[]

60 2 1
                                    

JL POV

Nandito kami sa Manila zoo, Oo manila zoo bakit? Hindi ko alam kay jess, minsan hindi ko rin maintindihan mood nun e sabagay parehas naman silang apat na may toyo sa utak hay

Medyo okay naman nako, hindi naman sobrang dami nang ininom ko sadyang puyat lang ako, nang tingnan ko ang mga kasama ko si bryle at jess ang magkausap habang si lucas nakapokerface na nakasunod lang sa gilid ni brat, at yung dalawang malakas ang trip kagabi ayun hindi maipinta yung mukha.

Bilib rin ako dito kay jess dahil napapasunod niya si zie, nako antigas nang kokote niyan. Kaya nga walang nakapigil sakanya kagabi eh haha walang nagtagumpay.

Nung nakahanap na sila nang pwesto pinakuha na ni jess yung mga gamit sa kotse, hindi ko alam kung sinasadya nyang utusan yung dalawa paano kahit nag volunteer na kami ni bryle na kami nalang ang kukuha dahil alam ko nga na hindi pa okay pakiramdam nang dalawa kaso ayaw niyang pumayag tsktsk mukhang alam kuna kung bakit kami nandito -.-

Si jess ang pinaka stricto samin dati palang, siya yung kuya kaya pag may nagpapasaway expect muna yung mga nakakalokong parusa niya at tingin ko isa ito sa way nya kawawa naman yung dalawa hay haha

Hindi ako sanay kay zie na tahimik, imean di naman sa madaldal siya mas sanay ako sa pagsusungit niya, hindi rin ako nakarinig nang pagangal as in sinusunod niya lang yung sinasabi ni jess sakanya, nag aalala tuloy ako

Medyo hindi ko parin naman siya lubusan kakilala, mga basic info at iilang details lang ang alam ko pero kagabi ramdam ko na may problema siya? Na may gumugulo sa isip niya pero mas pinipili niyang ipakita yung Cool side niya, kahit halata sa mata niya na malungkot siya.

Observant kasi ako, kahit hindi ako nag sasalita kaya alam ko rin na may gusto si bryle kay zie.

Aminado rin naman ako na crush ko siya sino bang lalaki ang hindi magkakagusto sakanya? Unang kita ko palang kasi sakanya may kakaiba nakong nakita sakanya she's different to all the girls i met, marami naman nakong nameet na magaganda at sexy pero si zie? Kahit na may pagka brat siya ma aattract kaparin sakanya :)

Nandito na kami nakaupo sa banig na nilatag nila may mga pagkain narin na nakahanda, si tripp kahit na may hang over pa nakuha nang kumulit at makipag kwentuhan ganun rin si lucas pero si zie nanatiling tahimik parin

Hindi ko alam kung aware ba sila? Or sadyang sanay na sila na ganyan siya minsan? Naninibago kasi ako eh

Halos kalahating oras na kaming nag kkwentuhan pero si zie tahimik parin, naisip ko baka nag papababa nang amats kaya tahimik parin siya, minsan sasagot okaya tatango.

Hindi parin naman nag tatanong si jess about sa nangyari mabuti narin yun kasi hindi ko rin alam paano eexplain sure ako na mapapagalitan rin ako lalo na ako ang naiwan dun.

Bakit ba kasi sabay-sabay silang nawala at naiwan ako sa dalawang yun kagabi hay haha parehas pasaway, siguro maaga akong tatanda pag silang dalawa ang kausap ko, isang masungit at isang maingay.

Natigil kami sa paguusap nang tumayo si zie at umakmang lalakad na

Jess: Hoy brat saan ka pupunta? Bigla-bigla kang tumatayo dyan

Zie: Mag restroom lang ako, pati ba yun bawalSabay naglakad ulit

Tripp: Pinaglihi ba sa sama nang loob yang pinsan mo jess?

Nagtawanan kaming lahat sa sinabi ni tripp, kahit na ang seryosong si jess napatawa, siraulo talaga kung narinig ni zie yun lagot siya hahaha

Napatigil kami sa pagtawa nang makarinig kami nang sigawan, tska namin nakita na nakabagsak sa damuhan si zie??????

Sh*t halos mapatakbo kaming lahat, pero naunang nakalapit si lucas

Anong nangyare kay zie? -.-

---------------------------------

JERK VS BRATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon