Lamia's P.O.V.
Naiinis ako dahil hindi ko nagawa ang plano ko kanina.Hindi ko na nahintay ang prinsipe KO.Napaka kasi ng Kalix na yun.Dito na muna ako sa kuwarto.Hindi na rin ako kumain ng tanghalian dahil sobrang sira na ng araw ko.
TOK
TOK
TOK.
''Sino yan''walang buhay kong sagot
''Mahal na prinsesa pinapatawag po kayo ng mahal na reyna''bakit kaya
''Ah sige sandali''Nag-ayos muna ako at nagpalit ng damit.Iginiya naman ako ng katulong sa isang silid.
Napakalaki ng silid ng reyna,at kapansin pansin ang mga palamuting bulaklak,ganun din ang pananaig ng kulay berde sa buong kuwarto.Ang kama ng reyna ay nasa gitnang bahagi katabi ng isang malaking tukador.May balkonahe din na tulad sa silid ko.
“Narito ka na pala prinsesa Lamia,”bati sa akin ng reyna.Matagal na ata akong natulala.
”Pinatawag niyo po daw ako mahal na reyna”.nakayuko kong sabi.
“Huwag ka ngang masyadong magalang dyan,anak na rin ang turing ko sayo”.ngumiti pa ito sa akin.
“Masusunod po”
“Tara dito maupo tayo”Pinaupo niya ako sa isang silya sa harap ng tukador.Kitang kita ko ang maganda kong repleksyon sa harap ng salamin.Umupo naman ang reyna sa likurang silya.Kumuha siya ng suklay na sinuklay niya sa buhok ko.
Nakaramdam ako ng pamilyar na damdamin na sa tagal na rin ay tila nakalimutan ko na.Ang haplos ng aking ina.
Kung hindi lang sana siya namayapa ng maaga…..
“Hindi ka raw kumain ng tanghalian kanina”naku ano naman kaya ang isasagot ko.
“N-nakalimutan ko po,masyado akong naaliw sa pamamasyal” ang galling ko talagang magpalusot.
“Ganun ba,ngunit masama yan sa iyong kalusugan”
“Hindi na po mauulit” Ilang minuto ding tahimik at patuloy pa rin ang pagsuklay niya sa aking buhok,talagang nais niyang magkaanak ng babae.
Maya maya'y itinigil na niya ang pagsuklay.
“Mahal na prinsesa,…….” basag ng reyna sa katahimikan.
“Bakit po” sagot ko
“Nagpaalam nga pala sa akin si Kalix kanina na ipapasyal ka daw niya mamaya sa labirito,buti naman at nagkasundo na kayo”
“P-po...” gulat ako syempre.
“Huwag kang mag-alala kabisado naman niya ang pasikot sikot dun kaya di kayo maliligaw.”
Gusto ko talagang tumanggi alam kong may plano na naman iyon.Pero hindi naman ako makakatanggi sa mahal na reyna at halatang masaya ito sino ako para sirain yun.
“S-sige po”
Bumalik na ako sa kwarto ko.May isang oras pa naman bago ko makita ang demonyitong yun.Kailangan kong pagisipan ko pano kokotrahin ang kasamaan niya mamaya.Hindi ko pa kasama ang prinsepe KO.Mangangaso daw sila,malas lang. Sa kabilang banda ayos din yun at mapapakita ko kay Kalix kung sino talaga ang kalaban niya.
BUWAHAHAHA.
BAM
BAM
BAM.
Marahas na katok ang narinig ko,na nagpagising sa akin,nakaidlip pala ako..
“Sino yan”.sigaw ko
BINABASA MO ANG
As Being A Princess
Fiction HistoriquePumunta siya sa palasyo para makita ang minamahal niyang prinsipe lahat planado na niya : Kung paano niya ito aakitin at kung paano siya magmamaganda.Ngunit hindi ang prinsipe ang nakita niya dito kung hindi ang nakakairita nitong kapatid na kabal...