Szie POV
Ang hirap naman pag maraming date, ansakit na nang paa ko kakasayaw..
Mabuti nga at si mokong hindi nako niyaya, pero asa pa ba ako e abnormal yan, minsan sweet minsan caring pero MADALAS JERK. 1% human 99% BIPOLAR -____-
Nandito nako sa table namin, ako lang magisa hindi ko alam asan ang mga walangyang lalaki na yun after ako pagudin biglang magsisilayas pero okay nadin kahit papano tumahimik ang mundo ko..
Paano wala silang ginawa kundi mag asaran at magtalo, honestly nakakatuwa kasi para silang bata kaso minsan nakakarindi din.
Kinuha ko yung tequilla sa harap ko, minsan masaya rin uminom nakakarelax, mabuti nalang ilang araw akong walang naging problema
Yung about sa wedding? Oo until now iniisip ko parin yun pero wala naman na akong magagawa kundi ang tanggapin, well hindi naman ako lugi sa magiging asawa ko gwapo at galing sa disenteng pamilya yun nga lang may sungay haha
Pero kung papapiliin naman ako between lucas and ezekiel, i will 100% sure i will choose lucas dahil kahit may pagkajerk yan alam kong hindi niya ko sasaktan tulad nang ginawa sakin ni kiel. I am thankful na sa mga panahon na down ako laging may superhero na nag rerescue sakin..
JL: Antahimik mo naman so anong iniisip mo care to share?:) i will listen
Ako: Nothing, masaya lang ako :)
JL: Because?
Ako: Dapat ba may rason para maging masaya?haha cheers.
JL: Well i will admit it mas maganda ka pag nakangiti :) cheers
Wala nang nagsalita samin, pinapanuod lang namin ang lahat na sumayaw, naalala ko yung mga panahon na kami ni kiel ang magkasayaw, iba sa feeling pag yung mahal mo ang kasama mo sumayaw feeling mo kayo lang ang tao, winiwish mo na sana hindi na tumigil yung tugtog..
Pero magigising kanalang isang araw na walang permanente sa mundo lahat nagbabago at lahat nawawala.
Hay bakit ko ba inaalala ang lalaking yun, nakamove on na nga ako e, okay nako pero bakit parang pinagttripan ako nang tadhana.
Bakit kung kelan okay na lahat tska siya babalik at sasabihin na mahal nya talaga ako na handa siyang patunayan ang lahat sakin bumalik lang ako sakanya, na pinagsisihan niya yung ginawa nya
Inistraight ko yung isang tequilla kaya napangiwi ako gosh gumuhit sa lalamunan ko -.- pero wala pa yung sakit na yun sa sakit na naramdaman ko noon at hanggang ngayon
JL: Hey are you okay? Hindi ko alam na hard drinker ka pala hindi halata
Napatingin ako sa harap ko Oo nga halos naka 10 shots nako nang tequilla, sanay naman ako uminom pero pag gusto ko malasing hinahayaan kolang sarili ko
Sa ganung way kasi kahit papano nawawala yung sakit na andito sa puso ko, yung galit na nakatanim dito
Ako: Im fine dont worry too much :) occasionally lang naman ako uminom
JL: Kakaiba ka talaga :) cheers
Goodthing hindi kj itong si JL, nagtuloy lang kami sa pag inom minsan nag kwentuhan rin..
Guy1: Hi can we dance?
Tiningnan ko lang siya, i think isa siya sa kablockmates ko..JL: No, iba nalang ang yayain mo
Guy1: Ikaw ba tinatanong ko? Tska sino kaba? Mukhang nakainom narin ang isang ito..
JL: kung ako sayo aalis kanalang..
Guy2: Tol tara na iba nalang mahirap banggain yung grupo nila. Bulong nang kasama nung lalaki sakanya
Mabuti narin hindi na sila nangulit, tinatamad akong magmaldita ngayon
Nakakapagod rin pala maging ganitoJL: Ganda mo kasi e, ayan tuloy andaming gusto maisayaw ka
Ako: Well no comment haha wala naman akong magagawa about diyan
JL: Sabagay hahaha
Ilang oras din ang nakalipas, at napadami narin ako.
Tripp: Hoy siraulo ka JL bakit hinayaan mo yan uminom nang marami tsk
Ako: Hoy unggoy, ang ingay mo dont worry kaya ko ano sa tingin mo sakin mahina? Pss baka nga mas malakas pa ako uminom kesa sayo haha
JL: Nasan ba si jess?
Tripp: My emergency yung girlfriend niya kaya nauna na siya, hoy brat wag nga ako hamunin mo baka matalo ka
Ako: Well so ano game?? Pag natalo ka akin na yung sports car mo
JL: Hey stop that ikaw tripp wag muna patulan..
Ako: Dont tell me natatakot ka matalo? Nakaka turn off duwag
Tripp: Eh pag ako nanalo anong panalo ko? As if mananalo ka sakin
Ako: Pag ikaw ang nanalo papayag na ako maging date mo sa grand opening nang men's magazine
Tripp: Are you serious?? Alam ko nagulat siya, paano kinukulit nya ako dun dahil nasabi na daw niya sa mga friends nya na ako raw ang date nya
Ako: Yeah 3days yun di ba??
Tripp: Oo tas isang room lang tayo
Ako: Okay so lets have a bet?
Tripp: Deal :) and lets seal it with a kiss
I give him a smack on his cheeks, ano siya swerte haha.. Bring it on
-----------------------------

BINABASA MO ANG
JERK VS BRAT
Teen FictionWhy do I FALL for someone I really hate. We start as a enemy why should we end up As a lover? Yung totoo End of the world na ba???