As Being A Princess

2.9K 40 11
                                    

Prologo

TOk

Tok

Tok

Isang mahinang katok ang aking narinig sa aking pintuan

“Sino yan?” tanong ko.

“Mahal na prinsesa , pinapatawag po kayo ng mahal na hari “

“Ano na naman ang kanyang kailangan?” May kailangan na naman ba siya sa akin. Ipinasabi ko na sa kanya na ayaw ko minang makatanggap ng mga manliligaw sa araw na ito.

“Isang paanyaya daw po ang dumating mula sa plasyo sa kanluran”

Paanyaya? Mula sa kaharian sa kanluran.

Napatayo akong bigla ng marinig ko iyon.

Waaaaaaaaaaaaa Gusto kong magtatatalon at maghihhiyaw

AYIEEEEEEEEE

Inaanyayahan ba ako ng prinsipe?

“Sandali magbibihis lang ako”

-----------------------------------------------------------

Nagdudumali akong makapunta sa silid aklatan naroon kasi ang aking amang hari at naghihintay. Naroon siya at nakaupo sa kanyang upuan.

“Amang hari pinatatawag mo daw ako?” Yumukod ako ng malalim.

“Oo, at siguradong matutuwa ka sa ibabalita ko sa iyo”

“Talaga ama” kahit kalian isa talga siyang mapagmahal na ama sa akin na lahat ng layaw ko sinusund niya.

“Inaanyayahan ka ng mahal na reyna na magtungo sa kanilang palasyo , bata ka pa ng huli kang pumunta dun “ Binigyan niya ako ng isang malapad na ngiti Kahit matanda na ang aking ama kapag ngumingiti siya bakas pa rin ang maganda niyang mukha.

Oo nga pala matagal tagal na rin ang mga panahong yun. Magkaibigang matalik kasi ang aking ina at ang Reyna ng Kanluran. Naalala ko yung araw na minsan kaming dumalaw sa kanilang palasyo . Yun ang unang beses na nakita ko ang mahal na prinsipe, bata pa ako noon at syempre bata pa rin siya pero naramdaman ko na agd ang pagkabighani ko sa kanya. Alam ni ama ang pagtatangi ko sa mahal na prinsipe at syempre suportado niya ako.

“Oo, mga tatlong buwan ka du, alam mo naman na ang mahal na Reyna ay walang anak na babae kung kaya’t pinagbabakasyon ka nila dun ng matagal tagal”

“Tatlong buwan hindi po ba kayon nagbibiro?”

Lalong lumapad ang ngiti ko akala ko simpleng pagdalaw lang ang aking gagawin dun. Tatlong buwan sapat nay un para mapansin ako ng prinsipe at mapalapit ako sa kanya.

“Hindi ako nagbibiro aking prinsesa , ihanda mo na ang iyong mga gamit dahil bukas na bukas ay aalis ka na”

Ano kayang mga hakbang ang maaari kong gawin para mapalapit sa aking mahal……..

As Being A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon