Weather No. 32 *Please Listen*

84.7K 962 147
                                    

PLEASE LEAVE A COMMENT. PLEASE READ and VOTE.

A/N: Hindi pa ako nakakaenroll     TT_________TT Ang dami ko pang work eh. Huhu. kaya pagpasensyahan niyo na lang ang matagal kong UD. Salamat sa pang-unawa.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Weather No. 32

 ((-Sunny's POV-))

"Sunny..." may mahinang boses ang tumawag sa akin sa likuran.

"Mama!" nataranta akong daluhan si Mama Gemma sa kama niya. Dalawang araw na kasi siyang tulog mula nung operation.

"Sunny, buti nandito ka na. Ang tagal-tagal kitang hinanap." Iyak nang iyak si mama sa akin. Naiiyak na rin ako pero hindi ko ipinakita. Kailangan kong maging matibay ngayon pang marami kaming pinagdadaanan.

"Mama, hindi na po ako si Sunny. Ako na po si Helina Jenna diba?" sabi ko kay mama.

Umiling siya nang marahan at hinaplos ang pisngi ko. "No. You are Helina Jenna but you will always be Anica Jean...Sunny. Please stay that way."

Nalilito man ako sa sinasabi ni Mama Gemma, tumango na lang ako sa kanya.

Hinanap niya si Josh.

Tinawag ko agad sila ni Cupcake. Magkasabay naman silang dumating. Tinawag ko na din si Doc. Tinignan niya ang kalagayan ni mama at iniadvise na magpahinga.

Nang makatulog siya, lumabas muna kaming tatlo nila Cupcake, Josh at ako. Naiwan yung nurse sa loob. May ibang tinatanong pa siya kay mama eh.

Si Josh. Itong lalaking 'to, kaya pala magaan ang loob ko sa kanya. Kaya pala ganun kami kaclose agad. Kaya pala magkamukha kami. Kaya pala nung nakilala ko si Mama Gemma noon, parang may nakakonektang parte ng buhay ko sa kanya.

Nung dumating ako dito sa America sinalubong agad ako ni Cupcake. Nahihiya pa nga ako sa kanya kasi naikwento ko lahat nang nangyari. Iyak ako ng iyak. Feeling ko nga pwede nang pigain yung damit niya that time.

Next na nakita ko si Josh. Ayun, mahigpit na mahigpit ko siyang niyakap. Akala ko wala na talaga akong kamag-anak sa mundo. Muntik pang hindi ko sila makilala dahil sa isang lalaking sinaktan lang ako at iniwan sa altar. Simula noong araw na yun,ni hindi na ako nagpatulo ng kahit isang luha. Magiging mas matapang na ako.

Ayoko na rin maging malambot. Nasasaktan lang kasi ako.

"Josh, magiging okay lang si Mama diba?"

"Oo, magiging okay lang siya Sunny. Malakas kaya yun. Ikaw ba, okay ka na ba?" tapik niya sa balikat ko.

"Ano bang klaseng tanong yan? Syempre...." Natulala na lang ako. Ano bang sasabihin ko? Okay ako kahit na parang tinutuka ni SimSimi ang puso kong walang kalabanlaban inside?

"Hindi." Nagulat ako. Si Cupcake ang sumagot para sa akin. "Aminin mong hindi ka okay. Hindi yun pagpapakita ng kahinaan. Kapag tinanggap mo sa sarili mong mahina ka, iyon ang nagpapatunay na malakas ka."

"A-Ano? Di ko gets? Bakit ang lalim? Pati si mama kanina, hindi ko din gets?" napahawak ako sa ulo ko. Malalaglag ata utak ko eh.

"Sunny, alam kong hindi ka okay." Sabi ni Josh.

"Oh, alam mo pala, tanung-tanung ka pa? Tss. Paaminin ba naman ako." Adik din.

"Gusto ko lang sagutin mo. Para atleast alam ko kung kaya mo na ba siyang harapin pagkatapos kong bugbugin." Sabi ni Josh.

Ms. Sunny Meets Dark PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon