mga idol ko. The band composed of the drummer-Joann, the vocalists-Jennelyn and Jellie Ann, the keyboardist-Michelle, Anna Marie, Ailyn and Melanie on guitars at pati na rin ang dating singer-actress na si Ms. Ronalyn Ramos na siyang manager nila, nakita ko din. EEEEEEk!! Nai-starstruck ako sa kanila!! (^o^)
Haaay! Ang gaganda naman nila at ang tatalented. Sana ganun din akoooo. Wushing! Malabo mangyari. Hindi ko alam kumanta. Baka mabasag lahat ng salamin dito kapag sinubukan kong bumirit. (¬__¬) Tinapunan ko ng tingin si Dark Prince sa tabi ko.
Si Cloud ang umuubos ng mga alak at tinungga nang tinungga lahat. Kinakausap ko nga siya kanina pero parang hindi ako napapansin. Ngayon lang siya nagdaldal kung kelang lasing.
"'Lam mo Sauri, mahal na mahal ko si Claire! Mahal ko siya! Feeling ko kapag kashama ko sya..." tumayo siya at itinaas ang dalawang kamay. "I AM THE KING OF THE WORLD!!"
Halos ata kalahati ng tao sa bar eh napalingon sa gawi namin. Ang lakas kasi ng sigaw ng mokong na ito. Eskandaloso! Psh! "Hoy, hunyangoy na baliw, umupo ka nga!" tapos hinatak ko siya paupo.
Naglitanya siya. "Shonya, baket bashted ako lagi sha kanya no? Ang gwapo ko naman."
"Yabang mo." Kahit lasing ang lakas pa rin ng hangin.
"Akala ko mahal niya din ako eh. Hindi niya ba alam?!" Tumayo na naman siya at itinaas ang dalawang kamay saka sumigaw. "AKO SI SYUPERMAN!!"
Tingin na naman lahat ng tao. Nakakahiya na talaga siyaaaaa! "Iuuwi na kita! Bongga ka! Hindi ka na kaya ng powers ko! Ang sakit sa toenail!" hinatak ko ang kamay niya papunta sa labas. Nasa parking area kami nang maalala ko ang malaki kong problema. "Paano kami uuwi??"
TT_____TT
Nagpalakad ako pabalik-balik habang nasa bench si Cloud. Iniupo ko muna siya doon kasi mukha siyang muntanga sa pinaggagagawa niya kanina pa eh.
BINABASA MO ANG
Ms. Sunny Meets Dark Prince
RomanceSunny says: "Bakit bigla kitang naging boyfriend?!" Cloud says: "Ayaw naman kitang maging girlfriend!" Will their story turns out a sunny happy ending or a cloudy sad one? Find out!-- Cheesiness alert. Disclaimer: This story was written when I was 1...