Weather No. 27 *Who?!*

87.5K 896 137
                                    

A/N: Eto na, eto na talaga. VIOLET'S PLANS will be revealed on the next UD.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Weather No. 27

((-Sunny's POV-))

"Cloud, okay lang ba itong suot ko? Okay lang ba make-up ko? Ano bang tipo ang gusto ng mommy mo? Kailangan ko bang magpakahinhin sa harap niya? Prrrr, prrr!" kinakabahan talaga ako ng todo. Gusto kong gumulong.

"Shh. Relax. Just be yourself. Tandaan mo, we're in this together." Nginitian ako ni Cloud. Shemay. Nakakalusaw na ngiti ng aking boyfriend. Nakakalusaw talaga.

Paakyat na kami sa second floor ng isang five star restaurant. Nakakalula ang amoy-mayaman na atmosphere. Parang kapag nalaman ng lugar na ito na isa akong POORita, isusuka ako. Nakita agad namin ni Cloud yung reserved table para sa amin. Nandoon na rin si Mrs. Buenavista.

~UWAH. >0<    Mukhang mataray si Mrs. Buenavista. Parang may mga tumatakbong horsies sa dibdib ko. Hinigpitan ko ang kapit ko kay Cloud.

Umupo kami sa mesa. Bumati ako ng good evening pero si Mr. Buenavista lang ang nagbalik ng bati ko. Ang cheerful ng aura ng daddy niya ah. Halatang anak siya ni Lolo Ed.

"So, what is the business of your family?" si Mrs. Buenavista.

"W-Wala po. Wala na po kasi ang mga magulang eh. Nag-iisa na lang po ako sa buhay. Wala rin po kasi akong kilalang kamag-anak namin." Pinilit kong ngumiti. Nakita kong mariing tinusok ni Mrs. Buenavista ang inorder niyang steak at nag-isang line ang labi niya.

"Wow, hija. Napakaindependent mo naman." Natutuwa sa akin si daddy...ni Cloud. Assuming? Feeling ko daddy ko? Asa.

"Thank you po."

"Magkano ang minana mo sa mga magulang mo?" mataray pa rin si Mrs. Buenavista.

Tinignan ko si Cloud na tahimik lang pero bawat tingin niya sa akin, sinasabi niyang just be my self. Sa tingin ko ayaw niya talagang magsalita kung maaari."Wala po akong minana sa mga magulang ko kundi yung maliit na bahay namin." Diretso kong tinignan si Mrs. Buenavista. Parang kinakatay niya ulit yung steak eh.  TT_____TT  Sana hindi niya iniisip na ako iyon.

"How can you survive?" mangha si daddy sa akin...daddy ni Cloud. Psh.

"Tatlo po dati yung trabaho ko para makapag-aral ako. Sa public school lang po ako dati nag-aaral. Minsan nga po nangungutang ako para..."

*KLANG!

Natigil ako sa pagsasalita. Si Mrs. Buenavista tumayo at ibinagsak ang mga kubyertos. "Shut up. You're talking all nonsense." Naglabas siya ng check galing sa black purse niya.

"Hiwalayan mo ang anak ko. Magkano ka ba?"

What the...! Napatayo ako pero hindi ako nag-iisa. Si Cloud, tumayo na din at kinuha niya yung check sa kamay ni Mrs Buenavista.

"Don't insult my girlfriend. Hindi siya mababa para tanggapin ang alok mo. Hindi siya mukhang pera kagaya mo." Saka niya pinunit ang check sa harap ng nanay niya. Hinawakan niya ang kamay ko saka hinila papalabas.

Nasasaktan ako sa pagkakahawak ni Cloud sa braso ko.Pahigpit kasi ng pahigpit eh. "Cloud, nasasaktan na ako." Sabi ko sa kanya pero hindi niya ako pinapansin. Diretso siyang nakatingin sa kalsada kung saan kami lumalakad at galit. "Yung kamay ko, nasasaktan na ako Cloud." Ulit ko pero mas lalong humigpit ang kapit niya sa akin.

*BUGSH!

"Ouch!" napahinto ko na si Cloud. Pinilit niya ako eh. Ayan tuloy, gumamit ako ng dahas. Tinadyakan ko siya sa binti. OA naman tu. Hindi naman malakas eh. "Bakit ka naninipa?" iritado si Mr. Sungit. Kanina lang pa smile smile tapos ngayon, period niya na naman.

