Kalix’s P.O.V.
Pagkagising ko nandito na ako sa kulungan.Madilim kahit ng mukang umaga na at may mga rehas na nakapagitan.
''Pare buti gising ka na,kung anu ano naman kasi ang pinagagawa mo eh''litanya agad sa akin ni Orphen pagbangon ko.Nasa labas siya ng rehas.
''Si Lamia''tanong ko.
''Ayos lang siya kung alam mo lang kung anong ginawa niya kagbi,aish,parehas kayong sakit sa ulo''
''Ha?,bakit ano na naman ang ginawa niya?''Takte talaga yung babaeng yun oh.
''Sinapak lang naman niya ang prinsipe''
''ANO?''grabe naman talaga,isa siyang ginagalang na binibini tapos nagawa niya yun sa harap ng mga maharlika.
''Oo,at wag ka nang maginarte parehas lang naman kayo,ah,palalabasin ka din pala mamaya,gumawa ng paraan si Alex para di na lumaki ang gulong ginawa mo''
''Kahit hindi niya gawin yun,kaya kong makalabas dito''
''Sige pare una na ako,mag usap na lang tayo mamaya''
Naiwan akong mag isa.AISH,bakit naman kasi nagpadala ako sa emosyon ko kagabi.At sa unang pagkakataon sumasang ayon ako kay Alex na dapat maging maingat ako sa mga kinikilos ko dahil hindi basta basta ang kalaban namin.
Lamia’s P.O.V.
Magmula kagabi hindi ako lumabas ng silid ko,nalaman ko din naman mula kay Asha na makakalaya na mamayang tanghali si Kalix.Ano bang katangahan kasi yung ginawa ko kagabi.Ano na lang ang sasabihin ng mga maharlika sa akin,na nawala na ang pagiging mabini ko?.Kasalanan to ni Kalix eh.
Pero hindi iyon ang problema ko ngayon,ang mas mahalaga ay ang tungkol sa kasal na kahit kailan hindi ako makakapayag.
TOK
TOK
TOK
''Sino yan''
''Ako to si prinsipe Dylan,maaari bang pumasok''tamang tama gusto ko siyang kausapin.
''Sige maaari kang pumasok''
''Ayos ka na ba mahal na prinsesa''
''Uhm''yun lang yung sagot ko.
''Wag mo nang alalahanin yung kagabi,pinapatawad na kita,saka maaaring nabigla kita,ganun din si Kalix na tila malapit mong kaibigan''malapit na kaibigan daw?Tsk tsk ,wala talaga siyang alam.
''Hindi ako humihingi ng tawad,kaya wala kang dapat na patawarin,kung ano ang ginawa ko kagabi hindi lang sa nabigla ako kung hindi dahil hindi ko nagustuhan ang ginawa mo''diretsahan kong sabi sa kanya,wala ng lugar pa para magkunyari akong mabait sa harap niya.
''Ang alin dun,dahil ba sa anunsyo o dahil sa pagdakip kay Kalix''
''Lahat mahal na prinsipe''
''Hahaha,iba ka talaga mahal kong prinsesa tama lang ako na ikaw ang napili kong pakasalan''lumapit pa to sa akin at hinawi ang buhok ko,agad ko namang tinabig ang kamay niya.
''Wag mo akong mahawakhawakan,at kahit kailan hindi ako makakasal sayo, hindi ko nga alam kung bakit ka nagpalabas ng ganung anunsyo gayong hindi mo pa man ako nakakausap,sinasabi ko sayo ngayon na mapapahiya ka lang''Tinitigan ko talaga siya habang sinasabi ko yun.
''Mahal na prinsesa kahit na ano pang gawin mo ay hindi ka na makakatanggi pa at makakalayo sa akin,dahil matagal ka nang akin''
''AT SINO ANG NAGBIGAY PAHINTULOT SAYO UPANG SABIHIN YAN''hindi ako makakapayag na isipin niyang pagaari niya ako.

BINABASA MO ANG
As Being A Princess
Historische fictiePumunta siya sa palasyo para makita ang minamahal niyang prinsipe lahat planado na niya : Kung paano niya ito aakitin at kung paano siya magmamaganda.Ngunit hindi ang prinsipe ang nakita niya dito kung hindi ang nakakairita nitong kapatid na kabal...