Chapter 28.5

270 6 0
                                    

3rd Person P.O.V.

Kinabukasan maagang gumising si Reyna Lamia para makipagkita Kayna Alex at Asha,at sobrang tiwa niya ng Makita ang mga ito sa hardin.

“Alex,Asha,mabuti naman at nandito na kayo saw akas may makakausap na rin ako “

“Sigurado akong bagot na bagot ka na ditto prinsesa ay este Reyna na nga pala,he,he,he” masayang tugon ni Asha.

“Ayo slang kahit anong itawag mo,Alex ,uhm.., mukang sumeseryoso ka ata ngayon ah,ayos ka lang ba?”

“Ah, oo, kakatapos ko lang kasing ikasatuparan ang mga sumunod na hakbang”

“Oo, Prinsesa, at galit na galit ang duke “

Napangiti si Lamia sa narinig” Muka ngang kinakabahan na ang duke”

“Tama, at sa tingin ko isa sa mga araw na ito ay gagawa siya ng marahas na hakbang na hindi natin inaasahan” Tila ba may inaalala ang batang prinsipe.

Naramdaman naman ng prinsesa ang nais nitong sabihin “ At kailangan nating paghandaan yun”

“Duke Calisto,anong ibig sabihin nito,bakit mo pinakilos ng biglaan ang mga kawal?” Halos hindi malamn ni Konde Sahiro ang gagawin ng malamn niya ang balita. Bakit bigla na lang kumilos  ang Duke ng wala sa plano.

“Gusto ko nang wakasan ang labang ito “ ang sagot ng duking kasalukuyang nagbabasa ng libro.

“Ngunit…alam mo ang mangyayari…hindi ka rin magtatagumpay”

“Wala na akong pakialam sa kakahinatnan,basta mapatay ko lang silang lahat”

Kinalibutan ang konde sa narinig,lalo na sa mga mata ng duke na bagamat malamlam ay naglalagablab naman sag alit. Napailing na lamang ito,alam niyang nawawala na to sa katinuan.” Nababaliw ka na” mahinang sambit niya.

“MAHAL NA PRINSESA GUMISING KA!!!!!!!!” Pinagkakalampag ng hukom ang pinto ng silid ng prinsesang natutulog ngayon sa kalaliman ng gabi.

Naalimpungatan ang prinsesa at nakaramdam ng kaba.Ano naman kaya nag nangyayari at tila nagmamadali ang hukom.

Mabilis siyang bumangon at binuksan ang pinto” Bakit,anong nang----“

“Magmadali ka,tatakas tayo”

“Tatakas?”

“Biglang pinasara ng duke ang palasyo, at ngayon marami ng kawal  na nasa pamumuno niya ang nagkalat sa buong kaharian, may masama siyang balak”

“Paanong nangyari yun,ako ang reyna, ako lang ang makakapagpasara ng palasyo?”

“Mas marami siyang kapanalig kaysa sa atin, wala ng oras magpalit ka ng damit at magdala ng mahahalagang gamit”

Sumang ayon na lang ang prinsesa kahit na naguguluhan pa rin siya.Mabilis siyang nagpalit ng simpleng kasuotan  at isinukbit ang kanyang espada. Dinala niya rin ang ilang gamit na magagamit nila sa pagtakas huli niyang nilagay ang librong binigay sa kanya ni Kalix.Tatapusin ko pa ang pagbabasa nito.

Lumabas siya sa kanyang silid at muling humarap sa hukom.

“Handa na ako”

Maingat na nagkubli si Alex sa likod ng dingding at binabantayan ang mga kawal na naglilibot nagyon sa pasilyo. Alam niyang sila ang hinahanap ng mga ito. Kani kanina lang ay may iilang sumugod sa silid niya ,kamuntik na nga siyang mapatay habang natutulog mabuti na lamang at nagising siya at dumating si Asha.

“Mukang labis na natakot ang duke at gumawa na siya ng marahas na hakbang”bulong ng prinsipe sa kasamang knight.

“Sana nga’t ligtas pa sina Lamia”

Dahang dahang lumapit si Alex sa nakatalikod na kawal at sinugod ito, madali nitong napabagsak ang isa  gayundin ang kasama nito na si Asha naman ang nagpatumba.

Kailangan nilang makasalubong si Lamia pagliko sa pasilyo.Ngunit sa harap nila ay may humarang na agad na napakaraming kawal at kahit na labanan nila ito ay wala silang magagawa,napakarami nito kumpara sa kanila. Sinubukan nilang bumalik  at pumihit sa likuran ngunit may humarang muling mga kawal,higit pa sa ikinagulat at ikinatakot nila ay hawak ng mga ito si Lamia at ang hukom na parehing walang malay.

May kadugtong pa yan….hahhahha hindi ko natapos pero post ko na rin kasi baka next week pa ulit ako makapagtype,medyo busy din….

Thanks sa support…

Ano nga bang pangalan ng hukom? Meron ba? Hahaha nakalimutan ko na kasi…

Vote and comment…..

As Being A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon