Chapter 22

250 6 0
                                    

3rd Person P.O.V.

Napakangiti si Kalix nang mamataan niya ang dalawang aninong sumusunod sa kanila.Maingat ang mga itong nagmamatyag sa kanila habang sila'y naglalakad sa pasilyo pabalik ng kulungan.Medyo madilim na dun dahil hindi ito gaanong nasisikatan ng araw.Binilang ni Kalix ang mga bantay sa isip niya.

Isa...dalawa...tatlo...sampu,sampu lahat.

Ngumiti muna siya bago niya hinampas ng kamay niyang nakabigkis pa rin ang katabi niyang kawal.Naalarma na ang iba.Mabilis niyang sinipa ang isa pang kawal sa may kanan niya.Sabay-sabay na sumugod ang mga kawal papunta sa kanya,sinabayan ito ng paglitaw ng dalawang aninong nakasunod sa kanila.Kapwa sila may takip sa bibig.Isang babae at lalake na agad sumugod sa mga kawal na papunta sana kay Kalix.Naglabas na ang mga kawal ng kani kanilang espada ngunit halatang mas bihasa ang dalawa dahil sunod sunod nitong napabagsak ang mga kalaban ng hindi man lang hinuhugot ang kanilang sariling espada sa lagayan.

''Tatayo ka na lang badyan,tara na at baka marami pang dumating''aya ng lalake kay Kalix na agad naman niyang sinangayunan.

Mabilis silang tumungo sa isang kuwarto sa palasyo.Hindi naman naging mahirap dahil walang mga bantay sa dinaanan nila.Lahat ay ayon sa plano.

 ''Magpahinga ka na muna a magbibihis lang kami''ani ng lalake pagpasok nila kuwarto at tinanggal na rin nito ang takip sa bibig.

''Ligtas ka naman dito prinsipe Kalix kaya wag kang mag-alala,sige una na muna akong magbihis''sabi naman ng babae na tumungo agad sa silid palitan.

Naiwan dun ang lalake at si Kalix.

''Kailangan mo din palang umalis mamaya''ani ng lalake.

''Tss alam ko yun Alex,hindi mo na kailangang ipaalala,ang isipin mo ay wag sanang sumabit si Orphen''humiga si Kalix sa kama at pumikit.

''Inayos na namin ang lahat kaya't walang maghahanap sayo dito sa kuwarto mo,mag ingat ka lang''

''Hayts,oo,oo na,kaya ko sarili ko,nga pala,si Lamia?,kamusta?,kailangan ba niya talagang ikulong kagabi''halata ang pag-aalala nito

''Kailangan,para isipin ng lahat na hindi talaga siya kasama sa pagrerebelde ni Dylan at biktima rin siya''

Tumango tango si Kalix na pahiwatig na naiintindihan niya ang lahat.Lumabas na rin si Asha,isang simpleng damit lang din ang ipinalit nito.Sumunod ring nagpalit si Alex.

''Sige mag iingat ka na lang dito,kaya mo na ang sarili mo deh ba''pagpapaalam ni Alex na marahan pang tumawa.

''Prinsipe Kalix,basta mamaya ah,asahan mo na lang si Orphen.''si Asha.

''Sige,sige umalis na kayo”

 Naiwang mag-isa si Kalix sa kanyang kuwarto.Kinapa kapa niya ang mesa sa gilid niya at kinuha dun ang isang librong palagi niyang binabasa.Hindi niya namalayan ang oras at napapikit siya hanggang tuluyang makatulog.

Kalix”s P.O.V.

 Pagkagising ko gabi na!Ganun ba ako katagal natulog.Nagunat unat muna ako,parang inaantok pa ako eh.

Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng kuwarto ko.Patawad,pero kailangan ko nang umalis,hindi ko alam kung magkikita pa tayo ulit.

Naligo muna ako at nag-ayos ng sarili.Aba!hindi ko alam kung kailan ulit ako makakaligo.Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.AWWW Ang guwapo ko talaga!Sayang,sayan,hindi ko na magagamit.

Ang tagal naman nina Orphen.Inayos ko na lang muna yung mga dadalhin ko.

TOK

TOK

As Being A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon