Chapter 26

298 8 1
                                    

Lamia’s P.O.V.

Gusto kong lumapit kay Dylan,gusto ko siyang tulungan pero hindi maaari dahil napakaraming tao ang nakatingin,walang dapat makaalam na magkaalyansa kami.Mabilis siyang pinalibutan ng mga kawal.Masama na ang lagay niya kaya hindi na siya  makakilos.Buhay pa siya,alam ko,buhay pa siya.

''Patay na ang taksil,tapos na ang digmaan''sigaw ng isang kawal na tumingin ng kanyang pulso.

Hindi,hindi maaari,buhay pa siya.Hindi ko na napigilan at kusa ng tumulo ang mga luha ko.

''Mukang nagdadalamhati ata ang prinsesa sa pumanaw na taksil sa bayan''sana hindi na lang nagsalita ang duke,hindi ko kailangang marinig ang boses niya.

''Naging kaibigan ko din siya bago mangyari ang lahat ng to''sagot ko habang pinupunasan ang mga luha.

Hindi pala ako dapat umiyak sa harapan ng halimaw na ito.

Ngumiti lang ang duke at agad siyang nilapitan ng kanyang mga utusan ng mapansin ang sugat niya sa balikat.Dapat pinatay na siya ng may pagkakataon pero hindi,hindi pwede,isa siyang kalaban na kahit patayin mo ay hindi pa rin matatapos ang kasamaan.Kailangan munang makita ang mga bombang itinanim niya bago siya patayin.

-------------------------------------------

Unti unti ng humuhupa ang pag-aaway dahil sa pagsuko ng puwersa ni Dylan ng malamang patay na ito. Dinala na ng mga kawal ang katawan ni Dylan pero parang may hindi tama.Lalo na sa kawal na sumigaw na patay na si Dylan,pamilyar siya sa akin.Hindi ko lang makita ang mukha niya dahil sa buhok  na nakatakip dito.

Alex’s P.O.V.

''Masama na ang lagay niya kailangan na nating makaalis dito''takte kinabahan ako kanina ah,nahuli kami ng dating kung medyo napaaga kami,hindi siya natamaan ng espada.

''Anong nangyari”,tanong ni Asha  na naghihintay sa likod ng palasyo

''Mamaya ko na ikukuwento bilisan na natin at baka maabutan pa tayo dito''Ang plano talaga namin ay magpapanggap kaming isa sa mga kawal para madaling makapasok at susunduin si Dylan dun,ngunit ibang senaryo na ang nakita ko.Akala ko patay na talaga siya,kaya lumapit agad ako para kumpirmahin,mabuti na lamang at hindi pa,pero malala na siya,nagpasya akong ideklarang patay na siya para walang maghinala.

Naawa ako kay Lamia sa biglang pagluha niya at nang lapitan siya ng duke.Mahirap din para sa akin na iwan siya dun ng nag-iisa,nanganganib ang buhay.Ang tanging iniisip ko na lang ay makakaya niya yun.

Nang makalayo na kami dun ay agad kong inihiga si Dylan sa lupa.Walang buwan ngayon kaya't mahirap makakita lalo't na't nasa kasukalan kami ng gubat.Nagpatulong ako kay Asha upang ampatin ang pagdugo mula sa dibdib nito.Napangiti ako ng makita ko ang tama niya,marahil patay na talaga siya kung hindi lumihis ng bahagya ang espada sa pagkakatarak sa dibdib niya mabuti na lamang at  naroon ang isang bagay na inilalagay niya lagi malapit sa puso niya,ang kanyang kwintas na punyal na bigay ng kanyang ina.

Lamia’s P.O.V

Isang linggo na ang nakakalipas ng matapos ang kaguluhan,napakabilis ng mga nangyari,kamusta na kaya si Dylan pati sina Kalix.

 Gusto ko nang pumunta sa Noria,siguradong naroon lang sila.Natatakot na rin ako dito,doble ingat na nga ang ginagawa ko at hindi ko hinahayaang mag-isa ako nararamdaman ko pa rin na gusto niya akong patayin.Alam na rin niyang nakatakas si Dylan dahil  sa biglang pagkawala ng katawan nito.Argh,wala akong magawa dito.

''Alam naman niyo siguro kung ano ang dapat nating pag-usapan hindi ba''kanina pa pala salita ng salita ang isa sa mga konseho hindi ko pa napapansin.

As Being A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon