Kalix’s P.O.V.
Tama lang naman lahat ng sinabi ko sa kanya,mas makakabuti kung wala siyang alam at wag nang makisali pa.Mas masasaktan lang siya at mas mahihirapan siyang tanggapin ang mga mangyayari.Argh,ang tigas kasi ng ulo.
Pinagmamasdan ko ang pintuan ng kuwarto niya.Kakatok ba ako o hindi.Buong araw ko siyang hindi nakita.Siguradong nag-iiyak yun sa mga nalaman niya kahapon-ang mga trahedyang pwedeng mangyari.
Tss,para akong tanga dito.Ano naman kaya ang sasabihin ko?,na magiging maayos ang laha?t,Phew.kasinungalingan,ah alam ko na!sasabihin ko na lang na kung natatakot siya eh deh tumakas na siya.
Hindi gumagana ng maayos ang isip ko ngayon,makaalis na nga lang.
''Anong ginagawa mo diyan'' nanlamig ako sa kintatayuan ko ng marinig ko ang boses niya.
''L-lamia,b-bakit ka nasa labas a-akala ko n-nasa loob ka''bakit sa lahat ng oras ngayon pa niya ako nakita,yung parang tanga akong nagiisip kung kakausapin siya o hindi tapos nagagala pala siya sa labas.
''Naglilibot libot ako,uy yung tanong ko,bakit ka nakatayo dyan,may sasabihin ka ba?''Tss,nakakairita siya,inayos ko yung tayo ko at tiningnan siya ng maigi,parang hindi naman siya umiyak.
''Napadaan lang ako''
''Napadaan,eh parang kanina ka pa dito ah''
''Tss,ang dami mong tanong,sige alis na ako''Inilagay ko yung dalawa kong kamay sa bulsa at inis na umalis.
Lamia’s P.O.V.
Ano kayang kailangan nun.Napadaan,pero kanina pa siya dito.Magkakalahating oras ko na nga siyang tinitingnan at inaantay kung anong susunod niyang gagawin.Parang tanga lang siya.
Pumasok na ako sa loob at nag-ayos ng sarili.Parang gusto ko munang magpahinga,kagabi pa ako walang tulog kakaisip nang mga yun.
Naging malinaw ba ang lahat o parang naging mas magulo lang.
-------------------------------------------------------------------
''Kailangan ko nang bumalik sa kanluran,mahal kong prinsesa,magpapadala na lang ako ng mensahe''Pagpapaalam ni Prinsipe Dylan.''Aayusin ko pa ang tungkol sa kasal''dugtong pa nito.
''Mag-iingat ka''tugon ko.
''Sabi ko tanggalin mo yung mahal sa mahal kong prinsesa''singit ni Kalix,walang matinong masabi.
''Hahaha,oo nga pala,sige dina mauulit,bantayan mo yang prinsesa mo ah''pinagsasabi nitong si Dylan,nahawa na ba ng kabaliwan kay Orphen.
''U-uy,p-pinagsasabi m-mo,para kang tanga''singhal ni Kalix,siya nga mukang tanga.Lumapit pa ito kay Dylan at parang may ibinulong.Tatawa tawa pa si Dylan kahit mukang inis na si Kalix.
''Hoy anong pinaguusapan nila''siniko ko si Orphen sa tabi ko na halatang nagpipigil ng tawa.
''Aba,ewan ko,hindi ko naman narinig''sagot niya.''UY SALI AKOOO!!''tumakbo ito papunta kay na Kalix at inakabayan sila.
Kahit nagkukunyaring naiirita si Kalix sa ginawa ng kaibigan ay kita pa rin ang kasiyahan sa mukha niya.Sa mga mukha nila.Ito ba ang tunay na sila.Ngayon ko lang silang nakitang ganito at sana hindi ito ang huli.
Orphen’s P.O.V.
Hahahaha,nakakatawa yung ginawa ni Dylan kanina,ibuko ba naman yung sikretong kahit si Kalix mismo ay hindi alam.Nakakatawa yung itsura niya Pfft.Halatang halata na kasi,ayaw pang umamin,kahit sa sarili na lang.Ah alam ko naman kung bakit.......Hindi niya kasi ako kasing guwapo HAHAHAHA.

BINABASA MO ANG
As Being A Princess
Fiksyen SejarahPumunta siya sa palasyo para makita ang minamahal niyang prinsipe lahat planado na niya : Kung paano niya ito aakitin at kung paano siya magmamaganda.Ngunit hindi ang prinsipe ang nakita niya dito kung hindi ang nakakairita nitong kapatid na kabal...