"Hindi ka kasi nakikinig eh. Ang sakit na ng braso ko kakahatak mo tapos hindi mo ako pinapansin." Nalungkot ako bigla. Naalala ko kasi yung kanina. "Siguro galit ka kasi hindi ako nagustuhan ng mommy mo."

Niyakap niya ako. "Hindi ako galit sa'yo. Galit ako sa kanya. Hindi niya dapat ginawa yun. Puro na lang kasi pera nasa utak ni Mrs. Buenavista." Alam ko kung bakit Mrs. Buenavista ang tawag niya sa mommy niya. Haaay. Tama naman siya. Kahit na gaano kahirap ang isang tao, hindi iyon sapat na dahilan para bastusin o tapakan ang dignidad niya ng iba dahil sa mundong 'to. Pantay-pantay tayo sa mata ni Lord.

Napayakap na rin ako sa kanya.

*BEEP! *BEEP!!

Napahiwalay ako sa gulat. Maraming bumubusina. Nanlaki ang mga mata ko.

"Oy! Nakakaabala kayo! Shooting ba 'to?!" sigaw nung mga driver. Holo! Nasa gitna pala kami ng kalsada. Ang ganda ng pwesto namin ni Cloud.  Nahihiya ako masyado. Ako na lang yung humila kay Cloud patawid ng kalsada.

"Adik ka naman!" Kuntodo red ang face ko nang sumakay na kami ng kotse niya.

Hinaplos ni Cloud yung pisngi ko saka lumapit. "Oo, adik ako sa'yo." D-DUGO! Dudugo ang ilong ko sa'yo. Nadadagdagan lalo yung pamumula ko. Alam ko yan. Ang init na kasi ng mukha ko. "Wag mong iisipin yung kanina hah. Ikaw pa rin ang pipiliin ko."

Shoo! Ang lapit mo! Naiilang ako. Ilang linggo na rin ang nakakalipas mula nung ganito siya kalapit sa akin. Parang..naiilang talaga ako! Nahihiya.Nae-excite. Ah basta! "Bakit ako?" tanong ko na lang uit.

"Kasi nga diba? Adik ako sa'yo." Ngumiti siya saka pa lumapit sa akin. Alam kong hahalikan niya na ako. Malapit na, nararamdaman ko na ang hininga niya. Pumikit ako at hinintay na lang yung paglapat ng labi niya sa akin.

*RING *RING

Putik naman oo. Wrong timing ang tumatawag sa cp ni Cloud eh. Napamulat ako at umayos ng upo. "Sige na, sagutin mo na yan. Baka importante." Sabi ko na lang.

Sumimangot si Cloud pero lumabas siya ng kotse para sagutin yung phone. Nagulat ako nung bigla niya ulit binuksan yung pinto ng kotse. Nagriring pa rin yung phone.

"Oh, bakit di mo pa sagutin?"

"May nakalimutan ako."

"Ano?" Sasagutin lang ang phone may iba pa bang kailangan? Nakalimutan? Ano namang nakalimutan ng isang ito.

Dumukwang siya papalapit sa akin at bigla niya akong hinalikan sa labi. "Ayan, nakuha ko na. Mamaya ulit." Sabi niya saka lumabas.

(O____O) Ako na. Ako na talaga ang gulat. Ako na din ang mahaba ang hair. Hehe. Mamaya daw ulit. Hihirit pa siya. Abuso.

Naghintay ako sa loob ng kotse. Medyo nabo-bore ako kaya naisip kong patugtugin ang music.

Masisiraan ata ako ng bait. Hindi ko alam kung saan yung ipod na inilagay ni Cloud dito. Hmm..

Hinanap ko yung ipod kung saan-saan. Nahanap ko din sa wakas pero nalaglag ko. Syempre pinulot ko yun.

Yumuko ako. Kinapa ko kung nasaang sulok ng kotse nalaglag yung ipod pero iba ang nakapa ko. Papel. Parang sinadyang itinago o naipit lang talaga sa sulok. Kinuha ko iyon.

Wedding invitation??

Binasa ko ang loob. "You are invited to the Costales-Buenavista nuptial wedding." Costales-Buenavista?

Sinong Costales at Buenavista ang ikakasal?

Inilipat ko sa second page ang magarang wedding invitation. Parang gusto ko nang kainin ng lupa sa nabasa ko.

"VIOLET at CLOUD?!"

                                   To be continued...

Ms. Sunny Meets Dark PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon