Chapter 20

278 8 0
                                    

Lamia’s P.O.V.

Medyo kinakabahan ako,hindi dahil sa kasal kung hindi sa mga mangyayari pagkatapos nun.Ilang oras na lang,magsisimula na ang lahat,simula na para tapusin ang lahat.Isang mahinang katok ang aking narinig.

''Bukas ang pinto,maaari kang pumasok''

''Lamia,ang ganda mo ngayon ah''si Titania pala.

Ngumiti ako''Nakakaasiwa nga eh,ganito ang ayos ko kahit mamaya lang alam naman natin kung anong mangyayari'

'''Ayos lang yun Lamia,ang isipin mo na lang ginawa natin yun para sa kapakanan ng maraming tao,aba pag si Haring Calisto na ang namuno sa pinag-isang kaharian,kaguluhan yun''pag-aalo nito sa akin.

''Tama,kailangan na natin siyang tapusin ngayon''naptatawa ako na parang nauuyam.''Matalino talaga si Dylan sa mga ganitong bagay''

''Tama na nga kabaliwan mo dyan at baka mahuli ka pa sa kasal mo''Tumango ako.Oo nga pala walang dapat na masayang na oras ngayon.

-------------------------------------

''HOA,Ang ganda mo ngayon Prinsesa Lamia''komento ni Orphen ng makita ako.

''Matagal na akong maganda''sagot ko naman.

''Prinsesa,prinsesa,ang ganda mo naman!''tatalon talon pa si Asha.Ngumiti lang si Alex sa tabi niya.

Iginala ko ang mga mata ko at may hinanap.Ang aga naman atang umalis ni Kalix.

''Tara na,wag na nating paghintayin ang mga bisita''Inanyayahan namin ang ilang mga kilalang tao sa bawat kaharian at maging ang ilang kasapi ng konseho.Nais namin silang makapanood ng magandang palabas.

--------------------------------------

Sa hardin idadaos ang aming kasal.Para tuloy akong dyosa nito,hehehe,hep,bawal matuwa ngayon.Simple lang ang ayos.Ang mga mesa ay nakakalat lang at natatakpan ng puting mantel,sa ibabaw ng mga ito ay may nakapatong na mga bulaklak.Natatakpan din ng puting tela ang mga upuan,at may dikoransyon din itong puting rosas. Isang pulang carpet ang gagabay sa akin papunta sa altar na napapalibutan naman ng mga Aster.Lahat ng bisita ay narito na,lahat sila ay nakaitim.

''Uy Lamia,tara na,andyan na si Dylan''aya sa akin ni Orphen na siyang maghahatid sa akin sa altaNakita ko naman si Dylan na paparating at tumatakbo,san kaya galing to.

''P-patawad may pinuntahan pa kasi ako''sabi niya kay Alex na siyang magsasagawa ng seremonya.

Tumugtog na ang orkestra.Hudyat yun na simula na ng kasal.Ikinawit ko ang aking kamay sa braso ni Orphen at nagsimula ng maglakad papuntang altar.Napakabanayad ng musika gayundin ng paligid.May mga paru-paro pang sumunod sa akin dahil sa bulaklak kong korona na ginawa kanina ni Alex.Sumilay ang mga ngiti sa mga labi ni Dylan ng malapit na ako,gumanti din ako ng ngiti na ito na ang simula saka ko inabot ang kanyang kamay.

----------------------------------------------------------------------

''At bilang pagtatapos,ibinibigay ko ang basbas ko sa inyo''Si Alex ang nagbigay ng basbas sa amin dahil wala ang mga hari at siya ang kumakatawan sa mga ito ngayon.Inilapat niya ang kanyang espada sa magkabilang balikat namin ni Dylan.

Narinig ko ang palakpakan ng mga tao.Sabay tunog ng kampana.

DINGDOOONG!

Humarap kami sa mga tao na nakangiti.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

BOOOM!

As Being A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon