READ. COMMENT. VOTE.
MULTIMEDIA: UPDATED GIF OF ALEX ZHANDER!!
Weather No. 22
((-Alex's POV-))
"Arrrg..Ansakit naman.." nagising ako kinabukasan na masakit ang buong katawan ko. Nahihilo pa ako nung bumangon ako sa kama.
Kinuha ko agad yung towel at magsho-shower ako. Sa pagdaan sa harapan ng salamin nakita kong marami akong pasa. Ouch! My head is really aching. Ah! Ang tindi pala ng pagkalasing ko kagabi. Nakita ko ang pasa sa pisngi ko at ang mga galos sa braso ko.
Nakipag-away ba ako kagabi?
Parang flash na sumagot ang mga alaala ko nang nagdaang gabi. Naglasing ako...dalawang lalaki..bugbugan..at..
"Ikaw! Tandaan mo ang pangalan ko!! Wag mo kakalimutan!! Ako si Cloud Buenavista! Ang lalaking nagpatumba sa inyo. HAHAHAHA!!!"
SH*T!! Malaking kalokohan ang ginawa ko kagabi!
Siguro naman hindi babawi yung mga ginulpi ko. Pero bakit sa isang side ng utak ko parang may naninisi sa akin. May part pa na kinabahan ako bigla. Hmpf! Dala lang siguro ng hangover.
I took a quick shower. Itinapis ko yung tuwalya ko sa bewang at naglakad.
"WHOAH! What the heck are you doing here!" halos malaglag ang twalyang nakatapis sa akin. Si Bluenica kasi eh, napakatrespasser! Pasok na lang ng pasok sa kwarto ko ng walang paalam.
"W-Wala! Magbihis ka nga!" tapos tumakbo siya palabas ng pinto. Tignan mo yun, parang abno talaga si Blue.
I put on my shirt and jeans tapos pumunta sa sala. Nakaupo doon si Bluenica. "Oh, akala ko ba wala kang business dito? Bakit andito ka pa?" medyo masakit pa rin ang ulo ko kaya siguro ganito ang tabas ng dila ko.
"Baka maupakan kita Sepal, wag ka nga ganyan sumagot! Tss. Andito ako kasi.." hindi niya ipinagpatuloy ang sasabihin niya. Tumingin siya sa semento. Hello? I'm here. Hindi ako nakahiga sa floor ya'know.
"Kasi??" tumaas pa kilay ko.
"Wala." *Bluenica sighed "Alis na ako. Bumisita ka naman sa Black Rose. May gustong makipagtuos sa atin eh. Lagi na lang kasing si Kaius yung nandun...Nakakasawa ang pagmumukha tapos ang tipid pa magsalita." Tumalikod na siya. "Ansungit mo." Bulong niya.
Oy, narinig ko kaya yun. Hmpf. Ito talagang prinsesa namin sa BR nagtatampo na naman sa akin. Fine! Hindi kita matiis. "Bluenica, halika dito."
Lumingon siya sa akin na may pagkaasar. "Oh, bakit?!"
"Halika nga eh.." Hindi siya natinag sa pagtawag ko. Mukhang nagtatampo nga siya sa akin. Ayaw niyang lumapit, eh di ako ang lalapit.
Pinuntahan ko siya at hinawakan sa kamay. Hinatak ko siya patungong kitchen kung saan nakahanda na ang late breakfast/lunch/merienda ko. Hapon na kasi ako nagising. >___<
Pero in fairness ah, tahimik lang si Blue na sumunod sa akin. Pinaupo ko siya sa tabi ko sa harap ng mesa.
"Samahan mo ako kumain." ^_____^
"Busog ako." ¬____¬ Tatayo na siya pero hinila ko siya pabalik.
"Hindi pwedeng busog ka pa. Antakaw mo kaya." ^_____^ "Tignan mo yang katawan mo, hindi pa rin tumataba kahit na nguya ka ng nguya. Saan kaya naiipon yang kinakain mo ano?" Inaasar ko lang. Mawawala na rin yung tampo niya....mapapalitan ng inis. Hahahaha. Tsaka cute talaga siya. Parang nakababatang kapatid ko na nga eh.
BINABASA MO ANG
Ms. Sunny Meets Dark Prince
RomanceSunny says: "Bakit bigla kitang naging boyfriend?!" Cloud says: "Ayaw naman kitang maging girlfriend!" Will their story turns out a sunny happy ending or a cloudy sad one? Find out!-- Cheesiness alert. Disclaimer: This story was written when I was 1...