Chapter 21

263 8 1
                                    

Lamia’s P.O.V.

Napakalungkot ng gabing iyon para sa akin at tila napakatagal.Ramdam ko ang lamig dito sa kulungan.Ibang-iba kaysa sa sarili kong silid.Sumulyap ako sa katapat kong kulungan.Tulog na ata si Kalix,tsk,sanay sa mga ganito eh.

''Argh,hindi ako makatulog,ano ba to!''

Ay takte,sibuyas,kabayo,kalabaw!Nagulat naman ako ng biglang magsalita ni Kalix.Ang lakas ng boses eh.

''Hoy Lamia gising ka pa ba''Wala akong narinig,niyakap ko pa ng mahigpit ang mga tuhod ko at yumukyok dun.Tulog na ako

 ''Wag ka ngang magkunyaring tulog dyan,kanina pa ako gising at kanina ka pa di mapakali dyan''

Iniangat ko na ang ulo ko at inis na tumingin sa kanya.

''Oh,ano?''

''Hindi ka din ba makatulog?''

''Uhm''yun lang yung sagot ko,wala akong ganang makipagtalakan sa kanya.Niyakap ko na lang ang tuhod ko ng mas mahigpit.Ang lamig talaga.

''Nilalamig ka ba?''

''Uhm''

''Hindi mo kinain yung pagkain kanina,hindi ka ba nagugutom?''Nakakadiri naman kasi kainin yun eh.

''Uhm''

''Ano ba uhm ka ng uhm, wala ka na bang masabi ha?''halatang iritado na siya.

''Uhm''sagot ko ulit.Totoo naman eh,wala akong masabi.Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.Ang kulit niya kasi eh.Kung ano ano tinatanong.

Nanahimik siya saglit pero nagsalita din maya maya.''Kung hindi ka makatulog tumingin ka muna sa langit,may mga bituin dun''

''Walang bituin ngayon''sagot ko.

''Tanga ka ba ah''pinapainit niya ba ulo ko.

''Sinong tanga ah?!''

''Hindi naman nawawala ang mga bituin eh,natatakpan lang minsan ng ulap pero andyan pa rin yan,siguro may paparating na bagyo kaya wala sila ngayon pero bukas makalawa,andyan na sila ulit,san ba napunta utak mo ah''Oo,tama siya.Lumingon ako sa maliit na bintana,

''Ano naman gagawin ko sa mga bituing hindi ko naman nakikita?''tanong ko dito.

''Bilangin mo''

''Ha?,paano ko bibilangin hindi ko naman nakikita?''

''Tss,unang beses mo bang tumingin sa langit ah?,aalahanin mo na lang kung saan nakalagay yung mga bituin yun,saka mo bilangin''

''Hirap nun ah''

''Eh deh wag mong gawin hindi naman kita pinipilit''Hayy naku,kainis lang kausap.

 ''Makabigay ka ng takteka kung pano makakatulog ah,ikaw nga rin dyan hindi makatulog eh''

''Hinihintay kitang matulog''

''H-ha?,b-bakit naman?''

''Baka kasi makita ko kung pano ka nakakapangbuwisit sa panaginip ko,alam mo na hinuhuli lang kita sa maaari mong gawing mga orasyon''

''Nang-aasar ka ba ah?''

''Nagsasabi lang ng totoo''Tumahimik na lang ako,hindi kami dapat nag-uusap ng mga walang kwentang bagay ngayon.

''Meron pa palang isa kaya di ako,makatulog''nag-ingay na naman ang walang magawa.

''Ano?''sinagot ko na lang baka mapahiya eh.

''Pag natulog ako,bibilis ang oras at siguradong pagising ko wala ka na''

Lumingon ako sa kanya.Nakaupo lang siya at nakasandal,habang nakapatong ang kanan niyang kamay sa nakataas niyang tuhod.Hindi ko maaninag ang mukha niya kasi natatakpan yun ng buhok.Gusto ko sana siyang tingnan eh.

As Being A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon