Chapter 8

389 18 6
                                    

Lamia’s P.O.V.

''Ang tahimik naman dito''komento ko ng makarating na kami sa bayan ng kaharian ng timog.

Tahimik naman talaga eh.Papagabi pa lang pero iilan na lang yung mga nagtitinda na nagliligpit na rin.Iilan na rin ang mga taong naglalakad lakad,hindi  katulad sa kanluran at silangan na kahit gabi na parang pyesta pa rin.Kapansin naman yung mga kawal na naglilibot,mas marami pa sa nakita ko noon samin.

''Bilisan mo nga dyan,ano na naman tinatanga tanga mo''ayan na naman po si Kalix.

--------------------------------

Nga nga.

Yun lang yung nagawa ko nung nasa tarangkahan na kami ng pala ng palasyo dahil sa nakita ko kung gaano kalaki ang kastilyo ng timog.Tatlong beses ang laki nito kaysa dun sa amin.

''Ang laki ah''pati si Orphen namamangha.

''Tutunganga nalang kayo dyan?''Bumaba na si Kalix sa kanyang kabayo at sinimulan na ang kumatok.

Maya maya naman lumabas na yung tatlong tagabantay

''Anong kailangan niyo''tanong nung isa sa amin.

''Narito kami dahil sa paanyaya ng Prinsipe''Inilabas ni Kalix yung papel na galing kay Titan.Lukot lukot na may punit pa,ang burara talaga.

''Maghintay muna kayo sandali''Aba paghintayin ba naman kami.

''Hindi niyo ba kami kilala ako to,prinsesa ng silangan,ayaw kong pinaghihintay ako''yan yung sinabi ko na hindi naman narinig ng mga kawal,dahil nakasara na yung pinto

''PFFTT HAHAHAHA''sabay na tawa ng dalawa.

''Lamia wag mo ngang kausapin yung tarangkahan''si Orphen

''Muka ka bang prinsesa eh muka kang pulubing nanlilimos''si Kalix

Sinipat sipat ko yung sarili ko at nanlumo naman ako,muka na nga akong gusgusin ,may galos galos pa ako,pero syempre maganda pa rin

''Sige pagtulungan niyo ako,maganda pa rin naman ako ah''''PFFFT WAHAHAHA''tawa na naman sila,na itinigil din nung dumating ulit yung mga tagapagbantay.

''Ipagpaumanhin niyo po ang paghihintay,sumunod po kayo''

Iginiya kami nito sa loob,kinuha naman nung dalawa yung mga kabayo namin.

GRABE TALAGA,ibang iba ito sa lahat ng palasyo at mansyon na nakita ko .Imbes kasi hardin ang bubungad sayo eh isang tulay na unti unting bumababa ang sumalubong sa amin.Ang buong palasyo ay napapaligiran ng tubig.Hindi ko nakita ito sa malayo dahil na rin sa taas ng pader at sa mga punong nakapaligid dito.

''Lamia''tawag sa akin ni Orphen pero siya din ang lumapit,may ibinulong to sa akin''Mahilig sigurong mangisda ang mga tao dito noh''tiningnan ko to ng masama.Saan kaya nito naiwan ang utak niya.

Tahimik lamang si Kalix na pinagmamasdan ang buong paligid,baka gustong gayahin yung disenyo ng arkitektura nito,tss walang orihinalidad.

Kung nakakamangha sa labas mas lalo pa sa loob.Mayroong napalaking chandelier sa gitna nito,kulay ginto naman ang pader at may mga nakasandig na hilera ng mga anghel na estatwa.Naghiwalay din kami nina Kalix at Orphen ng nasa ikatlong palapag na kami.Sa kaliwa kasi yung kuwarto nila tapos ako sa kanan.

HOA ang ganda naman ng kuwarto ko.

Ang laki laki.Nasa gitna nito ang isang napakalaking kama na kasya ata kami nina Orphen at Kalix.Katulad sa baba kulay ginto din ang pader pero parang may mga dyamanteng kumikinang kinang,saka ko na sisipating maigi. May apat na pintuan pa akong pinasok.Yung isa,paliguan,yung ikalawa silid aklatan,yung pangatlo damit ang laman.

As Being A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon