A/N: Ayan, brutal sila kay Violet. Naku >___<
READ.COMMENT.VOTE.
--------------------------------------------------------------------------------------------
Weather No. 25
((-Cloud's POV-))
Sabay-sabay kaming lahat na dumating sa Palawan. Nakakainis lang, bakit kasama pa si Alex? Tapos may isa pang papansin na babaeng hindi namin kilala. Akala ko hindi pumayag si Sunny na isama yung malanding yun.*sigh Eh sa halata namang nilalandi niya ako eh.
Dibale, mukhang hindi na masyadong dumidikit si Alex kay Sunny dahil andito ako at parang mas pinagmamasdan niya yung girlfriend niya ata na si Bluenica. Well, badtrip pa rin ako dun sa papansin na si Violy...er...Vivian? Whatever. Nakakatamad magmemorize ng pangalan kapag hindi naman masyadong importante. Saka ko na lang pag-aabalahang kilalanin yun kapag may time ako. Yun ay kung magkakaroon ako ng time. Sa tingin ko, wala akong time. ^____^
Sumakay kami ng bangka patungong beach house nila Josh dahil nasa isang private island iyon.
Maganda yung asul na dagat. Pagmasdan pa lang eh, nakakarelax na talaga. Sinalubong kami ng mga katulong nila Josh. Pababa na kami ng bangka nung..
"Ouch! My leg! Hindi ko maigalaw! Namanhid ata dahil sa pagtayo!" sigaw nung si Villain...er Villa?
Dahil ako lang ang malapit sa kanya, nakatingin sa akin ang lahat at nag-aabang kung bubuhatin ko siya. Huh! Neknek niya! Halata namang nagkukunwari.
Iniwasan ko lang siya ng tingin at kinuha ko yung bag sa tabi niya. Bumaba na ako. Naiirita ako sa kanya. Ewan ko ba. Basta, there's this weird feeling inside me na nagsasabing wag ko siyang pansinin.
Si Sunny nakita ko tumakbo sa tabi nung papansin na babae. "Okay ka lang ba Violet? Stretch mo yung leg mo, ima-massage ko na lang." sabi niya. Holo!
Ibinagsak ko yung mga bag at pinuntahan ko si Sunny. Hinawakan ko siya sa braso at iniangat mula sa pagkaka-upo sa tabi ni Violet daw. "Hindi siya alalay. Kaya mo na yan." At hinila ko na si Sunny papunta sa loob ng beach house.
"Cloud, grabe ka. Hindi naman ako kinakawawa ni Violet ah. Tss. Siya yung kawawa eh."
"Dense." Yun lang nasabi ko sa kanya. Hindi niya ba halata na nagkukunwari lang yun at nagpapapansin?
"Josh!!" napalingon kaming lahat.
"Ma!" tapos mahigpit na niyakap ni Josh yung mommy niya. Ipinakilala kami ni Josh sa mommy niya isa isa pero is it me or talagang matagal na tumitig si Tita Gemma kay Sunny. Nakakatuwa siya kasi niyakap niya kami lahat bilang pagwelcome. Tuwang-tuwa nga si Tita nung malaman na kasama rin si Cupcake sa outing na ito.
Saktong lunch nun kaya pinaupo kami agad ni Tita sa mesa. Andaming seafoods na nakahain. Natatakam ako. Naalala ko tuloy nung nasa engagement party kami ni Claire at nabugahan ako ni Sunny ng mga kinakain niya. Puro seafood din yun. Adik lang. >____<
Umupo ako katabi si Sunny pero malas, yung si Violet eh umupo din sa tabi ko. Bale, pinapagitnaan nila akong dalawa.
"Cloud, gusto mo?" tanong ni Violet sa akin tapos ino-offer yung crab.
"No, thanks."
"Cloud, gusto mo?" tanong naman ni Sunny at may ino-ooffer din sa akin.
BINABASA MO ANG
Ms. Sunny Meets Dark Prince
RomanceSunny says: "Bakit bigla kitang naging boyfriend?!" Cloud says: "Ayaw naman kitang maging girlfriend!" Will their story turns out a sunny happy ending or a cloudy sad one? Find out!-- Cheesiness alert. Disclaimer: This story was written when I was 1...