Chapter 29

234 7 0
                                    

Orphen's P.O.V.

Matapos malaman ang nangyayari ngayon sa kanluran ay mabilis kaming bumalik ni titania sa Noria. Kailangan maipaalam na to sa lahat para makagawa na kami ng kilos.

"Bakit kayo bumalik kaagad?" Tanong ni reyna Lira.

" May nangyari sa palasyo, ipinasa yun ng duke, ginamit niya lahat ng mga kawal na pumapanig sa kanya, si Lamia ..... si Lamia..... masama ang lagay niya. " habol hiningang paliwanag ni Titania na halata ang kaba, maging ako ay ganun din ang nararamdaman.

"Anong ginawa nila kay Lamia? " halatang nag - aalala na rin si Dylan.

Tiningnan ko si Kalix. Alam ko nakikinig siya pero nagkukunyaring parang walang pakialam.

"Itinali siya sa sentro ng bayan, hindi pinapakain o pinapainom, mukang ginawa siyang bihag " paliwanag ko.

Biglang napatayo si Dylan "ANO!  mga hayop silang lahat -— a-ah " ngunit napabalik din sa pagkakaupo ng kumirot ang kanyang sugat."Kailangan nating pumunta dun "

"May problema, wala tayong sapat na pwersa upang sumalakay dun " ani Titania. Kunsabagay tama siya.

"May mga pribado akong kawal, ngunit sa tingin ko, hindi pa rin sasapat yun." Suwestyon naman ng marquis.

Natigil kami sa pag - uusap ng biglang tumayo si Kalix.

"Pasaan ka?  " tanong ko.

"Dyan lang magpapahangin"

Wews, alalang alala na yan kay Lamia, ayaw lang umamin.

"Talagang si Kalix walang paki " ngitngit ni reyna Lira ng makaalis na si Kalix. Hay,  kung alam lang nila.

Pero,  teka, mukang may ibang iniisip yung si Kalix ah. Patay na!

--------/--------/-----------—-----------

Lamia 's P.O.V.

Bilog pala ang buwan, mabuti naman at may tanglaw sa akin ngayong gabi,idagdag pa ang mga bituing napakaganda.

Halos limang araw na akong nakatalu dito. Hindi pinapakain o pinapainom man lang, gutom na nga ako eh.

Halos hindi ko na rin maramdaman ang mga latay ng mga sugat sa aking katawan dulot ng mga hampas ng latigo tuwing umaga.

Alam ko naman ang dahilan nila kung bakit hindi pa nila ako pinapatay,dahil isa akong pain para mahuli ang iba ko pang kasama.

Hindi naman masakit ang mga sugat,  ang masakit ay.............

NAGUGUTOM NA AKO!

Hindi, biro lang.

Ang totoong masakit para sa akin ay ang posibilidad na mapahamak ang mga kaibigan ko ng dahil sa akin.

Ayaw kong mangyari yun...pinikit ko ang mga mata ko, sana sa kalaliman ng gabing ito ay may mangyaring himala.....sana kalimutan na lang nila ako at mamuhay ng masaya.....

----—-----------------/--------------------

Dylans ' P.O.V.

Inis na ako sa sarili ko. Si Lamia at ang iba pa ay nasa panganib at heto ako at walang magawa.

Ang akala ko umaayon na ang lahat sa plano, ngunit sa mga ganitong pagkakataon pala nakakagawa ng padalos dalos na kilos ang dukeng yun. Wala na siyang pakialam kung anong mangyayari sa huli. Gusto niya lang kaming mamatay.

Isa na lang ang magagawa ko ngayon, ang umisip ng taktika. Umalis na si marquis Morato upang tipunin ang mga kawal niya, si Titania naman ay naghahanda na sa pagsugod.

As Being A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon