Chapter 28 part 2

231 4 0
                                    

3rd person P.O.V.

Sa pagbabalik nina Titania at Orphen sa kanluran ay may napansin silang  kakaiba,maaga pa ngunit sarado na ang mga kabahayan at wala ni isang tao sa sentro ng bayan.

Labis na pagtataka ang nasa isipan nila. San na nga ba napunta ang mga tao?

Ilang mga yabag ang narinig nila kaya naman nagpasya silang magtago sa mga kahong nakasalansan.

Mga kawal ng palasyo ang nagsidatingan, kasama nila ang paladin na nagbigay ng ilang paalala.

"Siguraduhin niyong walang makakapasok na mga tagalabas at walang makakaalis mula dito "

"Opo " sabay sabay na sagot ng mga kawal.

"Maaari na kayong magsipunta sa inyong mga itinalagang pwesto."

Tumingin si Titania kay Orphen at tila naunawaan naman niya ang tingin na iyon. Walang duda ipinasara nga ang palasyo, ngunit bakit? Hindi nila ito inaasahan at siguradong nasa panganib ngayon sina Lamia at ang iba.

Lamia 's P.O.V.

Nagising akong nasa loob muli ng selda.Tama!  Nahuli nga pala kami kanina.

Ramdam ko pa rin ang pagkakahampas sa batok ko na naging dahilan ng pagkawala ng aking malay.

"Gising ka na pala " ani ng isang boses na tila kilala ko.

"Alex andito ka rin " nandito rin pala sina Asha at ang hukom.

"Mukang may masamang binabalak ang dukeng yun " seryosong sabi bigla ng hukom.

"Balak ba niya tayong patayin? " tanong ko.

Si Asha ang sumagot "mukang yun na nga, ngunit parang may iba pa siyang pakay."

"Ang duke ay siguradong walang iiwang buhay sa atin" muling sabi ng hukom.

Sa narinig na sinabi ng hukom bigla na lang ako nakaramdam ng matinding takot at nahinuha ang nais niyang iparating " N -nais niya ring matagpuan ang iba pa nating kasama "

Bigla na lang may pumasok na isang kawal at hinatak na lang ako "Ano ba bitiwan mo nga ako "

"Pinapatawag ka ng duke "

"Ako ang reyna dito, bitiwan mo ako "

Biglang tumawa ang kawal " Ikaw nga ang reyna ngunit hindi ikaw ang pinaglilingkuran namin "

Wala na akong nagawa kundi ang sumama sa mga kawal. Nais pa sana akong tulungan ng mga kasama ko ngunit sumenyas akong wag na silang mangialam.

—--———----------------------------------

dinala nila ako sa bulwagan ng palasyo. May nakalagay na mahabang mesa dun at ikinagulat ko ay makita ang lahat ng kasapi ng konseho na nakapiring at nakatali sa kanikanilang upuan.

Maya maya pa 'y dumating na ang duke.

"Mahal na duke ano pong gagawin namin sa reyna " tanong ng kawal na nagdala sa akin.

"Piringan din siya at dalhin sa gitna ng bayan "

Hindi na ako nakapagpigil at nailabas ko na ang galit ko "Walang hiya ka, ang akala mo ba 'y mapapasayo ang mga kaharian sa ginagawa mong ito?  Itatakwil ka ng taong bayan at pag nalaman to ng karatig bansa natin siguradong digmaan naman ang magpapabagsak sayo" hidi siya sumagot,  tila nawawala na siya sa katinuan.

"Ahahaha, " bigla na lang itong tumawa ng malakas " Kaharian?, wala na akong pakialam dun, alam ko naman na talo na ako at ilang araw na lang ay ilalantad niyo na sa publiko ang mga lihim ko, hindi ba 't nakakuha na kayo ng matibay na ebidensya hhahaha " nababaliw na talaga siya."Wala na!  Sira na lahat ng pinaghirapan ko at lahat ng yun ay dahil sa inyo! mga pakialamerong prinsesa at prinsipe! "  lumapit ito sa akin at pinisil ang magkabila kong pisngi.

"N -nasasktan a-ko " malademonyo na ang mga mata nito.

"Akala niyo ba hahayaan ko na lang mangyari yun, kung babagsak din naman ako, isasama ko na kayo sa impyerno, nakalimutan niyo atang halos lahat ng kawal dito ay tagasunod ko" wala na ang dating kalmadong sarili nito.

Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa pisngi ko. Hindi ako makapagsalita ang titig niya ay nagdudulot ng matinding kilabot sa akin mabuti na lamang at binitiwan niya na rin ako.

"Dahin niyo na yan sa sentro ng bayan,itali at wag pakainin o painumin "bumalik na ang pagiging kalmado ng boses nito.

Gusto ng lumabas ng mga luha ko sa labis na takot ngunit pilit ko itong pinipigilan, hindi pwedeng makita niya ang kahinaan ko.

Maya maya pa ' y piniringan na ang mga mata ko at tanging kadiliman na lang ang aking nakikita.

-----—----------—--------------———-—--

Titania's P.O.V.

Naghintay muna kami ni Orphen ng ilang sandali, kailangan naming malaman ang tunay na nangyayari.

"Anong gagawin natin siguradongg nasa panganib na sila" halatang alalang alala na si Orphen.

"Magmatyag muna tayo, wala tayong magagawa sa dami ng mga kawal na iyan, mukang nilabas na ng duke ang lahat ng mga tauhan niya."hindi namin napaghandaan ang mga bagay na ito.

"Itali daw ang babaeng yan "may biglang dumating at siguradong may kasama silang bihag na kasalukuyang itinatali sa entablado sa gitna ng bayang ito.Hindi ko ito gaanong makita sa dami ng kawal na nakapalibot dito.

Ngunit ng magsibaba na ang mga ito sa entablado ay malinaw na kung sino iyon.....si....Lamia...nakatali siya at nakapiring ang mga mata. Pinigil ko ang sarili ko para sumugod pero si Orphen ay tila hindi na makapagpigil akmang tatayo na ito ng hawakan ko ito sa braso saka umiling." Hindi tayo pwedeng sumugod"

"Pero si Lamia...."

 "Babalik muna tayo sa Noria, kailangang maipaalam natin sa ating mga kasama ang mga nangyayari upang makagawa tyo ng magandang plano, sa ganung paraan may pag - asang mailigtas natin sila.

Nakita ko ang pagluwag ng pagkakahawak niya sa kanyang espada. Masakit din sakin na makita ang kaibigan ko sa ganung kalagayan at wala akong magawa.

-----------------------------------------

yan na po ang kadugtong

malapit na siyang matapos hahahhaha saka may special chapter pala .....baka sa sat. ko ma i post......pero iibahin ko siya ng book parang one shot lang ganun..

thanks for the support

vote and comment......

thanks

thanks

thanks

As Being A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon