Chapter 30

278 10 1
                                    

Kalix's P.O.V.

"Tss sagabal " namataan na rin ako ng mga kawal at humrang na sa daraanan ko, ito namang si Lamia nawalan pa ng malay. Asan na ba sila, mag uumaga na sana makarating sila ng mas mabilis.

Sabay sabay nila akong sinugod wala na akong magagawa kundi ang tumuloy sa pagtakbo.

"Hulihin siya "

Ang bigat pa nitong si Lamia.

Sinipa ko ang mga kawal na humaharang. May ilan pang humahabol sa amin sa likuran. Dehado ako dahil hindi ko magamit ang mga kamay ko.

Parang dumami pa lalo ang mga sumusunod sa amin. Natamaan na rin ako ng mga pagsugod nila. Lalong bumagal ang kilos ko, kamuntik ko pang mabitiwan si Lamia. Ang paisa isang tama sa akin kanina ay naging sunod sunod na, hanggang sa hindi ko na kinaya at napaluhod na ako.

TING

May sumalag sa espadang papunta sana sa akin.

"Dylan! "

"Mabuti na lamang at dumating kami  sa tamang oras, hindi mo ba alam na nag alala kami sa biglaan mong pag alis "

"Tsk " sumbatan ba ako. Maya maya ' y dumating na rin si Morato kasama ang mga kawal niya.

"Kayo nga ang matagal, anong gusto niyo hintayin ko pang patayin nila si Lamia "

"Tumayo ka na dyan at itakas mo na si Lamia, may pumunta na rin kayna Alex. "

"Hindi mo na ako kailangan utusan " pinilit kong makatayo khit na marami na akong sugat at binilisan ang takbo. Salamat na rin kay Dylan at pinigil niya ang mga sumusunod sa amin.

---------------------------------------------

Alex 's P.O.V.

BLAG

"Ano yun? " napatayo bigla si Asha sa kinauupuan niya ng may marinig kaming pagbagsak ng sa hula ko 'y isang tao.

Napangiti bigla ang hukom " Narito na sila " usal nito.

"ALEEEEEXXXXXX "

"Ano ba Orphen wag ka ngang magsisigaw "

Andito na rin sila

"Ano nang nangyayari " tanong ko kay Titania na kasalukuyang binubuksan ang selda namin.

"Itong si Kalix bigla bigla na lang pumunta at sumugod dito, hindi nag iisip "sabi ko na nga ba si Kalix na naman ang may pakana nito.

"Kung gayon may nabuo pa ba kayong plano? "Tanong ni Ashouksan na rin ang selda nauna akong lumabas kasunod si Asha at ang huli ay ang hukom na siyang sumagot sa tanong ni Asha.

"Ang bihagin at patayin ang duke "

"Yun na nga ang plano ni Dylan "

Kinuha namin ang mga espada ng mga kawal na napatumba nina Titania at Orphen, kailangan namin ito para sa marami pang kalaban. Hindi nga ako nagkamali dahil paglabas pa lang namin ay marami na ang sumalubong sa amin. Sabay sabay na sumugod ang mga ito. Madali ko namang nasangga ang mga tirang papunta sa akin. Pumuwesto kami ng pabilog nang sagayon may sasalag sa bawat bahagi. Ng magtagal pa sinimulan na  naming sumugod at isa isang pinabagsak ang mga kalaban.

Sa dami ng mga ito, swerteng walang napuruhan sa amin.

"Mas marami pang kalaban sa labas " pag -papaalam ni Titania habang hinuhugot nito ang espada sa katawan ng kanyang kalaban.

"Hanapin na natin ang duke "

"Bihag din ang mga ministro " pagpapaalam ko." Maghiwahiwalay tayo at magkitakita na lang sa hardin " dugtong ko pa na sinangayunan naman nila.

As Being A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon