Chapter 31(yes nakapag UD na rin!)

464 10 2
                                    

Kalix P.O.V.

"Lamia wag! " sigaw ko. Ano bang ginagawa niya nag iisip ba siya.

Muntik na niyang tamaan ang duke ngunit mabilis itong nakailag. Agad ko namang inagaw sa kanya ang espada.

"Nahihibang ka na ba " singhal ko dito.

"Gusto kong magkaroon ng pakinab - "

"Tumabi ka na lang " putol ko sa sinasabi niya. Ang dapat pagtuunan ng pansin ngayon ay ang duke.

Naunang sumugod ang duke.

 Dahil.hindi ko siya ganung napansin ay muntik na niya akong tamaan mbuti na lamang at mabilis akong nakailag. Nagpalitan kami ng pagsugod at pagsangga sa aming mga espada. Ngunit hindi pa man nagtatagal ang aming paglalaban ay may nangyari ng hindi ko inaasahan.

Isang matinding sakit ang aking naramdaman sa aking likuran, ramdam ko ang likidong rumaragasa mula dun, bigla akong nanghina at napaluhod, sinubukan kong abutin ang bagay na yun mula sa aking likuran, isang palaso na hindi ko alam kong san nagmula.

Maya maya pa 'y narinig kong sumigaw, si Lamia!

"Bitiwan mo nga ako! "

Pinilit kong lumingon.

Si konde Sahiro yun, hindi ako pwedeng magkamali.

"B-bitiwan m-o s-siya " pilit akong tumayo. Ngunit bigla na lang akong nilapitan ng duke at tinadyakan.

Paulit ulit nya akong sinaktan. Naiiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa para iligtas si Lamia. Nanlalabo na ang paningin ko....at hindi ko man gusto ay napapikit na ako ngunit ang aking huling nakita ay ang pagbagsak ng duke sa aking harapan...

Lamia's P.O.V.

Hindi maaari! Si Kalix bigla na lang tinamaan ng palaso sa likuran. Agad kong nakita ang salarin. Galing siya sa likuran ko. Si konde Sahiro. Nais ko sanang puntahan si Kalix ngunit bigla akong hinawakan ng konde.

As Being A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon