Weather No. 6 *Tomorrow*

117K 1.2K 96
  • Dedicated kay Ruanne Liezl Sanchez
                                    

 Dedicated to Ru  (^____^) Thank you sis for introducing wattpad to me. Lovelots!

 Nga pala, si Sunny the Cat a.k.a. Garfield may picture sa gilid.

Weather No. 6

((-Cloud's POV-))

"Girlfriend, salamat sa halik ah." Ang sarap naman asarin nitong babaeng 'to.

Yung mukha niya parang gustong pumatay ng tao. Isa pang ngiti ang ibinigay ko sa kanya bago ako lumabas ng room. Nagtungo ako sa kusina para magprepare ng makakain. Gutom na ako.

Sumulpot si Sunny sa may paanan ko. Kinuha ko ang bowl niya at nilagyan ng catfood. "Here, kitty." She meows happily and munches the food. Nakakatuwa naman itong pusang 'to. Umupo ako and I pat her head.

Normal cats usually eat without their paw pero ibang klase ang isang 'to. Parang kinakamay ang pagkain.

"Sandali lang Sunny hah. I'll check the dog inside my room." Si Sia ang tinutukoy ko. Diba kagat siya nang kagat at sinabi niya pa dati na ipinaglihi siya sa aso. Therefore, tama lang ang nickname niya. Madalas ko naman kasing makalimutan ang pangalan niya eh. Ni hindi ko nga sure kung Sitti ang name niya o ano.

*blag!

Malakas na bumagsak ang pinto. I guess umalis na siya nang walang paalam. Aso talaga. Napapailing na lang ako sa kanya. Hay! Pabalik na sana ako sa kusina nang biglang may nagbuzzer.

Si Aso siguro yan. Nakalimutan ang goodbye kiss ko.

Nang buksan ko ang pinto, hindi si Serri ang nakita ko.

"Hi, darling." Yumapos sa leeg ko si ano. Who's this girl again? Ah! I don't remember. Basta ang alam ko, na-meet ko siya sa isang party. Parating may ganyan sa condo ko. They come and go.

"Hi sweetie. Pasok ka." Sabi ko sa kanya at nauna akong pumasok sa loob.

She tugged at my shirt. "Kish koh." At inginuso ang labi niyang may makapal na lipstick.

"Mamaya na." I'm going to eat muna.

Pinaupo ko siya sa living room habang ako ay kumakain. Pagkatapos kumain, nagtoothbrush na ako.

 ~hug

Ipinulupot ni unknown girl ang braso niya sa bewang ko. "Darling, I'm bored. Let's have (*toot-*toot). Sige na." ang landi naman. Tss.

"Ochay shweechie, peyo yumabash cha muya" (okay sweetie, pero lumabas ka muna.) sabay tulak sa kanya palabas. Pasensya naman daw po. Nasa bibig ko pa ang toothbrush ko eh. Tss. Pero makulet itong babaeng 'to.

Hindi ako mahilig sa (*toot-*toot) kaya talagang tinagalan ko sa bathroom baka sakaling lumayas yung babaeng lingkis ng lingkis.  Lumabas ako at nagtungo sa living room.

"Darling!" nilundag niya ako. "Halika ka na dali."

"Ano, uhm. Actually, I don't know your name. So technically, hindi tayo magkakilala okay. Now, go." Pagpapaliwanag ko. Alis na kasi.

"No. Pinaghintay mo ako ng matagal tapos ganito lang?! I don't care if you don't know my name. Makikilala mo din naman ako eh." *wink. "Wag nang pakipot hah."

Hinila niya ang shirt ko at hinalikan ako sa labi. Arg! Sakmal ata ang mas dapat na tawag. Lumitaw si Sunny sa paanan namin at inangilan si unknown girl. "Khaaaaah. Nnnggiyaaah." Nakatayo lahat ng balahibo ni Sunny parang pinapalayas si unknown girl.

Ms. Sunny Meets Dark PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon