Chapter 18

353 12 3
                                        

Alex’s P.O.V

Nakarating na rin kami ni Asha dito,ha! mukang magiging interesante to ah.

''Hayy sa wakas makakapagpahinga na rin,san ka ng pala unang pupunta Alex''masaya niyang tanong habang naglalakad kami papasok sa loob ng palasyo

 Kung pagmamasdan mo ang palasyo tila napakatahimik nito,walang kaguluhan,isang payapang lugar,ngunit kong susuriin mong maigi,mapapansin mo ang mga kawal nagkalat sa lahat ng sulok na tila binabantayan ang pagdating ng isang panganib, nagbabantay upang hindi matunton nino man ang mga halimaw na tinatago nito.

''Kung saan ko unang maisipan'',sagot ko kay Asha.

------------------------------------------------------------------------------------------------

''Anong pinunta ng isang prinsipe sa kahariang ito,may nangyari ba habang wala ako''bungad agad sa akin ni Haring Calisto nang puntahan ko siya sa kanyang silid.

''Wala naman amang hari,gusto ko lang makita ka,labis na kaming nag-aalala at halos tatlong buwan ka nang hindi bumabalik sa kaharian,wala ka ring mensahe''sagot ko saka tumingin sa katabi niya ''Nagtanong na rin ako kay sa malapit mong kaibigan at tila nag-alala din siya at pumarito rin''Tila takot na takot si Konde Sahiro ng titigan niya ako,tamang tama lang pala ang dating ko.

''Wala kayong dapat ipag-alala may konting gusot lang kaming inaayos''turan ng hari.

''Ipagpaumanhin niyo na lang ang aking abala''yumukod ako.''Sige aalis na ako,ah!,medyo magtatagal pala ako ng mga ilang araw dito''

Isang ngiti ang pomorma sa aking labi ng maipinid ko na ang pintuan.Ang lahat  ay naaayon sa amin.

3rd Person P.O.V.

''S-si P-prinsipe D-dylan y-yun,anong g-ginagawa niya d-dito''utal utal na sabi ni Konde Sahiro.

''Kinamusta ako,hindi mo ba narinig''Kalmadong tugon ni Haring Calisto.Kinuha pa nito ang isang tasa sa mesa at humigop ng tsaa dun.

''Hindi ka ba nag-aalala,y-yung p-punyal,alam mo naman deh ba,alam na nila,y-yung sa lihim ko,kalaban natin ang mga tagapagmana ng korona''tarantang sabi ng Konde.

''Pabayaan mo sila kung anong balak nilang gawin,habang hawak natin si Dylan at ang reyna ay wala silang magagawa''

''Si Dylan?!Wala na tayong pakinabang sa kanya,taksil siya,isa siyang traydor''galit na galit na ang konde.

''Kung wala ka nang sasabihin,maaari ka nang umalis,nais ko nang magpahinga'' Wala nang nasabi ang konde at umalis na.Alam niya sa sarili na lahat ng pinaghandaan nila ay mauuwi lang sa wala.Ang lahat ay babaguhin at magsisimula ulit sa umpisa.

Lami’s P.O.V.

''Tama ba tong dinadaanan natin,ah''tanong ko kay Kalix na komportable lang na naglalakad habang ako'y iritang nakasunod lang sa kanya dahil init na init na ang pakiramdam ko sa tindi ng sikat ng araw.

''Oo tama to,nakapunta na ako dito dati''para ngang naliligaw na kami eh.Ano naman kaya ang gagawin ng isang manunulat ng pagtatanghal sa teatro dito sa kasukal sukalan eh ang layo na nito sa mga kabahayan.

Ilang minuto din ang lumipas ng may nakita kaming isang maliit na kubo sa di kalayuan.Totoo ba to,isang kubo lang ang tirahan niya.

''Naghihirap na ba ang manunulat na yun''komento ko.

''Tss,manahimik ka na lang''tss din,bakit ito pa ang nakasama ko pwede namang si Titania o si Orphen.

''Morato,si Kalix to''tawag niya sa labas pero walang sumasagot.Kumatok pa si Kalix ngunit wala talagang nagbubukas ng pinto.

As Being A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon