Lamia's P.O.V.
Maganda,
yun lang yung nasabi ko ng mapagmasdan ko ang sarili ko sa salamin.Isang puting gown ang suot ko ngayon,na may nakaburdang puting bulaklak.Mas lalo pa akong pinaganda ng suot kong tiara.
Ilang minuto na lang at magsisimula na rin ang kasiyahang para daw sa akin.Lalo akong natatakot sa kung ano ang pwedeng mangyari.
Tama kaya ang hinala ko na ang prinsipeng ito ay isang kaaway na dapat pangilagan?
TOK
TOK
TOK
"Uy Lamia,bilisan mo dyan"
"Wag ka nang magpaganda,panget ka pa rin kahit anong gawin mo"
tss,panira ng buhay yung dalawa,nagiisip pa nga ako.
"Oo,sandali lang"tiningnan ko muna ulit yung sarili ko sa salamin at inayosayos ang buhok ko at damit saka ako lumabas.
"Ano ba ang ingay ingay n--"
tama ba tong nakikita ko si Kalix ba to?Bakit ang gwap-
"Oh natulala ka ata sa kaguwapuhan ko''
sino ba namang hindi,unang beses ko siyang nakitang nakaayos ng buhok at bagay sa kanya ang pormal na damit na kulay itim.
"Tss,kapal,nagulat lang ako tao ka pala"
"Argh,wag na nga kayong maglambingan dyan,tara na mahuhuli na tayo"
”TUMIGIL KA ORPHEN"aba nakikisabay ng sigaw tong si Kalix ah,matingnan nga ng masama,at,talaga naman nakikitingin din ng masama.Sige titign tayo.
"AISH,sabi ko tumigil na kayo"saway samin ni Orphen,na pumagitna na.
"Tss"
Tamang tama lang din ang dating namin dun,hindi pa naman nagsisimula ang kasiyahan at wala pa rin ang prinsipe.Pagdating palang namin dun,napansin ko agad na may hindi tama.Bakit ako lang ang natatanging nakaputi,lahat ng nandito ay nakaitim,mapababae man at lalake.
Dama ko ang bulungan ng mga tao ng makarating kami dun.Pati na rin ang mataman nilang pagtitig sa akin.Hindi ako komportable.Tama din si Orphen na halos nga lahat ng may matataas na tungkulin ay narito.May iilan-ilan pa nga akong nakilala.
Orphen's P.O.V.
Bakit lahat kami nakaitim tapos si Lamia nakaputi.Bakit kaya?Baka panget nga siya katulad ng sabi ni Kalix kaya pinagsuot ng makakaangat sa iba
para di halata.
BOOGSH
"Aray,nanadya ka ba ah"
Sa kakaisip ko di ko tuloy namalayang may nabangga na pala ako.
"Patawad binibini"pero sakto na rin kasi ang ganda,mukang swerte ako ngayon ah.
"Sa susunod na maglalakad ka,wag mong iniiwan yung mata mo,baka di mo kilala kong sino ako"aba aba,mukang matapang
"Hindi nga"Lumapit ako dito at bumulong"Kaya nga gusto kitang kilalanin"ganyang talaga ako mangakit he he he.
Unti unti niya ring nilapit yung bibig niya sa tenga ko,kaso lang.
"AFTT.."AWWAWAW ANG SAKIT.Bigla ba naman akong sinikmurahan.Gusto ko sanang sumigaw kaso baka makatawag pansin pa,to namang mga tao dito,di man lang napansin sige lang daldal.
"Ganyan napapala ng mga taong magagaspang ang ugali,wag ka na ulit makalapi lapit sakin"
"S-sandali-"Tinawag ko pa ito kaso di na lumingon,tuloy tuloy lang sa paglayo.Pag nalaman nun na Prinsipe ako baka biglang gumapang yun pabalik sa akin.Kaasar maganda nga brutal naman,makahanap na nga lang ng ibang babae.
BINABASA MO ANG
As Being A Princess
Tarihi KurguPumunta siya sa palasyo para makita ang minamahal niyang prinsipe lahat planado na niya : Kung paano niya ito aakitin at kung paano siya magmamaganda.Ngunit hindi ang prinsipe ang nakita niya dito kung hindi ang nakakairita nitong kapatid na kabal...