Chapter 4

542 19 12
                                    

Lamia’s P.O.V.

Ang sarap ng simoy ng hangin ngayon. Napakaganda rin ng buwan sa kalangitan na tila nagiging tanglaw ng mga bulaklak ditto sa hardin. Kakaiba ang ganda ng lugar na ito kapag gabi na,ang mga bulaklak ay tila nagiging maliliit na ilaw na may iba’t ibang kulay dala na rin ng repleksyon ng buwan.

Isang linggo na rin ang nakakalipas na halos pader at bubong lang ng kwarto ko ang nakikita ko. Salamat sa nangyari sa labarito at tiniis ko ang huwag maglalalabas sa aking silid upang hindi ko siya Makita. Lalabas lang ako kung kakain na at kung pinapatawag ako ng Reyna.

Hayyyyyyyyyyyyyyy, hindi ko tuloy masyadong nakikita ang prinsipe KO.

 Pero tapos na ang pamamahinga ko panahon na ng pagganti ko sa demonyitong yun.

“Mahal na Prinsesa,mukang malalim ata ang iniisip mo ah”

WAAAAAAAAAAAAAA ang prinsipe KO!

“P-prinsipe A-alex anong ginagawa mo dito”

“Ah,naglalakad lakad lang at nakita kita”

“Ganun ba?”

“Tila ata hindi ka naglalalabas ng iyong silid nitong mga nakaraang araw, may problema ba?”

“W-wala naman,dinali lang ako ng katamaran”ano ba naming sagot yun.

“AHAHAHAHA, nakakatamad nga naman sa loob ng palasyo” ano kayang nakakatawa sa sinabi ko?

“Sa susunod sumama ka na lang sa amin ni Asha sa pangangaso,Masaya yun” pwedeng wag na lang isama si Asha.

“Baka makaabala lang ako”

“Hindi ah”

Katahimikan……………………………

Naiilang tuloy ako…..ang sarap din nang pakiramdam kahit papano……Ako kasama ng prinsipe KO sa ilalim ng buwan at pinagmamasdan ang mga bituin.

“Alam mo bang may bituin kami ni Asha ditto,ayun oh”sinundan ko ng tingin ang tinuturo niya  ,isang bituin na tila hiwalay sa lahat ngunit napakaliwanang nito.

“Napakaganda naman” sagot ko,pwedeng tayo din may bituin…

“Si Asha ang naging kaibigan ko ng mahabang panahon, mas malapit pa nga kami kaysa kay Kalix eh” bigla niyang sabi…

Asha puro na lang Asha nakakainsulto na ah.

“Mukaha ngang malalim na ang pinagsamahan niyo”

“Ahm, may sasabihin nga pal asana ako sayo, magkaibigan na naman tayo di ba”

HUWAAAAAAAAAA magtatapat nab a siya sa akin. Hindi pa ako handa , ni hindi nga ako nag paganda ngayon eh.

“Ano yun” ayieeeeeeee kinikilig ako.

“Mahal………………” bumuntunghininga pa siya, ayan na malapit na

“Mahal ko ………..” ay parang nahiya pa.

“Mahal ko …………………………………….

SI ASHA”

BOOGSH

Aray ko naman,pwedeng dahan dahan lang..Ang sakit eh…

“A-ano, dib a knight mo siya “oo nga hindi pwede yuuunnnnnn!!!!!!!!

“Kaya nga sayo ko lang sinabi dahil alam kong maiintindihan mo ako, wag mong sasabihin sa iba ah,sikreto lang,alam kong kapag sinabi k okay ina,maiintindihan niya ako kahit kay ama pa, ngunit may mga taong mahirap makaintindi” bakas ang lungkot sa tinig niya.

As Being A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon