Kalix’s P.O.V.
''Kalix''ani lalakeng may hawak ng espada na agad ko namang nakilala kung sino.Narinig ko din ang boses ng isang babae na takang sinambit ang pangalan ni Lamia
''P-prinsesa Lamia''saka binawi nito ang kanyang espada.
''Anong kalukuhan to Alex''singhal ko sa kapatid ko na kanina lang ay nakatutok sa akin ang espada.
''P-prinsipe Alex''tangang tanong ni Lamia.
Humingi naman ng paumanhin ng aking magaling na kapatid.''Patawad akala ko'y mga tulisan kayo''
''Mas muka pa nga kayong mga tulisan kaysa sa amin''napatingin ako kay Lamia''Tara na''marahas ko siyang hinatak patayo at agad kaming umalis dun.
Narinig ko pa ang pagtawag nina Alex at Asha ngunit hindi ko na to pinansin.
Malayo na kami kay na Alex na bitawan ko si Lamia,marami na ring tao dito kaya't dinig na dinig na naman ang ingay.
''Bakit hindi mo sinabi sa kanila ang narinig natin''tanong sa akin ni Lamia habang naglalakad kami pabalik.
''Hindi na kailangan,anong malay mo at baka alam nila ang nangyayari at magsumbong sila sa mahal na reyna na nalalaman na tayo''
''Ganun ba talaga ang tingin mo sa kapatid mo,para isipin mong kaya niya tayong traydurin kung sakali''
''Kung ano iniisip mo isipin mo na lang pero ayaw kong makipagugnayan kay Alex''alam ko naman na alam na rin ni Alex na may narinig kami dahil sila mismo ay nagmamatyag ng mga oras na yun.
Ayaw ko lang talagang makipagalyansa sa kanya.Malalaman ko din ang mga yun sa paraang gusto ko! na mas mabilis.Tahimik na kaming naglakad ni Lamia hanggang sa makarating kami sa palasyo.Hindi siya umimik na tila may iniisip.
Lamia’s P.O.V.
Ang gabing yun ay talagang nakakatakot,nakakagulat,nakakamangha,nakakapagtaka at lahat na ng nakaka.Hindi ko pa rin malimutan ang espadang nakatutok sa akin. Kung hindi siguro sina Alex at Asha yun siguradong patay na kami.
At ano naman ang ibig ipahiwatig ng mga narinig at nakita namin.Ang Paladin,ang kaguluhan,dawit kaya ang kaharian namin.Ay naku itulog ko na lang to.Niyakap ko na lang yung unan ko,at bilingbaliktad sa kami pero hindi pa rin ako makatulog.Naaalala ko din yung sinabi ni Alex , ano bay an puro kamalasan!
May gumugulo pa sa isipan ko.Dapat ba ako makipagalyansa sa prinsipe KO para malaman ang katotohanan,hindi naman ako tanga para hindi mapansing naeespiya sa lugar na iyon,at may kutob akong batid nila ang mga narinig namin.
MAY ALAM SILA!
Ngunit bakit hindi nila pinaalam sa amin yun kahit kay Kalix na lang,at bakit pa inililihim ito ng mahal na reyna.Kung ganun na nga at takbo ng pangyayari siguradong napakaseryoso at napakakomplikado nito para linlangin pa kami.
Alex’s P.O.V.
Ano kaya ang iniisip ng kapatid ko.Aksidente lang ba ang pagpunta sa nila sa lugar na iyon o katulad din namin sila na nagmamanman din.
Simula ng makita ko si ina na kausap ang isang Paladin ay hindi ko mapigilang magtaka.
Dun ko napansin na iba na nga ang ikinikilos sa palasyo pati ang mahal na hari ay matagal ng hindi bumabalik sa kaharian,na kakaiba dahil ang pagkawala ng matagal ng hari ng isang kaharian ay tulad sa isang kawal na nakababa ang pananggalang. Na sa kahit na anong oras ay maaring sugurin at maaring mapuruhan.Kaya't sinimulan namin ni Asha ang pagmamanman at tanging nalalaman lang namin ay ………..
''Alex kanina pa kita tinatawag hindi ka lang naman sumasagot''hindi ko namalayang nasa loob na ng kuwarto ko si Asha.Gano ba ako katagal nakatingin sa salamin.
BINABASA MO ANG
As Being A Princess
أدب تاريخيPumunta siya sa palasyo para makita ang minamahal niyang prinsipe lahat planado na niya : Kung paano niya ito aakitin at kung paano siya magmamaganda.Ngunit hindi ang prinsipe ang nakita niya dito kung hindi ang nakakairita nitong kapatid na kabal...