Weather No. 5 *Kisses*

127K 1.5K 183
  • Dedicated kay Anna Marie Galcon
                                    

READ.VOTE.COMMENT

Weather No. 5

((-Sunny's POV-))

"Wahahaha! Talaga lolo?! Wahahaha!!" ang sakit ng tiyan ko sa kakatawa. Kasama ko nga pala si Lolo Ed sa living room ng condo ni Cloud. Tatlong araw na ako ditong tumatambay simula nung nagawa ang deal namin nung Prinsipe ng Kadiliman na yun. Sakto namang napadalaw si Lolo Ed. Ang astig nga niya eh. "Oh? Tapos Lolo anong nangyari kay Cloud?"

"Ayun, pagkatapos niyang makawiwi sa pants niya, tumakbo siya at umiyak sa Mama niya." Nangingiting sagot ni Lolo. Kwentuhan kami to the max habang pinapakita ni Lolo yung album ni Cloud nung bata pa siya. Wala si Cloud dito. Naglakwatsa ata? Saturday kasi.

"Wahahaha!! Siguro sabi ng mama ni Cloud. 'Oh, Cloud rained.' " pagtritripan ko lang si Cloud. Umalis eh. Mehehehe

"Haha, your'e such a funny girl hija. Sana magtagal kayo ni Cloud."---si Lolo

Masamid-samid ako sa biglang announcement na yun ni Lolo Ed. Paano kung malaman niya na pang-1 month lang ang itatagal ng relasyon namin kuno? Tss. "Ah, eh..ano Lolo."

"Haha, no pressure. Gusto ko lang magkaroon na ng mga makukulit na chikiting sa bahay."

O______O  Sabi niyo po walang pressure. Eh bakit nagpaparinig kayo ng mga chikiting chikiting dyan? Sows. Bata pa po ako. Si Cloud, nagdadalaga pa lang. Laging masungit. Menstruation period niya ata araw-araw eh.

"Sige Sunny. I'll be going. Mukhang hindi ko na mahihintay si Cloud." Paalam ni Lolo. Hinatid ko siya sa may pintuan.

Bumalik ako sa living room at nanuod ng tv. Koreanovela. Naabutan kong scene eh yung inaalagaan nung bidang lalaki yung bidang babae. Naalala ko tuloy yung panaginip ko noong may sakit ako. Parang totoo na hindi.

"Nyaah~" Biglang pumatong yung orange na pusa sa lap ko. Di ko alam name niya eh kaya tinatawag ko na lang siyang Garfield. Habang hinahaplos ko si Garfield, inalala ko yung panaginip ko.

Doon sa panaginip ko, nakita ko si Cloud na nakayakap sa akin. Pero nung gumising ako, wala naman siya. May towel sa noo ko pero ang hinala ko, si Lollipop na kapitbahay namin ang nag-alaga sa akin. Close kami nun kaya chinecheck niya ako sa bahay kapag umuulan dahil alam niyang malimit akong magkasakit. Hindi ko pa siya nakikita kaya di ko mapasalamatan eh.

Pero talagang adik yung panaginip kong yun nu?

Pagkayuko ko, nakita ko na may nakataob na picture. Nalaglag ata sa album ni Lolo Ed. Pinulot ko siya tapos tinignan ko.

"WAHAHAHAHAHAHA!! NYAHAHAHA! AHAHAHAHA!!" Ang sakit-sakit na ng tyan ko. Sa dami ng picture na maiiwan ni Lolo eh ito pa.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Cloud. Inihinto ko ang pagtawa. Tumingin siya sa akin. "Hoy Sisa, wag ka nga maingay! Taong bundok ka talaga."

Bumaba si Garfield sa lap ko at lumapit kay Cloud. "Hoy hunyangoy na baliw, mag-iingay ako kung gusto ko." Sabi ko.

"Tss." Nilagpasan niya ako at dumiretso sa kitchen. Sinundan ko siya na hawak pa rin yung picture.

"Cloud..." HOLO. Syet. Di ko mapigilang tumawa habang pinapabalik-balik ko yung tingin sa picture at sa kanya.

"Ano?!" masungit niyang tanong.

Eto na talaga. Eto na, sasabog na.."WAHAHAHAHAHAHAHAHA!!" sabay hawak sa tyan ko at turo sa kanya. Grabe, ang saya magtrip!

"Hoy, ano yan?!" lumapit si Dark Prince at pilit na inagaw yung picture sa akin. Syempre fast runner ako kaya di niya ako nahabol at tumakbo ako sa sala. Nakasunod naman siya agad.

Ms. Sunny Meets Dark PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon