Chapter 6

504 19 10
                                    

 Kalix's P.O.V.

Papagabi na.Malaya layo na rin to sa palasyo kaya't maaari na kaming tumigil.Hinatak ko ang tali ng kabayo upang pahintuin

''Bakit ka huminto''Tanong ni Orphen na pinahinto din ang kanya

''Magpahinga muna tayo''sagot ko.

''Buti naman at naisipan mo''sabat naman ng impaktitang si Lamia na agad lumundag pababa ng kanyang kabayo.

Di ko talaga akalaing marunong pala siyang mangabayo.

Itinali namin muna sina Nana,Luna at Ley Ley sa isang puno at inayos namin ang aming mga gamit.

Nagprisinta nang maghanap ng kahoy si Orphen,ako nama'y sinuri ang paligid kong malayo ba kami sa panganib,habang ang impakta ay nakapameywang at nakataas pa ang kilay na nakatingin sa akin

''Oh bakit''tanong ko.

Lumapit pa to sa akin.''Noon ko pa tong gustong tanungin eh,ano bang relasyon niyo ni Orphen''

''Magkaibigan kami malamang''

''Hindi ganun ang ibig kong sabihin''

''Hindi ako bakla kung yan ang iniisip mo''humakbang na ako palayo para ayusin ang mga gamit ko.

Lumapit pa to sa akin''Tanga hindi yun''sabay batok sakin

''Aray ko,kaibigan ko nga yun,kababata ko,tambay ako sa kaharian nila dati,ano masaya ka na''tss nananakit ba

''Ah kaya pala''tumango tango pa ito saka bumalik sa pagaayos ng gamit niya.

Bakit pa kasi ito sumama!

Flashback

BAM

BAM

BAM,

Isang marahas na katok ang gumising sa aking magandang pagtulog,papaumaga pa lang ah,sino kaya to.Aantok antok kong binuksan ang pinto.

HOA

 may impakta!tuloy tuloy itong pumasok sa kwarto ko,nakadamit pantulog pa.

Kasunod naman nito si Orphen na kalahating tulog,

teka mapaalis nga to''Hoy anong-''

''HOY ANONG AKALA MO SAKIN TANGA,SABI MO HINDI KA PUPUNTA DUN SA PAANYAYA NG PRINSIPE NG TIMOG,TAPOS TATAKAS KA PALA MAMAYA''

''Wala ka nang pak-''

''AT MAY GANA PA TALAGA KAYONG IWAN AKO,SA PAGKAKAALAM KO PATI PRINSESA KASALI DUN SA PAANYAYA,KUNG MAY IMBITASYON LANG DIN AKONG NAKUHA KAYANG KAYA KONG UMALIS MAG-ISA.BASTA SASAMA AKO''sabay labas,binalibag pa ang pinto.Grabeng litanya yun walang hinga hinga.

Napatingin ako kay Orphen na nakasandal sa ding ding at NATUTULOG,seryoso tulog talaga siya.Kinalabit ko pa nga ayaw talaga,ito gigising na to

''MAY MAGANDANG BABAE ORPHEEEN''mukang epektibo dahil agad siyang naalimpungatan

''San,saan''

Isang malutong na batok ang ibinigay ko sa kanya''Ikaw ang nagsabi kay impaktita di ba''

''Anong magagawa ko pinagkakakatok ako tapos dumaldal na ng dumaldal kanina sa kwarto ko,di ko nga maintindihan,dinala ko na lang dito''

End of flashback

Grabe lang yung ginawa niya makasama lang siya.

Maya maya dumating na si Orphen na may daladalang kahoy, agad ko tong pinaapoy,upang mabawasan ang lamig.Ayos na ang mga gamit ko na itinabi ko sa isang puno,ganun din ang ginawa nila at kumain na kami.

As Being A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon