Author's Note: Sorry, paulit-ulit lang. Isa itong UD of explanation. Hehe. Ampangit ng tawag ko >___< Pagtyagaan niyo na lang po.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Weather No. 31
((-Cloud's POV-))
Ang saya-saya ko noong nagpropose ako kay Sunny. Adik lang, sabay pa kami. Nung nakatulog siya sa taxi naisipan kong tawagan si Lolo Ed.
"Lolo Ed, kukunin ko na po yung island."
"Bakit Cloud? Papakasalan mo na ba ang girlfriend mo? Hahaha, ikaw hah. Takas ka sa kasal mo kay Violet. Si Margaret, dumudugo ang ilong sa galit. Hindi ko alam bakit siya pinakasalan ng anak ko. I knew something like this will happen. Napakamaterialistic niya. Pero kay Sunny, hijo, maswerte ka sa kanya. Papakasalan mo na ba talaga?" energetic na boses ni Lolo Ed.
"Opo. Kukunin ko na yung island ah."
"Sure apo. Basta ikaw. Ipapaalam ko kay Greg."
Nag-alala ako bigla. Baka pati kay Mrs. Buenavista sabihin niya. "Lolo, wag ka.."
"No. I won't." putol niya sa sasabihin ko. Gets ni Lolo Ed kung ano ang tinutukoy ko. Ibinaba ko na ang phone. Niyakap ko si Sunny hanggang sa dumating yung chopper na susundo sa amin papuntng island. Tulog mantika, tulo laway pa.
Buti na lang hindi siya nilagnat. Pinabihisan ko siya sa maid na inutusan ko saka kami pumunta sa island. Actually binili ko ito para makatulong ako pero talagang nakaka-inlove kasi yung tanawin kaya ipinangako ko sa sarili ko na dito ko papakasalan ang mahal ko at iyon ay si Sunny.
I'm sure of this.
Nagising si Sunny. Ang tagal ng tulog. Nagkulitan kami tapos ipinakilala ko siya sa mga tao doon. Ang saya-saya namin. Marami akong stolen shots ni Sunny na kinuha para icompile at iregalo sa kanya bilang wedding gift. Hindi man halata pero simula nung na-amuse ako sa kanya, I don't know, bigla ko na lang siyang kinukuhanan ngn litrato nang palihim at itinatago iyon sa computer ko.
Maybe, nainlove agad ako kay Sunny noon. Hindi ko lang talaga pinansin dahil pinaniwala ko ang sarili kong si Claire ang mahal ko kahit hindi.
Dumating yung kinagabihan. Pinaghiwalay kami ni Manang Imya. Nandito ako sa cottage kasama si Tay Celo. Hindi ako makatulog. Nakahiga lang ako sa duyan sa labas nang may bigla akong natanggap na tawag.
I thought, mahina ang signal?
Kanina kasi tumawag si Josh. Hindi ko naman maintindihan kasi putol-putol yung mga sinasabi niya. Pero mukhang taranta yung boses niya. Narinig ko pang hinahanap niya si Sunny. Ayokong mag-alala masyado si Sunny kaya ayun, sinabi ko na lang na hindi ko alam ang sinasabi ni Josh. Wala namang pinagkaiba yun sa hindi maintindihan diba? Uhmm. Sige siguro may some connections yon.
Sinagot ko ang tawag.
"Cloud." Unang salita pa lang kilala ko na 'to.
"Don't ever call me again Mrs. Buenavista. Hindi ko na kayo kaanu-ano. How could you sacrifice my happiness with your business! That doesn't make sense." Gigil na sabi ko.
"Cloud, bumalik ka na! Wag mong painitin ang ulo ko!" sigaw niya sa akin. Hindi niya pa rin ako pinapakinggan.
"Tss." Tapos tinapos ko na yung call. Badtrip. Haaays!
BINABASA MO ANG
Ms. Sunny Meets Dark Prince
RomanceSunny says: "Bakit bigla kitang naging boyfriend?!" Cloud says: "Ayaw naman kitang maging girlfriend!" Will their story turns out a sunny happy ending or a cloudy sad one? Find out!-- Cheesiness alert. Disclaimer: This story was written when I was 1...
