Chapter 7

418 21 10
                                    

Lamia’s P.O.V.

Habang binubuhat nila yung puno ay may narinig akong boses.Hindi yun malayo,alam ko may humihingi ng tulong.Medyo malayo rin itong lugar kung kaya't marahil ay walang nakakarinig dito.Hindi na ako nagpaalam at agad na umalis upang hanapin ito.

Habang lumilinaw ang boses ay parami din ng parami ang mga puno sa paligid ko na nagliliyab na.Ramdam na ramdam ko ang init at amoy ko na rin ang usok.

''TULONG''sa di kalayuan ay malinaw ko nang narinig ang tinig na galing ata sa isang batang babae.Nagmamadali kong tinakbo yung lugar na yun kaso lang may humaharang na tumbang puno na naglalagablab sa apoy kaya’t  di ko magawang makalapit.

''ASAN KA''sigaw ko

''TULUNGAN NIYO PO AKO ANDITO PO AKO''base sa pinanggalingan ng boses ay nandun siya sa kabila nitong puno.

Naghanap agad ako ng daanan upang makatawid dun at swerte naman at may isa pang bahagi dun na kaya ko pa namang tawirin,agad agad kung pinuntahan yun,naramdaman ko naman ang lalong pag-init , ang damit ko ay kinain na ng apoy na agad ko namang pinalis.Isang batang babae ang bumungad sakin na umiiyak habang nakaluhod ito at may hawak na tuta,agad ko tong nilapitan.Ang buong paligid namin ay naglalagablab na ng apoy na parang pader na.Uubo ubo na ang bata at tila di na makahinga kaya't iginiya ko na siya sa dinaanan ko kanina.Papalabas na kami sa lugar na iyon ng marinig akong parang babagsak at pagtingin ko sa itaas isang malaking puno ang tutumba sa amin,itinulak ko ang bata palayo ako naman ay napaatras kasabay nito ang marahas na paghampas ng puno sa lupa

''ATEEEEEEE,ayus lang po ba kayo huhuhu''narinig kong tanong ng bata sa labas

''OO UMALIS KA NA HUMINGI KA NG TULONG''

''O-OPO''saka ko narinig ang isang mabilis na takbo.Kulong na ako dito, ang nag-iisang daan palabas dito ay sarado na.Kahit san ako tumingin ay puro apoy,nagtataasang apoy.Mas pinili kong gumitna,ramdam ko na kasi ang init na para bang niluluto ako,ayaw kong mamatay ng inihaw.Umubo ubo na ako,parang nakapasok na ang usok sa baga ko,tila wala na rin akon hangin na nalalanghap at unti unti na ring nanlalabo ang paningin ko,katapusan ko na ba.....

Kalix’s P.O.V.

Hindi ko alam kung ano na ang nararamdaman ko ngayon,pagod,tensyon,kaba.Ang mga tao sa paligid ko ay hindi na rin magkandaugaga sa pagtakbo at pagapula ng apoy.Paminsan minsa'y nababanga ako ng mga to ngunit hindi ko na to pinapansin ang mahalaga sakin ngayon ay makita siya.

Asar naman kasi tong si Lamia at ngayon pa naisipang maggala.

Malayo layo na ako sa nagkakagulong mga tao,mas malaki na rin ang apoy dito nang di sa kalayuan ay may nakita akong batang babaeng tumatakbo na may dala dalang tuta,umiimyak itong lumapit sakin at hinawakan ang damit ko

''K-kuya tulungan niyo po ang babae dun''sabay turo sa pinagalingan niya kanina''Nakulong po siya sa apoy''pagpapatuloy nito.

Sa pagkakarinig ko nun isa lang ang pumasok sa isip ko,si LAMIA!Humarap ako sa bata na umiiyak pa rin at hinawakan ko to sa balikat

''ASAN SIYA''tanong ko dito,agad naman niya akong dinala sa lugar na tinanong ko.Ramdam ko ang mainit na apoy na ilang dipa lang ang layo samin.

Mahigpit kong hinawakan ang bata upang hindi ito mapalapit sa apoy.Maya maya'y tumigil kami sa tapat ng nagliliyab na apoy.

''Nakulong siya dyan''

Napatigil ako,kung dito pa lang ay napakainit na ano pa kaya sa loob,pinatiuna ko na ang bata upang humingi ito ng tulong at binilinang mag iingat ito.Ako naman ay sinilip silip ang paligid upan makakita ng daan ngunit wala,napapaligiran ito ng apoy na mula sa naglalagablab na natumbang puno,sumigaw na rin ako kung may tao ba dun, walang sagot.

As Being A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon