Kalix’s P.O.V.
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko.Asan ako?,medyo malabo pa ang paningin ko.Sinubukan kong tumayo pero bumagsak lang ulit ako at kumirot pa ang sugat ko sa balikat.Kinapa ko ito.Sinong gumamot sa akin,nakabenda na kasi ito ng tela.
''Gising na po pala kayo mahal na prinsipe''pamilyar sa akin ang boses kaya nilingon ko ito.Medyo malabo pa rin ang aking paningin ngunit naaaninag ko siya na nakasandal sa pader ng kweba,tama nasa kweba nga kami.
''T-titan,ikaw ba yan''
''Oo''
''Paanong narito ka?''
''Nabalitaan ko ang nangyari sa iyo kaya nagpunta ako sa palasyo para kumpirmahin ang nangyari dun sa teatro,at nakita ko ang kasama mong lalake dati,kasama pa nito si haring Dylan''
''May sinabi ba sila sayo''
''Wala, pinasundan ka lang nila sa akin''
Ito ang gusto ko kay Titan,hindi sya palatanong,kapag inutusan mo siyang protektahan ako gagawin niya kahit hindi niya alam ang dahilan.Kahit ano basta alangalang sa akin.Nakilala ko siya sa pagagala ko at yun ang oras na susuko na siya sa buhay niya dahil yun din ang araw na namatay ang kanyang ina,ang natitira niyang pamilya.Aksidenteng napadaan ako sa likod ng bahay aliwan at nakita siyang magbibigti,syempre hindi kaya ng konsensya ko ang makakita ng ganun karahas na pangyayari ay pinigilan ko ito.Nalaman niyang prinsipe ako kaya agad siyang sumunod.Pinangako niya sa aking iaalay niya sa kaligtasan ko ang pangalwang buhay niya.
Nalaman ko nun na bihasa pala siya sa pagiging pakikipaglaban at matalino din siya pagdating sa pag-eespiya,kailangan daw kasi yun sa dati niyang trabaho bilang magnanakaw.Inaya ko siyang magtrabaho sa palasyo ngunit tumanggi siya,mababang nilalang daw siya.Nagdesisyon siyang manatili sa bahay aliwan bilang tagasilbi.Ngunit may isa pa siyang trabaho,siya ang aking tinatagong kawal.
''Gaanong katagal na akong tulog?''
''Dalawang araw''
''ANO!''sa pagkabigla ay napabalikwas ako ng bangon,kaya't kumirot ulit ang sugat ko
''Ano ng nangyayari habang tulog ako''ang daming nasayang na oras.
''Kumilos na ang duke''Pinilit kong tumayo muli.
''Kailangan ko nang kumilos,tara na marami ng nasayang na oras'''
'Kung yun po ang nais niyo''
Lamia’s P.O.V.
Nararapat lamang na kumilos na ako ngayon upang matapos na ang misyon ko.Napakabilis naman ata,halos mapatumba na ulit ni duke calisto ang hilaga at silangan sa loob lamang ng dalawang araw.Kuhang kuha niya talaga ang simpatya ng mamamayan sa pag-aakalang siya ang bayani,tss hindi nila alam pinaiikot lamang sila nito.Pinaniniwala sa mga kasinungalingan.
''Mahal na reyna pinapatawag po kayo ng hari''tawag sa akin ng isang kawal.Agad akong lumabas at nagulat ako ng bigla nilang binigkisan ang aking mga kamay.
''Ano to?!,bakit niyo ako binigkisan?’'
''Utos po ng hari''.
Dinala nila ako sa hardin.Naroon si Dylan,umiinom ng tsaa sa lilim ng gabi.Mag-isa na akong pumunta sa kanya at naupo sa katapat na upuan.
''Ano nang nangyayari''mahina kong tanong.
Bumuntong hininga siya bago sumagot.''Napasok na ang kanluran''
''Napakabilis naman ata,hindi niya ba naisip na magiging kahina hinala sa mga mamayan na hindi man lang makalaban ang mga kawal mong tulisan at madaling nabawi ang mga kaharian''takang tanong ko.
BINABASA MO ANG
As Being A Princess
Fiksi SejarahPumunta siya sa palasyo para makita ang minamahal niyang prinsipe lahat planado na niya : Kung paano niya ito aakitin at kung paano siya magmamaganda.Ngunit hindi ang prinsipe ang nakita niya dito kung hindi ang nakakairita nitong kapatid na kabal...