Chapter 2
Kalix’s P.O.V.
Asar,asar at asar pa. Una may nakadiskubre ng lihim kong daanan,pangalawa nadapa ako, pangatlo nasampal ako ,pang-apat napagalitan ako ni ina at lahat ng yun ay dahil lamang sa babaeng hindi ko kilala!
Kasalanan ko ba kung tatanga tanga siya at hindi ako nakitang tumalon. Kasalanan ko ba kung hindi ko siya nakilala . tss asar lang.
At higit sa lahat kasabay ko pa siyang kumain ngayon ng hapunan. Partida magkatapat kami.
“Ayos ka nab a mahal na prinsesa “ tanong ni ina ditto.
“Opo maayos na po ang pakiramdam ko “ mahinhin niyang sagot. Kanina lang kung makapanglait parang demonyo tapos ngayon akala mo anghel. Impostora.
“Ang lampa kasi kaya ganun” tiningnan ko ito ng masama.
“Kalix magtigil ka nga” Saway na naman sa akin ni ina. “At isa pa,hindi ka pa nakakahingi ng paumanhin sa kanya”
Ano siya sinuswerte ,ang isang gwapong prinsipeng katulad ko hihini ng tawad.
“Hindi ako hihingi ng tawad sa panget na iyan”
Nakaramdam ako ng sipa sa binti.
“Aray, anong problema mo ah , bakit ka naninipa “singhal ko dito. Nakita ko naming kunyaring nagulat siya.
“A-ako? Mahal na prinsipe hindi ko alam ang sinasabi mo, ngunit paumanhin na rin” Artista ba siya. Ang galling niya eh.
Gustong gusto ko talagang ibato sa kanya yung kutsara ko kaso pinigilan ako ni Alex.
“Kalix,babae ang iyong kausap marapat lamang na galangin mo siya “ sabi nito
“Eh deh, ikaw na maginoo”
“Kalix,gumalang ka sa kuya mo “ ayan na naman si ina.
Eh deh pagtulungan niyo ako.
Sinubo ko na lang yung kutsara ko na punong puno ng pagkain.
Binaling ko din yung tingin ko sa impaktitang babae. Humanda ka sa aking papansin ka.
“Tss” sabi nito. At sa akin lang talaga pinakita.
Lamia’s P.O.V.
Kinilig naman ako ng ipagtanggol ako ni Prinsipe Alex sa demonyito si Kalix. Kasalanan naman niya kung bakit ko siya sinipa, sabihan ba naman akong panget.
“ O siya, Prinsesa Lamia ikaw na ang magbigay parusa sa kanya “ Pahayag ng reyna sa akin.
Iligaw siya sa gubat,ipakain sa buwaya,putulan ng kamay at paa. Yun sana yung gusto kong gawin pero hindi pwede. Baka sabihin ng aking mahal na prinsipe na napakbrutal ko.
BINABASA MO ANG
As Being A Princess
Fiction HistoriquePumunta siya sa palasyo para makita ang minamahal niyang prinsipe lahat planado na niya : Kung paano niya ito aakitin at kung paano siya magmamaganda.Ngunit hindi ang prinsipe ang nakita niya dito kung hindi ang nakakairita nitong kapatid na kabal...
