Last one chapter na lang po ang natitira. :)
PLEASE COMMENT. READ. VOTE.
----------------------------------------------------------------------------------------------
Weather No. 42
((-Sunny's POV-))
"WUUUUUUUUUUH! Yeah! Hit it DJ!" humiwalay sa akin si Cloud at sumigaw sa kinaroroonan ng dj. Wait. May dj sa gym? What the.
Pumailanlang ang paboritong dance song ni Cloud. Alam niyo na yun. Wag niyo na ako tanungin.
(=_____=)
Schucks...
S-S-Sumayaw si Cloud ng hataw sa dancefloor kahit na alam niyo yun? Yung 'kawayan dance niya sa ospital'?
"Cloud, pst uy." Tawag ko sa kanya.
Diretso lang siya at enjoy na enjoy sa ginagawa na akala mo wala nang bukas. Wala. Tignan mo 'to. Lahat ng estudyante na nanonood naestatwa na at walang sinuman ang gumagalaw ng kahit isang muscle.
Huni ng kuliglig dapat ang background music eh. Tsk. Tsk. Tsk.
"Cloud!" sigaw ko ulit. Dun na siya napahinto. "Tama na. Okay na please."
Niyakap niya ulit ako tapos sabay wave sa audience. Sumusuperstar lang. "Wuuuuh! Thank you so much! You were all great! Yeah! Thank you!"
Hinatak ko na ang kamay niya pababa ng stage. Desidido na ako.
Hanggang sa kotse niya hinatak ko siya. Malapad pa rin ang ngiti oh. Huminto kami.
"Aabsent tayo." Sabi ko.
Nabura ang ngiti niya. "Bakit?"
"Basta. Magdrive ka ah." Tapos sumakay na ako sa sasakyan. Sumakay na din siya. Nagdrive siya at tinuro ko lang ang daan. Tahimik na nilalandas namin ang gusto kong puntahan. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hawakan ang kamay niya sa manobela.
"Cloud, sorry."
"Okay lang. Its worth all the pain." Ngumiti sa akin si Cloud saka ipinaling ang atensyon sa daan.
Napangiti ako. "Dyan. Magpark ka sa may amusement park." At nagpark nga doon si Cloud. Lumabas kami ng sasakyan at agad kong palundag na tumabi sa kanya.
"Hindi kasi ako nakapaghanda sa maaring mangyari ngayon. Gusto ko lang na kahit papaano makabawi ako sa lahat ng bonggang efforts mo. 'Lika ka na dali!" Hinila ko siya papasok.
Lahat ng rides sinakyan namin. Pati photo booth na puro kakengkoyan lang ang ginawa naming pose eh pinatulan na rin naming dalawa.
Pumasok din kami sa horror house.
Takot na takot ako at parang nakalingkis na sawa kay Cloud. Ang mokong ngingiti-ngiti. Gustung-gusto ang nangyayari.
"Hihihi. Tama na...Ahy, wag dyan. Kakakiliti eh. Hihihihi." May narinig kami sa madilim na sulok ng maze na iyon.
May naghaharutan at take note, ang sakit sa mata ng mga kaganapan. Kinalabit ako ni Cloud sa likuran. Alam ko na ang balak niya.
Pumaikot kami dun sa dalawang naglalandian tsaka namin sila ginulat gamit yung mga dummy na zombie.
Sa takot, nagsitilian yung dalawa. Pati yung lalaki na mukhang nagbubuhat ng barbel araw araw eh napasigaw at papalayong tumakbo.
Tawa kami ng tawa ni Cloud na lumabas ng horror house.
BINABASA MO ANG
Ms. Sunny Meets Dark Prince
RomanceSunny says: "Bakit bigla kitang naging boyfriend?!" Cloud says: "Ayaw naman kitang maging girlfriend!" Will their story turns out a sunny happy ending or a cloudy sad one? Find out!-- Cheesiness alert. Disclaimer: This story was written when I was 1...