Chapter 19

322 10 0
                                    

Kalix’s P.O.V.

''Bakit kailangang dito pa tayo sa labas dapat mag-usap,eh ang lalim na ng gabi,ang lamig pa''pagrereklamo ni Orphen ng yayain ko siya sa labas upang mag-usap.

''Ano,ano ang sabi ng reyna''tanong ko.

''Aba wala siyang nasabi,kabang kaba nga sa mga pinagsasabi ko''tatawa tawa pa ang loko.

''Buti naman nagawa mo ng maayos ang pinapagawa sayo''

''Ako pa,guwapo kaya to''Ang yabang talaga,binatukan ko nga.

''Aray naman,parehas talaga kayo ng prinsesa mo mga brutal''pinagsasabi na naman nito.

''Anong prinsesa ko,tara na pasok na tayo''mag-uumpisa na naman to panigurado.

''Weh,ayaw mo lang pag-usapan si Lamia eh.yung nakita ko nung isang gabi ano yun,may ginawa kayo habang wala kami noh''Eh kung pinagsasapak ko kaya tong si Orphen matauhan kaya.

''Gusto mo nang mamatay''pananakot ko dito.

''Iilan na lang ang guwapo sa mundo babawasan mo pa''loko talaga.

''Tara na''

''Saglit mag-usap muna tayo''Hayyts ang kulit talaga.

''Oh,ano bang pag-uusapan natin''inis kong sagot.

''Si Lamia''

''Tara na''

''Bakit lagi ka na lang umiiwas pag si Lamia na ang pag-uusapan?,uyy,kinikilig kasi''

''Tigil tigilan mo nga ako,kun wala kang importanteng sasabihin tara na pumasok na tayo sa loob''Isa na lang talaga Orphen,isa na lang.

''May gusto ka lang kay Lamia eh''muntik muntik ko na siyang masapak,buti nakailag siya.

''Hoa,tama nga ako,pare lalake din akog,kaibigan pa kita,ay hindi,malapit na malapit tayong magkaibigan kaya wag ka nang maglihim,alam na alam ko na, pag-amin mo na lang ang kulang''

''Anong aaminin ko kung wala naman,o sige sige,gusto mong malaman kung anong tingin ko kay Lamia''inis na inis na ako.Tumango naman siya.

''Nakakainis siya,naiinis ako sa lahat ng mga ginagawa niya kasi naiirita ako.Nakakairita kasi na tatanga tanga siya,padalos dalos sa mga ginagawa kaya laging napapahamak,nakakairita siya kasi ayaw niyang pakinggan ang mga sinasabi ko kahit yun naman ang makakabuti sa kanya,nakakairita siya kasi ang landi landi niya,hindi mo malaman kung sino ang lalandiin,si Dylan o si Alex,tss,at may lahi siyang mangkukulam''

''Grabe ka naman,bakit naman naging mangkukulam yun''

''Ha!mag-ingat ka sa kanya,may sa impakta yun,humihiwalay yung kaluluwa niya sa katawan niya tapos binubuwisit ako hanggang panaginip ko,minsan yung mga taong nakakasalubong ko,akala ko siya kasi nakikita ko yung mukha niya.Hindi pa yun,pag hinahawakan niya ako parang parang may kuryente,at ito pa yung tingin niya nakakaba,grabe yung kabang kabang,tss oh ano masaya ka na''siguro naman hindi na siya mangungulit sinabi ko na lahat ng masamang idinudulot ni Lamia sa akin.

Nakatingin lang si Orphen sa akin na iiling iling.

''Bukod dun ano pa,yung sa tingin mo positibo''

Napaisip ako,positibong bagay kay Lamia,meron ba,''Saglit..parang wala eh...ah alam ko na!para siyang payaso!''

''Pfttt wahahaha,bakit naman pare''tawa nito.

''Tawa ka dyan,totoo naman,natutuwa kasi ako pag andyan siya''ngiti ngiti kong sabi.

Tinapik niya ako sa balikat at ngingiti din.''Tsk malala ka na pare,tara pasok na tayo''

''Saya mo ah''

As Being A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon