Chapter 16:Dylan

344 8 0
                                    

Dylan’s P.O.V.

Napakalungkot ng gabi,tila nakikiluksa din sa akin.Isang mahalagang araw sana ito sa akin at dapat nagsasaya ako.Pero ito din ang araw na sana hindi na dumating dahil dito nagsimula ang aking bangungot na hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos.

Flashback

Nagulat ako ng biglang napadalaw sa kaharian sina Orphen at Kalix.Bihira kasi silang pumunta dito at hindi pa nila kasama ang mga reyna.

 

''Ikasampung kaarawan mo sa susunod na araw kaya dumalaw kami dito''masayang sabi ni Orhen''

 

''Nag-abala pa kayo,eh hindi nga rin ako nakapunta sa mga kaarawan niyo''sagot ko.

 

 

''Tsk,pinilit lang ako ni Orphen,saka si ama andito''sabi naman ni Kalix.

 

Niyakap ko silang dalawa sa tuwa.''Salamat ah,at hindi niyo ako nakalimutan''

 

Taon taon ay isang magarbong kasiyahan ang nagaganap upang ipagdiwang ang kaarawan ko,ngunit ang taong ito ay kakaiba.Wala akong naririnig tungkol sa paghahanda,kahit na tatlong araw na lang ay kaarawan ko na.

 

 

''Siguro isang malaking sorpresa yun''suwestyon ni Orphen ng sabihin ko sa kanila ang agam agam ko.

 

 

''Baka naman nakalimutan''pag si Kalix talaga puro negatibo.

 

 

Wala kaming magawa sa palasyo dahil abala ang lahat sa di malamang dahilan at pinagbawalan pa kaming maggala.Kaya lagi na lang kaming naglalaro ng taguan.Minsa'y nagtago ako sa isang silid na hindi ko napansin kung ano at di ko sinasadyang makita si ama at ina na nag-uusap.

 

''Ibibigay mo na lang ba sa kanya ng ganun ang kaharian,eh ano kung marami siyang koneksyon. eh ano kung nasa panig niya ang konseho,ikaw ang hari ang salita mo ay batas'' sumilip ako sa kurtinang pinagtataguan ko at nakita ko kung gaano kagalit si ina habang si ama ay nakayuko lang.

 

 

''Kapag hindi ko ginawa yun ay maraming madadamay na tao,isang kaharian lang naman ang hinihingi niya na dapat ay sa kanya naman talaga''

 

 

''Alam mo ang sikreto niya deh ba,bakit hindi mo ibunyag sa lahat para matigil na siya?''

 

 

''Alam mong hindi maaari,hindi lang siya ang masisira,kung hindi ang buong angkan natin''

 

 

Magulo.Masyadong magulo ang pinaguusapan nila,ni ko nga maintindihan.Pinili ko na lang magtago dun at hintayin silang lumabas bago ako umalis sa pinagtataguan ko.

As Being A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon