Chapter 27

291 6 2
                                        

Lamia’s P.O.V.

Ilang oras pa ba ang lalakarin ko hanggang makarating ako sa tinutuluyan ng marquis na iyon. Hindi na ako makakapaghintay pa na Makita sila. Wala naman daw akong dapat ipag-alala sabi ng hukom dahil sisiguraduhin niyang magiging maayos ang lahat at  walang makakahalatang nagpunta ako ditto para makipagkita sa mga kaibigan ko.,ang alam lang nila ay magbabakasyon lang ako at saka magbabalik na rin dun sina Alex at Asha kaya matutuon ang pansin sa kanila.

Sobrang init na at parang naliligaw na nga ako,pero ito naman yung dinaanan naming ni Kalix dati eh.Sana nga tama ang daan ko.

Maya-maya……

“Lamia!” Narinig ko na ang boses ni Titania. Nakatayo siya sa labas at tila hinihintay talaga ako.

“Titania” tumakbo na ako papunta sa kanya”Bakit narito ka?hindi ba’t nasa palasyo ka?” tanong ko.

“Nabalitaan ko kasing pupunta ka ditto,kaya nauna na ako na ako,sinigurado ko muna ang lagay dito sa Noria, narito nga rin si Orphen eh,tara na sa loob”.

Sumunod ako sa kanya sa loob  ng bahay. Walang tao,tanging magulong mesa lang lang ang naroon at mga nagkalat na papel sa sahig.

“Asan sila?”

“Sumunod ka na lang sa akin”

Iniusog niya ang mesa. Sa ilalim nito meron parang isang lihim na pintuan na may hagdan pababa.Napakadilim ng dianaan naming kamuntik na nga akong madapa. Pero unti unti naman nagiging maliwanag habang palapit kami ng palapit sa ibaba.

“Lamia andito ka na pala” sinalubong agad ako ni Orphen.

“Oo, ang hirap ngang tumakas eh”

“Ayun sila oh” tinuro ni Orphen sina Dylan na nakasandal sa dingding at nginitian ako.Si Reyna Lira,este Siri pala ay naghahanda ng pagkain sa isang maliit na mesa.”Saglit Prinsesa,at ipaghahanda kita ng maiinom,mukang malayo ang nilakbay mo”

Si Kalix naman andun,nagkukunyaring tulog .

Simple lang ang lugar na yun pero mas maayos kaysa sa itaas,may isang higaan at isan maliit na mesa  na may tatlong upuan at ang tanging nagbibigay lang ng liwanag dito ay ang mga kandila.

"Kalix,andito na si Lamia" niyugyog ni Orphen si Kalix.

"Oo,oo, alam ko" buti naman at bumangon na rin ito pero parang wala pa ring pake.

Pinuntahan ko na lamang si Dylan at tinanong ang lagay ng kanyang sugat na natamo.

"Mabuti naman,ngunit masakit pa rin ng bahagya" sagot niya.

"Medyo naging malalim kasi ang sugat niya kaya matagat tagal pa bago ito tuluyang maghilom,ah ito inumin mo galing sa sariwang rutas" Inabot sakin ni Reyna Lira ang isang baso.Nakaginhawa ng pakiramdam ang inuming iyon.

Syempre kinamusta ko na rin si Kalix"Oh ikaw,ano ka na?"

"Buhay pa,nakita mo naman"ayos talaga kausap.

"Sssh,nagtatanong ako ng maayos eh"

"Matanong kita,ano na palang nangyayari sa palasyo?" tanong ni Reyna Lira (Siri)sakin.

"Lahat ng nangyayari ay naaayon pa rin sa mga plano natin,kaso nga lang kung minsan parang  hindi ko na alam ang gagawin ko ,syempre mahirap sa akin ang maiwan dun kasama ng mga kaaway"bumuntonghininga ako matapos kong sabihin yun.

"Sa ngayon magpahinga ka na lang muna,si alex na muna ang bahala dun" maikling simpatya sakin ni Dylan.

"Tama kailanga ko munang magpahinga"

As Being A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon