Chapter 14

339 9 1
                                    

Alex’s P.O.V.

''Kinagagalak ko ang pagparito ng isang prinsipe sa aking tahanan''bati sa akin ni Konde Sahiro.Matagal na rin ng huli ko siyang makita,dumami na ang puti niyang buhok at tumaba pa siya lalo.Narito pa rin ang lamesang gawa sa puno ng okilya at ganun din ang mga upuan na gawa din sa kahoy.

''May ilan lamang akong katnungan''sagot ko.Maya maya'y dumating ang isang katulong at ipinaghanda kami ng maiinom.

''Ano naman yun mahal na prinsipe,mukang mahalaga yan at personal kang tumungo  dito''

''Alam mo ba kung ano ang pinagkakaabalahan ni ama ngayon,naisip ko kasing malapit ka niyang kaibigan at baka nasabihan ka niya''

''Patawad,ngunit wala mahal na prinsipe,marahil ay importante ang inasikaso niya kung kaya't natagalan siya Alam ko namang yun ang sasabihin niya at hindi din iyon ang pakay ko.

''Ah,pasensya na sa abala,sige aalis na ako''

''Wala iyon,mahal na prinsipe''Tumayo na ako at inayos ang aking damit ngunit bago ako umalis may kinapa ako sa aking bulsa  isang punyal.

''May munti pala akong regalo para sa iyo''Inilapag ko iyon sa mesa.

''Nag abala ka p-''bigla siyang natigilan ng makita ang punyal.

''Bihira lang ang punyal na iyan,kaya't ingatan mo sana''yun na yung huli kong sinabi.

Napangiti ako sa ginawa ko.Alam ko namang alam na ng konde ang pagkakatuklas namin sa mga armas dahil sa dalawang kawal na pinakawalan ko.Siguradong kinabahan din siya sa nakitang punyal na galing mismo sa imbakan niya at pahiwatig lang yun na hindi kami natatakot sa kanya at handa na kaming lumaban.

Orphen’s P.O.V.

''Mabuti naman at andito ka''pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng pinto ay nakita ko na si Lamia na parang mangangain ng tao.

''A-anong,bakit ka a-andit''nakakatakot ang tingin niya, ano na naman kaya ang kailangan niya?

Tuloy-tuloy lang itong pumasok sa kuwarto ko at sumalampak sa kama.Matalas niya akong tiningnan at pinagkrus pa ang mga kamay.''Nakita ko kanina sina Dylan at Kalix,magkasama''Sabi niya.huhuhu bakit ako pa ang pinuntahan niya para tanungin.

''ANO!?magkasama?,sila?,paano?''ginalingan ko na yung pag-arte ko na parang walang alam.Lagot ako nito kay Kalix at Dylan.

''Ganun ba,wala kang alam,pasensya na sa abala''Phew,buti naniwala siya.

''W-wala nga,s-sige baka may gagawin ka pa,he,he,he''pinagpapawisan ako sa kaba grabe.

''Sige mauna na nga ako''tumayo na siya.

''S-sige paalam,pag may kailangan ka,hanapin mo lang ak-oh,oh bitiwan mo ako''bigla bigla na lang niya akong kwenelyuhan,hu,hu,hu.

''Sasabihin mo ba o hindi''napapikit ako nung bigla niya akong pinandilitan,nakakatakot talaga.

''W-wala talaga akong alam,waka talaga''iling ko

''Wala ka talagang alam ah''AWAWAWW,pangalawang beses na to ah.Sinikmurahan na naman ako ng isang babae,ang saklap ng kapalaran ko talaga.

''ANO SASABIHIN MO BA O HINDI!''

''O-oo,sige,ugh,ugh,sasabihin ko na ugh ugh,saglit masakit pa sikmura ko''sadista ba mga taga silangan.

''Mabuti naman at naiintindihan mo''umupo ulit ito sa kama ko.Kung hindi lang ako gwapo,nakapanakit na ako ng babae

''Simulan mo ng magkwento,at wag kang magsisinungaling''

As Being A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon