Chapter 23

253 7 0
                                    

Malapad na ngiti ang sumalubong sa akin ng makarating ako sa lugar ng mga Yewn.

''Ikinagagalak ko po ang pagdating niyo''wika ni Lina,yung batang tinulungan dati ni Lamia.

''Salamat''sagot ko.

''Ayos lang po ba si ate Lamia?''tanong nito

''Oo,naman” sagot ko ulit pero yun din ang nasa isip ko,ayos lang ba talaga siya?.

Naayos na ang mga kabahayan nila ngunit hindi pa tuluyang naaalis ang bakas ng nangyaring sunog.Ang lalakeng tinulungan namin ay siya palang namumuno sa tribu namin kaya naman ng humingi kami sa kanila ng tulong ay hindi na sila nagdalawang isip.

''Maraming salamat sa pagpapatuloy niyo sa akin dito ginoo''pagpapasalamat ko dito ng nakapagusap kami sa loob ng kanilang tahanan

''Maliit na bagay lang yun kumpara sa buhay ko at sa buhay ng aking anak''tugon nito.

''Pero alam naman ninyo ang mangyayari kapag natagpuan nila ako dito,madadamay kayo''

''Matagal na kaming damay sa laban ni Calisto,isa kaming rebelde hindi ba,ang sunog na nangyari alam naming si Calisto ang may pakana nun''

''Huwag kayong mag-alala gagawin namin ang lahat upang matigil na ang kasamaan nila''

''Natutuwa ako na sa panahon ngayon ay may matatapang ng lumaban sa kanya''ininom nito ang laman ng kanyang baso na kakaibang likido,tiningnan ko yung baso ko,nakakadiri ayaw kong inumin.

''Inumin mo na yung iyo,baka lumamig pa iyan''napansin niya ata yung kakaiba kong tingin sa baso.

''A-ah O-oo''pilit kong nilunok yung laman,inubos ko talaga,basta tuloy tuloy lang para hindi ko malasahan.

As Being A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon